Prologo

2K 16 0
                                    

Sabi nila masaya daw na may mga taong nagpapahalaga sayo, nag-aalala para sayo, at nagmamahal sayo. Yung mga taong masasandalan mo kapag may problema ka, mapupuntahan at mapaglalabasan ng sama ng loob. Mga taong handang manlibre kapag wala kang pera pangkain. Mga taong handang magmukhang tanga para mapatawa ka lang. Mga taong handa kang samahan kung saan mo gusto pumunta. Mga taong hihintayin ka sa labas ng silid-aralan dahil di ka pa tapos magpulbos. Mga taong mahihingan mo ng tulong kapag dumating ang Red Tide (ehem). Mga taong nakakaintindi kapag tino-toyo ka. Mga taong sa kabila ng mga exams nakukuha pang magparty at mamasyal. Mga taong hindi mo kadugo pero tinuturing mong isa sa mga yon. At mga tao sa kung ano pang dahilan, walang iba kundi ang ating mga KAIBIGAN.

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon