Chapter 6
"All we need is love... Real Love"
Catherine's POV
"Oy Catherine! Anong balak mo this weekend?" Tanong ni Louisa. Andito kasi kame sa gym ng school. Iniintay ko ulit si Andrew, nakikipaglaro na naman kasi sya ng basketball.
"Parang wala naman." Tugon ko. Tumingin naman sya kay Maggie. Medyo close na kasi sila dahil madalas na nya itong kasama.
"Ikaw Maggie?" Umiling lang sya bilang tugon dito. "Gusto mo mag mall? Gala tayo?" Pag aaya nya. Napatingin si Maggie sakin, marahil ay naghihintay ito ng sagot sakin. Ewan ko, pero masaya ko dahil minsan dependent sya sakin.
"Sumama ka na. Para hindi ka laging nasa bahay lang."
Ngumiti sya at nagsalita."Sige" Natuwa naman si Louisa sa naging sagot ni Maggie. Buti na lang at meron na rin syang nagiging kaibigan dito sa school. Nang matapos kaming mag usap ay itinuon na ulit namin ang aming paningin kay Andrew na sa kasalukuyan ay naglalaro pa.
Ilang sandali lang ay may mga umupo na grupo ng kababaihan sa may malapit samin.
"Ang gwapo talaga ni Andrew no?" Girl1
"Oo nga. Sana naman mapansin nya ko kahit minsan." Girl2
"Asa pa kayo bes. Ako lang ang mapapansin nan no!"Girl3
"Kapit kapit tayo mga bes. Lumakas ang hangin! Wooooooh."Girl1
Natawa naman ako sa mga pinagsasabe nila. Muka ngang madame ang nagkakagusto dito kay Andrew.
Lumapit si Louisa sakin at may binulong. "Asa pa naman silang mapapansin ni Andrew" Ang lakas nya talagang magbiro. Hindi ka talaga mababagot pag kasama mo itong si Louisa. Kung anu ano ang sinasabe at kinukwento.
Maya maya lang ay natapos na si Andrew sa paglalaro ng basketball. Lumapit sya samin at binati sina Louisa at Maggie. Ngumiti naman sila bilang tugon dito.
"Paabot naman nung bag ko kate." Hinanap ko yung bag nya pero malayo ito sakin.
"Ang layo Andrew nung bag mo." Lalapitan na nya sana ito pero biglang inabot ni Maggie yung bag nya.
"H-heto."
"Thanks." Binuksan nya ito at para bang may hinahanap. "Kate, naiwan ko sa locker yung towel ko."
"Kukunin ko?" Nabigla naman ako sa sinabe nya. Ipapakuha nya ba sakin yun? Eh puro boys yung nasa locker room dito sa gym.
"Hindi. Pahiram ng towel mo." Ngumisi sya. Alam ko na! Nagsisimula na naman 'tong si Andrew mang asar.
Kinuha ko yung towel ko sa bag at inabot ito sa kanya. "Alam nyo? Kung hindi ko talaga kayo kilala mapagkakamalan kong kayo ng dalawa."
"Sus, kinikilig na naman yang si kate." Nagulat naman ako sa sinabe ni Andrew. Unang beses nyang sinabe ito na para bang sumasang ayon sya sa biro ni Louisa.
"Tumigil ka nga Andrew. Nakakahiya pag may ibang nakarinig." Tumingin ako sa mga taong malapit samin. Muka namang hindi nila narinig ang sinabe ni Andrew.
"Aw." Napahawak si Andrew sa kanyang dibdib at akala mo'y nasaktan nga."Kinakahiya mo ba ko kate?" Imbes na sumagot ay tumayo ako pinaghahampas sya, pero hindi naman malakas.
Naputol ang pag aasaran namin ng biglang nagsalita si Maggie. "U-uhm uwi na tayo Catherine?"
"Ah Osige - -" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Andrew.
"Pwedeng mauna ka na munang umuwe Maggie?" Napatingin naman ako kay Andrew.
"Bakit?" Tanong ko.
Ngumiti sya at nagsalita. "Magpapasama kasi ako sayo" Humarap sya kay Maggie at muling nagsalita. "Pasensya na ha. Ipapahatid na lang kita sa driver namin, tutal nandun lang naman sya sa labas."
Hinawakan ako ni Andrew at dali daling umalis sa harapan nina Maggie at Louisa. Lumingon ako sa kanila, kumaway si Louisa sakin. Pero si Maggie, batid kong malungkot sya. Babawi na lang ako mamaya pag uwi ko.
"San ba tayo pupunta?" Tumigil kami sa pagtakbo. Humarap sya sakin at nagsalita.
"Ewan. Ayoko pang umuwi eh"
"Haay. Uuwi na ko, kawawa naman si Maggie walang kasama sa bahay." Magandang timing to para makipagkwentuhan sa kanya.
"Mamaya na. Andun naman sina manang eh"
"Andrew" marahan kong sagot. Ayaw nya talagang magpatalo eh.
"Okay fine, uuwi kana" buti naman at pumayag na sya. Haay!
"Yes!"
"Pero.." Pagputol nya
"Pero ano?"
"Maglalakad tayo pauwi sa inyo."
"Maglalakad? Ang layo kaya ng bahay namin." Baka pag naglakad kami mamayang Gabe pa kami makarating. Ano na naman kayang kalokohan ang iniisip ni andrew?
"Sasakay tayo papunta sa inyo Pero maglalakad tayo once na andun na tayo sa main gate ng subdivision nyo." Mas gusto ko na to kaysa kanina 😔 Madame pa akong gagawin at isa na dun ang pakikipag usap Kay Maggie.
Sumakay kaming dalawa sa sasakyan at nagpababa ng makarating sa main gate ng subdivision.
Nagsimula na kaming maglakad lakad ni Andrew. Nang tumagal, napansin niya ang ginagawa ko.
"Anong ginagawa mo?"
"Walang naman. Natutuwa lang ako tuwing ginagawa ko 'to." Binalik ko ang atensyon ko sa daan
"Kailan mo pa ginagawa yang Hindi mo pagtungtong sa mga guhit?" (Alam nyo naman guys yung mga guhit sa daan diba?)
"Dati pa. Hindi kasi tayo masyadong naglalakad kaya hindi mo alam" ngumiti ako sa kanya at tinuloy ang paglalakad.
Umakbay sya sakin at ginaya ang ginagawa ko. Hanggang sa kahit na hindi kami tumitingin ay alam na namin kung lalakdaw kami sa guhit o hindi.
Nang makarating kami sa tapat ng bahay ay nagpaalam na sya. Hindi na sya nag abalang pumasok dahil wala parin naman daw sina mommy.
"Bye Kate." Paalam nya.
Kumaway lang ako sa kanya. Tumalikod na sya para pumasok sa sasakyan. Pinahatid ko sya Kay manong dahil wala pa Yung driver nila.
Binuksan ko yung gate para makapasok na, Pero bigla akong tinawag ni Andrew kaya naman napalingon ako sa kanya.
Tumakbo sya papalapit sakin at bigla nya kong niyakap. Nakaramdam ako ng kaba and at the same time ng saya. "Para san yun?" Tanong ko. Hindi nya to madalas na ginagawa. Hindi nya ko niyayakap tuwing aalis at magpapaalam sya.
"Wala. Bakit? Bawal na bang yakapin ang best friend ko?" Kumalas sya sa pagkakayakap. Hindi na nya ko hinintay na sumagot pa sa kanya. Pumasok na sya sa loob ng sasakyan at umandar narin ito.
Naiwan naman akong parang tuod dito sa kinakatayuan ko. Ewan ko pero... Ang saya ko. Napahawak ako sa aking dibdib at ramdam na ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
-AuroraZeren
YOU ARE READING
Till I Find You
RomanceSimula bata pa lang ay matalik nang magkaibigan sina Andrew at Catherine, pareho silang only child ng kanilang mga magulang. Naging matatag ang kanilang pagiging magkaibigan dahil na rin sa tulong ng isa't isa. Maunawain, mabait at mapagbigay si Ca...