"Hindi nga..?"sabi ng prinsipe.
Tumango tango ako.
Ilang sandali pa,mukhang nakabalik na ito sa katinuan dahil sumeryoso na ulit ang mukha nito.Inikotan ako nito na animoy pinag aaralan ang aking kaanyuan.Di ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha,diyata't di pa ako nakapagsuklay.
"Diwata?matagal na akong nakakarinig tungkol sa inyo,akala ko at isa lang kayong kathang isip,pero heto ka at nasa harap ko pa."panimulang sabi niya habang hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
Di ko tuloy maiwasang makonsensiya,talagang naniwala siyang diwata ako?ang ibig sabihin nagagandahan siya sa akin?O mahabaging diyos nananaginip ba ako?Kay tagal kung hinintay ang pagkakataong into.
"Subalit taliwas ang paglalarawan nila sa mga nasabing diwata,ang sabi nila ay pawang nakakabighani ang ganda ng mga ito,ngunit bakit hindi kabigha-bighani ang iyong ganda,binibining diwata,?"nakaangat-labi na saad niya,na tila ba may paglalaro sa kanyang mga mata.
Aba lokong prinsipe to ah,ang ibig niya bang ipahiwatig ay pangit ako, ganun?eh kung tuktukan ko kaya siya ng makita niya na maganda talaga ako? pwera biro,Umuusok na kasi ang aking ilong sa sobrang inis.
"Neknek mo, ang ganda ko kaya,maaring bulag ka lang,at saka 'wag mo akong malait-lait na prinsipe ka, kung ayaw mong mabura itong harden na ito sa iyong paningin,gusto mo ba yun?".Nakataas kilay na sabi ko, Sabay kunwari taas ng dala kung maliit na matulis na kahoy ,na hindi ko alam kung saan nanggaling.Ang dami ko ng kasinungalingan, maliligo talaga ako mamaya ng doble doble.Patawad po panginoon.
Tila naman nasindak ito sa aking sinabi dahil biglang nag-iba ang anyo nitong mapaglaro.Mabuti naman. haha nakakatawa.Yung totoo?prinsipe ba talaga siya?bakit napaka uto-uto niya?haha.
Nagkunwari pa rin akong inis,kahit na sa loob loob ko ay nais ko ng bumulanghit ng tawa.Nagkunwari pa akong iwasiwas ang kahoy na aking hawak.haha. ang sama ko na.Agad naman niya pinigilan ang aking kamay.Diyos ko day, ramdam na ramdam ko yung tambol ng puso ko.anubah!
"H-huwag diwata! ang ibig kung tukuyin ay,nakikiusap akong huwag mong gawin ang iyong binabalak,tanging ang hardin lamang na ito ang nagpapasaya sa akin,kaya nakikiusap ako...".
Nakakatawa yung mukha niya,grabe na'to.Di ko lubos maisip na ganito pala ang mukha ng prinsipe kapag nagmamakaawa nakakaaliw.Haha.
Seryoso kunwari yung mukha ko.
BINABASA MO ANG
MILLENNIA
Ficção Histórica(#10 in Historical Fiction 11-14-16) Love ?they say 'its a wonderful feelings that everyone could ever have' It is when you feel your heart beat so fast.Yung tipong di mo ma-explain kakabahan ka,maiihi ka,manginginig ka...yung mga ganun. But ''Love...