Chapter 1

278 22 27
                                    


Chapter 1


Chrisy's POV 

Mabilis kong pinatakbo ang kotse papuntang school. Kainis kasi eh, 15 minutes nalang at male-late na ako. Aish! By the way, I am Chrisy Macy Jane Montenegro. Haba ng pangalan ko noh? Si daddy kasi iba ang trip.

Sa Sandoval High ako nag-aaral. Ang parents ko at ang may-ari ng Sandoval High at Sandoval Academy ay business partners.

Nasa may parking lot na ako at pinapark na ang kotse ko. Iniisip niyo siguro ang bata ko pa para magdrive. Well, 16 years old pa po ako. At isa pa, may student license na naman ako. Tinuturuan rin ako ni kuya kung paano magmaneho ng maayos. Yes! May kapatid ako. Si Chris Laurence Montenegro, 18 years old. Sa Sandoval Academy nag-aaral. College na kasi siya ngayon.

Maya-maya lang ay bumaba na ako ng kotse at mabilis na tumakbo papasok ng Campus. Nang bigla kong naalala na may teachers meeting pala ngayon, so walang klase. Argh!

"Hoy! Problema mo?" tanong ni Cas nang makita niya akong nakabusangot.

Si Cassandra "Cas" Mendez ay bestfriend ko since Grade 7. Hindi siya mayaman. Sakto lang na makakain sila ng tatlong beses sa isang araw.

"Badtrip! Nagmamadali pa akong pumasok pero wala naman palang klase," inis kong sabi. Napakamot nalang siya sa batok niya. "Nga pala, may pinabigay si kuya," kinuha ko sa bag ang envelope at inabot ito sa kanya.

"A-ano 'yan?" utal niyang tanong.

"Envelope, 'di ba obvious?" Napailing nalang siya at kinuha ang envelope. Namumula pa nga siya. Sus! If I know, mahal niya si kuya. Mahal rin naman siya ni kuya. I can see it in their eyes.

Alam ko ang laman ng envelope. Money para sa family niya at letter para sa kanya. Alam ng parents namin na binibigyan ni kuya si Cas ng pera. Hindi naman sila tutol eh. Gusto nga nila si Cas para kay kuya.

Habang naglalakad kami papuntang tambayan ay tinanong ko siya, "Cas, ba't 'di mo sabihin sa kanya ang totoo?"

"Na ano? Mahal ko siya? Ayoko nga. Atsaka bago mo ako tanungin ng ganyan, itanong mo muna sa sarili mo 'yan," sabi niya rolling her eyes heavenward."Look, ilang years muna siyang gusto? Still, hindi mo pa inamin. Baka maunahan kana n'yan,eh."

Napailing nalang ako. Ayokong aminin sa kanya. Ayokong gumulo ang tahimik kong buhay. He's a heartthrob. Maraming naghahabol sa kanya. At isa ako dun.

"I won't," tipid kong sagot. Iisipin ko palang na iba ang gusto niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Hays! I feel you."

Nginitian ko lang siya at agad kaming umupo sa may damuhan. Nakita ko sa may di kalayuan si Migz. Nakaupo sa isang bench kasama ang mga kaibigan niya na nagtatawanan.

"Psst?"

"Bakit?"

"Nakatingin siya sa'yo," kinikilig niyang sabi.

"Hindi kaya," tanggi ko. Ayokong mag-assume.

"Totoo kaya."

Aba't hinampas ko nga.

"Aray! Masama bang magsabi ng totoo?" daing niya saka nagpout. Ang cute talaga ng bestfriend ko 😊

Tiningnan ko si Migz. Oo, nakatingin siya at agad na umiwas.



Migz' POV

Nasa may bench kami ngayon. Nagtatawanan sila habang ako nakatitig sa kanya. Even though malayo siya ay malalaman ko talaga pag siya 'yon.

Gusto Kita(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon