"Loving you tonight"- Andrew Allen
Catherine's POV
" Catherine, do you want to come with us this weekend?" Anyaya ni daddy.
"San po dad?"
"Your mom and I are planning to do some volunteer works sa isang bahay ampunan. It would be great kung sasama ka. "
"Really dad? Sige po, I'll come." Napaka saya ko dahil sa sinabe ni dad. It's my first time na gawin ang ganung klaseng bagay. I'm really excited
"If you want pwede mo rin isama si Andrew"
"Sure dad." Maging si Andrew paniguradong matutuwa sa ibabalita ko sa kanya.
Agad ko syang tinawagan at sinabe ang balita. Like what I've said, natuwa nga sya at talagang sasama.
**
Lumipas ang ilang araw at heto na kame, naghahanda nang umalis para pumunta sa bahay ampunan.
"Excited ka na ba kate?" Pagtatanong ni Andrew
"Oo naman. Halos hindi nga ako makatulog sa sobrang excitement e." Ewan ko ba, pag talagang na eexcite ako halos hindi ako makatulog. Almost 4 hours lang ata ang naitulog ko last night.
"Kaya naman pala e." Sagot nya.
Medyo naibahan naman ako sa sinabe nya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Medyo nanlalake kasi yung eye bugs mo."
"HAAA?! Sigurado ka?" Ano ba yan? Kaya minsan ayokong na eexcite ako e, kasi inaalala ko baka magkaroon nga ako ng eye bugs.
Bigla naman syang tumawa. "Syempre biro lang. Kahit kailan ka talaga kate" Bigla nyang ginulo ang buhok ko at saka sumakay sa loob ng sasakyan.
Tinitigan ko lang sya ng masama at agad ding sumakay ng sasakyan.
Makalipas ang ilang oras nakarating na rin kame sa aming destinasyon. May kalakihan pala itong bahay ampunan at hindi lang mga bata ang inaampon maging yung iba, kasing edad lang namin ni Andrew.
Inayos na ng mga kasamahan namin ang mga gamit at pagkain. Sinalubong naman kame ng mga madre sa loob at inanyayahan muna kaming libutin ang buong bahay ampunan. Talaga ngang napakalaki nito, at nakakatuwa ang mga tao dito napaka masayahin.
Nang matapos kame maglibot, dumiretso na kame sa field para umpisan na ang pamimigay.
Kame ni Andrew ang nagbibigay ng pagkain at sina mommy naman sa mga gamit. Napaka sweet at napaka genuine ng ngiti ng mga bata.
"Sobrang saya mo no?" Biglaang tanong ni Andrew.
"Sobra. Hindi ko ma explain ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayon." Patuloy lang kame sa aming ginagawa habang nag uusap.
At sa kalagitnaan ng aming pagbibigay may batang nagsalita.
"Ano pong pangalan nyo? Ako po si Joy." Mga edad walo ang batang nagsalita. Napaka cute ng isang to.
Lumuhod ako para mapantayan ko si Joy. "Ako si ate Catherine at sya naman si kuya Andrew. "
Katulad ng ginawa ko, lumuhod din si Andrew para mapantayan nya ito. "Hello! Nice meeting you." Bati ni Andrew.
Kumaway lang ang bata at saka nagsalitang muli. "Maraming maraming salamat po sa mga binigay nyo samin."
"Maraming salamat din." Tugon ko.
YOU ARE READING
Till I Find You
RomanceSimula bata pa lang ay matalik nang magkaibigan sina Andrew at Catherine, pareho silang only child ng kanilang mga magulang. Naging matatag ang kanilang pagiging magkaibigan dahil na rin sa tulong ng isa't isa. Maunawain, mabait at mapagbigay si Ca...