Chapter Three

107 7 0
                                    

"...Talaga bang may tamang panahon para sa pagibig?eh paano kung ang tamang panahon na yan ay hindi para 'sayo' at para sa 'kanya'?Aasa ka na lang ba na may darating pa O ititigil no na kahit sobrang sakit pa?..."

P.S Mamahalin kita,ngayon...hanggang sa susunod pa na buhay natin.Alam kung darating din ang tamang panahon na yan para sa ating dalawa.
-Area

***

Alam mo yung pakiramdam na gustong gusto ng umiyak at humiyaw ng puso mo sa sobrang sakit,sakit na di mo malaman kung saan nanggagaling,pero di mo magawa kasi ayaw makisama ng luha mo?yung pakiramdam na kung gaano kahapdi at sakit sa puso ay siya namang kinamanhid ng walang'yang luha sa mata mo?

Ganun yung nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung gawin,pakiramdam ko,unti-unti akong pinapatay,dinudurog ng pinong pinu yung puso ko tuwing nakikita kung masaya siya kasama ng bagong babae sa buhay niya.

Ano ba kasi ang nangyari?

Bakit di ko man lang napaghandaan na magiging ganito pala ang lahat,sana pala...sana pala ,di ko nalang sinubukan na kaibiganin pa siya,nakuntento nalang sana akong tanaw tanawin siya sa malayo.

sana pala ,di ko nalang sinubukan na kaibiganin pa siya,nakuntento nalang sana akong tanaw tanawin siya sa malayo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit ngayon pa kung kailan hulog na hulog na ako sa sakanya.Haay,ganito talaga siguro ang magiging kapalaran ko,maging sawi sa lahat ng bagay.

Ayos lang.Masaktan na ako ng paulit ulit.
Ayos lang na wasakin mo pa ang puso ko,basta hindi ako titigil na mahalin ka,babantayan kita kahit sa malayo.

Susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo.
Nandito lang ako handang saluhin ka sa lahat ng magnanais na mapabagsak ka,pinapangako ko yan kamahalan.

Sa Palasyo

Isang napakagarbosong pagdiriwang ang naganap sa pagiisang dibdib ng tagapagmana ng kaharian at ng anak ng punong ministro,punong puno ng pakain ang mga mesa,mga ibat ibang inumin na galing pa sa mga karatig na kaharian.

MILLENNIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon