Chapter 9

7 1 0
                                    

Catherine's POV

Lumipas ang mga linggo mula nung lumabas kami ni Andrew. At simula nun ay hindi na nya ko masyadong inasar pa, pero dumadating parin yung araw na iniinis nya ko pero bibihira na lang. At magmula din nun ay mas nakilala ko pa si Maggie, nagkekwento na sya sakin ng naging buhay sa bahay ampunan. Nalaman ko rin na sanggol palang ay iniwan na sya roon ng kanyang tunay na nanay. Mas naging close kami at madalas na rin kaming nag uusap. Isang araw nga nakwento nya na may nagugustuhan na daw syang lalaki. Sinubukan kong tanungin kaya lang ayaw pa nyang sabihin, ang sabe nya, ramdam nya na gusto rin sya nito at ang balak nya ay sasabihin ito sakin kapag nagtapat na yung lalaki sa kanya. Siguro isa sa mga kaklase namin ang nagkakagusto sa kanya, hindi na nakapagtataka dahil maganda talaga si Maggie.

"Okay class, We will in 5 minutes. Pagbalik ko dapat handa na ang lahat. Understood?"

"Yes sir." Sabay sabay naming sagot. Itinali ko ang buhok ko para hindi ako mainitan mamaya. PE class namin ngayon at lahat ay handang handa. Ilang sandali ay lumapit sakin si Andrew.

"Buti naman hindi mo nakakalimutang suotin yung regalo ko sayo." Napatingin ako sa rubber shoes na bigay nya sakin.

"Oo, nakakatakot kasi pag hindi ko sinuot." Pagbibiro ko sa kanya.

Bigla namang nawala ang ngiti sa muka nya matapos marinig yung sinabe ko." Ibig sabihin napipilitan ka lang kaya mo sinusuot yan?" Bigla naman akong natawa sa pinakitang reaksyon ni Andrew. Hindi ko akalain na maniniwala sya dito.

"Biro lang Andrew." Nag peace sign ako at itinuloy ang pag aayos sa buhok ko. Bigla naman lumapit ang iba naming kaklase samin.

"Wow! Dapat ba talagang pareho ng sapatos ?" Napatingin naman sila sa suot naming sapatos.

"Ha? Dati pa naman namin 'to sinusuot ah. Ngayon nyo lang ba napansin?" Tanong ko. Imposible naman kung ngayon lang nila napansin dahil simula nung nag start ang klase ay sinusuot na namin 'to tuwing PE class.

"Ah. Kami lang pala ang hindi updated" Dagdag ni Louisa.

"Nagkaroon tuloy ako ng idea kung ano ang ireregalo ko sa monthsary namin nung boyfriend ko." Singit ni Diana.

"Tama ka Diana, ang ganda talaga. Haay! Napagkakamalan tuloy na couple 'tong sina Andrew at Catherine." Pang aasar nila. Hindi na lang ako umiimik sa mga sinasabe nila. Wala akong masabe at nahihiya ako sa kanila.

Bigla namang nagkaroon ng tuksuhan at sigawan sa loob ng gym. Ano ba 'tong araw na 'to? Maya maya lang din ay nagsalita si Andrew. "Guys tama na.." Pag aawat nya. Tumahimik naman sila at talagang nakinig kay Andrew. Buti na lang andyan sya para iligtas ako sa mga ganitong sitwasyon. "Tama na dahil kinikilig na si Catherine." Nanlaki ang mga mata ko matapos nya itong sabihin. Mas umingay sa loob ng gym at nakisali narin yung iba naming kaklase. Kahit kailan talaga 'tong si Andrew!!

"Joke lang." Bawi nya. Napansin nya ata na hindi ko nagugustuhan ang biro nya. Talagang ayoko ng mga ganitong biro, ayoko na nagkakaroon ng malisya ang pagiging magkaibigan namin ni Andrew. Buti na lang din at dumating na si sir at nagsimula na ang PE class. Natuon ang atensyon ng klase sa konting instructions ni sir.

Matapos ang aming klase ay nagpalit na kaming lahat at kumain ng lunch. Hindi rin nagtagal ay pumunta na agad kami sa room kahit may 20 minutes pa kami, dahil si Mrs. Gomez ang magiging teacher namin. Ayaw nya ng late sa klase at higit sa lahat ayaw ng maingay. Kahit si Andrew na anak ng may ari ng school na 'to at apo ng principal ay hindi nya sinasanto, kung masungit sya masungit talaga. Hindi naman nagrereklamo si Andrew dahil ayaw nya na iba ang trato sa kanya, ang gusto nya kung ano ang pakikitungo ng teacher sa klase dapat ganun din sa kanya.

Till I Find YouWhere stories live. Discover now