Chapter 6

135 19 10
                                    

Cas' POV

Nasa may dining table kaming lahat except kay Chrisy. Hindi pa siya bumaba, eh. Hindi ko alam kung bakit.

"Hii guys!"

O__________O

What da eff is she doing here?

"Hii babe," bati ni..

Migz ? O_________O

"Babe," Krisha said saka hinalikan sa pisngi si Migz.

Naguguluhan ako. Ano ba ang nangyayari? Ba't siya narito? At anong babe? Sila na ba?

"Who are you?" tanong ng mommy ni Migz.

"Hii mom! I am Krisha Villafuerte, and I'm Migz' girlfriend," confident niyang sabi. Lahat kami napanga-nga sa sinabi niya.

"W-what? Ikaw ba yung tinutukoy niyang babae? 'Yon bang palagi niyang kinukwento sa amin?" naguguluhang tanong ng mommy ni Migz.

"Owww! Kinukwento mo pala ako sa family mo, babe? Ang sweet mo naman," maarte niyang sabi saka pinulupot ang braso niya sa braso ni Migz.

"Confirmed!" biglang sabi ni Tito Kian,"Chrisy, come here."

Namumugto ang mga mata niya. Confirmed nga! She's crying dahil kay Migz at Krisha.

"What happened to your eyes, dear?" tanong nung daddy ni Migz. Kita ko sa peripheral vision ko na nakaupo na pala sa harap namin si Migz at Krisha. Paktay! Katabing upuan ko na lang pala ang bakante. Shet! Nag-iinit ang ulo ko, eh.

"Nothing!" mahina niyang sabi saka umupo sa bakanteng upuan katabi ko.

Tiningnan ko siya nang I-know-you're-crying- look. Pero nginitian niya lang ako. At alam kong pilit na ngiti lang iyon.

"So, lets eat na?" sabat ni Krisha. Hindi na kami umimik pa at kumain nalang.

Si Krisha lang at Migz ang maingay. Shet! Lalanggamin sila pwee! Ang landi talaga. Harap-harapan talaga, eh.

"Ahm, mommy, daddy," Krisha said. Hindi lumingon ang parents ni Migz. Buti nga sayo."Can I have your attention for a while."

Lahat kami napatigil sa biglaan niyang pagsigaw.

"Nasa hapag tayo kaya huwag kang sumigaw," irita kong sabi.

"Sorry!" Plastik. Sarap mong patayin, Krisha.

"Kailan pa naging kayo ni Migz?" Tito Kian

"Last week lang. Why'd you ask?" taas kilay niyang tanong.

Alam kong kinontrol ni tita Maggie ang sarili niya kaya hindi siya nagsalita.

"Is there something wrong about my question?" tito Kian asked.

"Oh! Sorry."

"I'm done. I need to go first."

Third Person's POV

Napatingin lahat kay Chrisy na ngayo'y naglalakad palabas ng dining area. Kita sa mata ni Cas, Chris, parents niya,at parents ni Migz ang pag-aalala. Alam nilang umiiyak ang dalaga kagabi dahil mugto ang mga mata nito.

"Ganun ba siya ka espesyal para titigan habang palabas ng dining?" may bahid na inis na tanong ni Krisha.

"I lost my appetite." -Chris

"Same here" -Cas

Umalis na si Chris at Cas. Sumunod ang parents ni Chrisy. At ang natira ay parents ni Migz, Migz, at Krisha.

Gusto Kita(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon