Chapter 4

23 1 0
                                    

"So close but still so far"


Catherine's POV

Lumipas ang ilang buwan at heto, malapit nang dumating ang magiging kapatid ko. Wala akong alam tungkol sa kanya, kung ano pangalan nya, kung ilang taon o di kaya kung babae ba sya o lalake? Ayaw sabihin sakin nina daddy dahil gusto daw nila akong isurprise. Hindi na ko tumutol pa dahil sang ayon din ako sa gusto nila. Naging madali ang pag paprocess ng papers dahil narin siguro sa ginawa nina dad sa orphanage. Sobrang tagal bago ma aprubahan ang mga papeles pero kame ilang buwan lang at malapit na naming makasama ang magiging kapatid ko.

"Catherine, are you excited?" Tanong ni mommy.

"Yeah" I give her my brightest smile. Ngayong gabe na kasi dadating ang aking magiging kapatid. Kaya naman naghanda sina mommy para maramdaman nya agad na sobra syang welcome dito sa bahay. Nag prepare kame ng special dinner para sa pagdating nya. At ngayon ay sinusundo na sya ni daddy papunta dito.

"I'm glad you are. But, where's Andrew? Pupunta ba sya?" Inimbitahan din namin si Andrew para makilala na rin nya. I know he's very happy for me.

"Yes mom. He's on his way"

Ilang minuto lang ay nagtext na si daddy na malapit na sila dito sa bahay, kaya naman kame ay naghanda na rin at pumunta malapit sa pinto para pagbukas pa lang ay masurprise na agad sya. May dala dala si mommy na cake at ako naman ay mga balloons. Habang si manang ay may dalang banner na may nakalagay na "WELCOME HOME".

Ilang sandali lang ay may narinig kaming busina ng sasakyan. Paniguradong si daddy na yun, inayos ko ang sarili ko para magmuka akong maayos sa pagdating nya. Biglang nagbukas ang pinto at unang pumasok si daddy. Kitang kita ang saya at excitement sa muka nya.

"You guys ready?" Sabay sabay kaming tumango bilang respond sa sinabe nya. Binuksan nya lalo ang pinto para makita namin ang kasama nya. Sa sobrang saya na nararamdaman ko ,pumikit muna ko dahil parang hindi ko na kaya ang susunod na mangyayari. Rinig na rinig ko ang sigaw at pagbati nina mommy at ng mga katulong sa bagong dating. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, at unti unti ko syang nakita.

Hindi ako pwedeng magkamali, sya yung babaeng nakasalubong at natapunan ko ng juice sa kanyang damit. Pero hindi ko nay un masyado pang inisip, agad akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

"Masaya akong makita kang muli." Kumalas ako sa aking pagkakayakap at agad namang hinawakan ang kanyang mga kamay. "Anong pangalan mo? Ilang taon ka na? Ate na ba ang itatawag ko sayo?" Bigla naman akong nakarinig ng malakas na tawanan

"Pag pasensyahan mo na si Catherine, sobra lang talaga syang excited dahil finally magkakaroon na sya ng kapatid." Pahayag ni daddy.

"W-wala po yun. Pati po ako masaya dahil magkakaroon na ko ng pamilya. " Humarap sya sakin at inilahad ang kamay. "Ako pala si Maggie. 16 years old palang ako" Imbes na tanggapin ko ang kanyang kamay ay agad ko ulit syang niyakap.


"Catherine. 16 lang din ako" Kumalas ako sa pagkakayakap ko dahil naramdaman kong nasasakal ko na ata sya. "Pasensya ka na. Excited lang talaga ako"

"W-wala yun. Wag mo ng intindihin" Alam kong medyo naiilang pa sya samin, pero sisikapin ko, na agad syang maging komportable samin.

"Kung pareho lang kayo ng edad ibig sabihin wala ni isa sa inyo ang tatawag ng ate, tama ba?" Daddy.

Parang wala ngang tatawag na ate samin. Pero okay lang yun, ang mahalaga meron na kong kapatid. Matapos ang aming pagbabatian, dumiretso na kame sa dining room at nag umpisa nang kumain. Inihanda nila ang mga pagkaing paborito nya, bago kase sya lumipat dito marahil ay naitanong na ito sa kanya noon pa.

Till I Find YouWhere stories live. Discover now