Chapter 8

16 1 0
                                    

Chapter 8

Catherine's POV

"Let's go?" Nagyaya na si Andrew matapos naming kumain.

"Uuwi na rin ba kayo?" Tanong ko Kay maggie. Pero imbes na sya ang sumagot, si Louisa ang nagsalita.

"Hindi pa. Mag iikot ikot pa kami nitong si Maggie. Mauna na kayo." Sobra kong natutuwa dahil nakahanap na rin si Maggie ng isang kaibigan. Noon pa man, masaya na talagang kasama si Louisa.

"Bye. Ingat kayo sa pag uwi." Tumayo na kami ni andrew at lumabas ng restaurant.

"Kate, wag muna tayong umuwi. May dadaanan muna tayo saglit." Napatingin naman ako sa kanya. San naman nya gustong pumunta?

"San tayo pupunta?" Tanong ko. Imbes na sagutin nya ko ay hinila nya ko sa parking lot at sumakay sa kotse.

"Manong, pwede po bang kami na lang muna ang magdrive ngayon? Heto po." May inabot siya Kay manong. "Mag gala gala po muna kayo ng family mo, sabihin na nating day off mo ngayong araw. " natuwa si manong sa ginawa ni andrew.

"The best ka talaga Andrew!" Nag apir silang dalawa at lumabas na si manong ng sasakyan. Maging yung mga katulong at Kay manong kasundo nya.  Nakakatuwa talaga sya.

Lumipat kaming dalawa ng upuan. Bale ngayon, sya na ang nag dadrive. "San ba tayo pupunta?"

"Natatandaan mo ba yung mukang playground at mukang park na nadadaanan natin?" Natawa naman ako sa sinabe nya, unidentified yung lugar. Hindi namin maintindihan kung playground lang ba sya o park?

"Oo. Gusto mong puntahan natin?"

"Mismo." Sagot nya. Nagpatuloy sya sa pag dadrive at ako naman ay nagkekwento lang sa kanya ng kung anu ano. Lumipas ang ilang minuto ay nakarating narin kami. Naglibot libot muna kami sa buong lugar. Medyo malaki pala talaga yung lugar na 'to. Puntahan ng bawat pamilya at yung diba naman ay may mga karelasyon.  Umupo kami ni andrew sa swing ng makaramdam kami ng ngalay. Tahimik lang kaming nagduduyan dun hanggang sa magsalita sya.

"Kate, Anong tingin mo dun sa movie? Nagandahan ka ba?" Napatingin naman ako sa kanya, Pero sya nakatuon parin ang atensyon sa harapan. Humarap na lang din ako at sumagot .

"Oo naman. Sa una Akala ko boring at hindi maganda. Pero nung tumagal nagandahan din ako. Naappreciate ko yung kwento nya. Bakit mo pala natanong?" This time ako naman ang nagtanong sa kanya.

"Walang naman. Alam mo ba kung bakit yun ang pinili kong panuorin?"

"Bakit?" Humarap sya sakin at nagsalita.

"Kasi kamuka mo si Margo nung bata pa sya Hahahaha!" Akala ko pa naman Matino syang kausap ngayon!! Kumuha ako ng dahon at pinagpirapiraso ito. Binato ko iyon sa muka nya.

"Ayan ka na naman ha!"

"Biro lang kate." Bigla naman syang naging seryoso ngayon. "Ang totoo nan, nabasa ko kanina habang iniintay kita yung pinakang summary ng kwento nya sa internet. Medyo na curious ako kaya yun ang pinanuod natin."

"Ah." Akala ko no choice lang sya kaya yun ang pinanuod namin.

"Gusto mo bang malaman kung ano yung pinakang nagustuhan ko sa story?" Tanong nya ulit.

"Ano yun?"

"Yun ay nung nawala si Margo at hinanap sya nina Quentin. Nagkaroon sila ng madaming clues kung saan pwedeng mahanap si Margo. Hanggang sa lumipas ang mga araw at nahanap nila ito. Kahit na sa huli, hindi sila nagkatuluyan pero ayos lang dahil walang regrets si Quentin kasi  binigay nya yung best nya para mahanap si Margo. "

"Okay lang sayo na hindi sila nagkatuluyan?"

"Syempre hindi. Mas binigyan ko ng pansin yung ginawa niyang paghahanap sa kanya. Walang kasiguraduhan ang pwedeng mangyari sa huli, hindi nya alam kung pagkatapos ba nun magiging sila ba o hindi. Ang importante para sa kanya ay ang mahanap ang taong mahal nya." Tumingin sya sakin at ngumiti. Maging ako ay napangiti rin dahil sa sinabe nya.

"Andrew, eh pano kung mawala din ako? Hahanapin mo rin ba ko? Gagayahin mo ba yung mga ginawa ni Quentin?" Pagbibiro ko sa kanya. Natatawa ako sa kanya, ano kaya ang magiging sagot nya?

Naging seryoso muli ang muka nya. "Hindi. Hindi kita hahanapin" inaabangan ko na ngumisi sya at sabihing biro lang ang sinabe nya. Pero hindi, hindi nya iyon sinabe.

Hinampas ko sya at nagsalita." Anong klase kang kaibigan? Bakit? Naiinis ka na ba sakin at nasabe mo yan?" Medyo nakaramdam ako ng inis at lungkot dahil sa mga sinabe nya. Hindi ko inaasahan na magiging ganun yung maririnig ko at magmumula pa talaga sa kanya. Tumayo ako at nagbabadya nang Umalis. Pero nung magsalita sya, bigla akong napahinto at nanatili sa kinatatayuan ko.

"Hindi kita hahanapin dahil hindi ko hahayaan na mawala ka sakin... S-samin pala." Ano kamo? Teka! Sinabe nya ba Yung salitang sakin? O namali lang ako ng pagkakarinig? Lumingon ako sa kanya para tanungin kung ano ba ulit yung sinabe nya.

"Ano ulit yun andrew?" Imbes na sya'y sumagot ay tumayo sya at lumapit sakin.

"Kate, may gusto akong sabihin sayo noon p-- " biglang naputol ang pagsasalita nya ng biglang may tumawag sa pangalan sa pangalan ko.

"Catherine!" Mula sa likuran ni andrew ay nakita ko si Maggie na nakatayo doon at tinawag ang pangalan ko. Lumapit sya samin at nagsalita. "A-andito lang pala kayo. Akala ko umuwi na kayo." Mukang pagod na pagod sya. Halata sa muka nya ang pawis at pamumula ng muka.

"Pano mo nalamang andito kami? Sino kasama mo?" Pag uusisa ko.

"H-ha? Kasi .. "

"Teka, pawisan ka na. Oh Heto" inabutan ko sya ng tissue para punasan ang muka nya. Baka matuyuan sya ng pawis. Kinuha nya ito at pinunasan ang muka nya. Bumaling naman ako Kay Andrew, naalala ko na hindi pa nga pala sya tapos sa sinasabe nya.

"Ano nga ulit yung sinasabe mo Andrew?" Tanong ko. Bigla naman syang tumawa at nagsalita.

"Wala yun. Gusto ko lang sanang sabihin sayo na ilibre mo ko ng lunch sa Monday." Talaga? Yun lang ang sasabihin nya sakin? Akala ko pa naman kung ano na. Paseryo seryoso pa sya. Haay! Baka mang aasar na naman sya! Buti na lang at dumating si Maggie 😊 Blessing in disguise ang pagdating nya. Inakbayan ko sya para sabay kaming pumasok sa kotse.




-AuroraZeren

Till I Find YouWhere stories live. Discover now