***********
Area
Di ko alam kung anung klaseng nilalang iyong aming sinakyan kanina,basta ang alam ko lang ay hindi ito pangkaraniwang.
Natakot man ako kanina ngunit hindi ko na lang ito ininda.Hindi ko pa rin talaga maunawaan,kung papaanong nangyari na akoy napunta sa lugar na ito.Ang sabi nitong babae na kaibigan ko daw ay taon ngayon ng dalawang libo labing-anim.Sa pagkakaalam ko ay taon pa lamang na isanglibo labing-anim.
Nakakapagtaka dahil dapat ay nasaktan ako sa pagpana sa akin,pero wala.Sa tatlong pana na yun ay nakakapagtakang hindi pa ako namatay.Ngunit Hindi nga ba?Hindi kaya't napunta ako sa hinaharap at talagang namatay na nga ako.Pero bakit ako nandito?
Sumasakit lamang ang aking ulo sa kakaisip.
"Hello...?bes to earth.bes?hoy bes?are you alright?.''anang aking kaibigan daw.Tiningnan ko siya,at aba maganda pala itong aking kaibigan 'daw'.Papaano na ngayon yan,ano na gagawin ko?
Pag-apak na pag-apak ko pa lamang sa matigas na lupa(sementado),ay agad akong nakaramdam ng kakaiba.
Parang nakapunta na ako dito dati.
Yung paligid...yung mga halaman...Tila may nais ipahiwatig sa akin.Katulad ng naramdaman ko ng unang pumunta ako sa palasyo ng hari.Ng aking mahal na prinsipe.
Tiningnan ko ang kabuuan ng paligid.Isang napakalawak na halamanan,sa gitna nito ay may nagiisang nakatayong bagay na kung saan lumalabas ang mga maliit na tubig.Nakakamangha.At sa aking harapan ay isang napakalaking palasyo,katulad na katulad ng palasyo ng Englatera ng aking mahal.Ang kaibahan lang ay mas maganda mas matayog at mas makintab di hamak itong palasyo na ito.
Anong klaseng babae kaya itong si Amethyst?
Naguguluhan na talaga ako.Sigurado akong ako si Area.Pero bakit tila pakiramdam ko hindi na ako 'to.
"This way miss.''usual ng lalaking sumundo sa amin.
Itong kaibigan ko daw kuno,grabe naman ang kapit sa akin,yung totoo,natatakot ba 'to,bakit?Ah.dahil siguro ngayon lang siya makakaharap ng isang reyna.Di ko siya masisisi.Natatakot din naman ako.Sa isipan nga lang.Itong katawan ko kasi parang ang kalma kalma lang.
Ganito ba talaga si Amethyst,kalmadong tao?
Bumukas yung pintuan.Di ko lang sigurado kung pintuan ba talaga yun,gawa kasi sa mmahaling bato.
Tumambad sa amin ang napakahabang pasilyo.
Nganga.
Ang ganda grabe.
"An apology miss Amethyst,miss Yella,Her excellency could not ableto personally welcome you,because of an urgent assembly in one of the countries' foundation."
BINABASA MO ANG
MILLENNIA
Historical Fiction(#10 in Historical Fiction 11-14-16) Love ?they say 'its a wonderful feelings that everyone could ever have' It is when you feel your heart beat so fast.Yung tipong di mo ma-explain kakabahan ka,maiihi ka,manginginig ka...yung mga ganun. But ''Love...