Chapter 7

14 1 0
                                    

Chapter 7

"You're the friend of mine"

Catherine's POV

"Hey sweetie, wake up" nagising ako sa boses ni mommy. Medyo maaga pang gumising lalo pa't sabado ngayon. "Andrew's here" pagkarinig ko nito ay bigla akong napabangon.

"Ano pong ginagawa nya dito?" Bumangon ako sa Kama at inayos ang buhok.

"Umalis yung parents nya. Kaya dito muna sya. Mag ayos ka na Catherine kakain na tayo." Lumabas si mommy ng kwarto ko. Pumasok ako sa banyo para gawin ang mga dapat gawin. Nang matapos ako, bumaba na ko. Naabutan ko naman silang nakaupo na sa dining area.

"Good morning Kate" bati ni andrew. Lumapit ako kana mommy at daddy para halikan sa kanilang pisngi. Binati ko rin si Maggie.

"Aga mo Andrew ah." Bungad ko sa kanya.

"Tss. Eat first" sagot nya. Kumuha ako ng pagkain at nagsimulang Nang kumain. Ilang sandali lang ay nagsalita si daddy.

"Andrew, Catherine wala ba kayong pupuntahan? Nagpaalam sakin si maggie, aalis daw sya. " umiling ako. Walang naman akong planong puntahan ngayong araw.

"It depends tito." Sagot ni andrew. Tumango si daddy sa kanya at binalik ang atensyon sa binabasang dyaryo.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam narin sina mommy at daddy, sumabay na rin sa kanila si Maggie dahil mag iintayan na lang daw sila ni Louisa sa meeting place nila.

"Dito ka lang talaga as andrew?" Umupo sya sa sofa at nagsimulang magbasa ng libro.

"Di ko alam eh. Gala tayo?" Yaya nya.

"San naman tayo pupunta?"

"Mall."

"Anong gagawin natin dun?"  Parang nakakatamad gumala. Mas gusto kong matulog na lang dito sa bahay.

"Gagala, manunuod ng sine, kakain. May Tanong ka pa?" Bigla naman syang ngumisi. Haay! Magsisimula na naman sya.

Hindi na ko nag abalang sumagot pa. Baka kung ano nanaman ang isagot nya. Tumaas ako sa kwarto para maligo at mag ayos.

Maya maya, ng matapos ako Agad din akong bumaba. Para makaalis na din kame. Naabutan ko naman nakatakip yung libro na binabasa nya kanina sa kanyang muka. Nakatulog ata dahil sa kakahintay. Dahan dahan ko syang ginising at Agad din naman syang nagising.

"Sorry" bulong ko. Nag peace sign pa ko para hindi sya mainis sakin. Tumayo sya at inayos ang sarili.

"Ayos lang. Sanay naman na akong maghintay" tumalikod sya at nagsimulang maglakad. Medyo natawa naman ako sa sinabe nya. Hinabol ko sya para magkasabay kaming maglakad

"Kung anu ano ang sinasabe mo andrew. Hahahaha "

"Joke lang" sagot nya. Sumakay na din kame sa sasakyan at nagpahatid Kay manong.

Nang makarating kame sa mall ay dumiretso kami sa sinehan para bumili ng ticket. Ilang sandali lang ay nagpaalam sya para bumili ng pagkain at inumin.

Eksaktong pagbalik nya ay nakabili na ko ng ticket. Naibahan naman ako sa movie na pinili nya, hindi sya mahilig sa mga romantic films Pero... Ewan ko ba. Gusto nya daw kasi yung paper towns, balak ko sanang palitan bago ako bumili ng ticket kaso ayaw magpapigil eh. Pumasok na kami sa loob at ilang sandali lang ay nagsimula na yung movie.

Hindi ko akalain na magugustuhan ko rin itong movie na 'to. Nasa part na kami kung saan magsisimula na silang hanapin si Margo.

Nakatuon ang atensyon ko ng magsalita si Andrew. "Kate may hindi pala ko nasabe sayo."

Till I Find YouWhere stories live. Discover now