Ang ganda mong pagmasdan kahit sa malayo lang aking prinsipe,Bakit ba kasi hindi ka na lang maging akin?
Haaaay,nagdadrama ka na naman Area,mabuti nga napapagmasdan mo pa yan,makuntento ka na lang okay.
Saan na naman kaya ang punta mo ngayon aking mahal,doon pa rin ba sa dati?
Naku ha, pakiramdam ko tuloy sa tuwing pupunta ka doon,pinapasyal mo ako,ang problema nga lang,di mo naman ako nakikita,ni hindi mo nga ako kilala eh.
Hindi ko na rin naman inaasahan na makikilala mo pa ako , dahil alam ko naman mismo sa sarili ko na hinding hindi mangyayari yun,syempre,prinsipe ka eh,isa kang bughaw, samantalang ako, eto ordinaryong mamamayan lang,dukha nga kung tawagin nila.
Pero hindi naging hadlang yun para hindi kita magustuhan,mahal na nga siguro kita.Wala namang batas na nagsasabing hindi kita pwedeng mahalin,kaya mamahalin kita kahit pa man hindi ka akin,Kuntento na ako dun.
"Sa harden niyo ako dalhin ngayon,nais kong makapamasyal at makalanghap ng sariwang hangin".aning tinig.
Woooosssh.Tago tago.Muntik na ako doon ah,Kagulat na man tong prinsipe na'to,aatakihin pa at a ako sa puso ng dahil sayo,paano ka na lang? sino na lang magmamahal sayo?Naks Area,mga Banat mo.
Sumilip ako ng kunti,nagtatago kasi ako dito sa may mayayabong na halaman.Nakikita kong nag-uusap yong mga kawal,habang yung aking mahal na prinsipe,ayun ,papasakay na ng karwahe niya.
Dahan dahan akong naglakad,yung tipong mala'ninja' ang kilos.
Ang hihina naman kasi nitong mga kawal mo prisipeng mahal,Hindi man lang ako napapansin, ang tagal na kaya kitang sinusundan,tsktsk.Paano nalang kung masasamang tao na yung nagmamanman sayo,eh di napahamak ka na,aking mahal?Haaay kainis, nasanay na akong tawagin kang mahal.Nababaliw na nga ako.
Tinahak ko ang lihim na daan para mapadali kong marating ang harden na tinutukoy ng prinsipe,wala pang limang minuto na marating ko eto.
BINABASA MO ANG
MILLENNIA
Ficción histórica(#10 in Historical Fiction 11-14-16) Love ?they say 'its a wonderful feelings that everyone could ever have' It is when you feel your heart beat so fast.Yung tipong di mo ma-explain kakabahan ka,maiihi ka,manginginig ka...yung mga ganun. But ''Love...