Pt. 4

241 4 0
                                    

Nagulat nalang ako sa sinabi niya. Ako kaibigan niya? Kailan pa? Eh langit siya tapos ako di hamak na lupa lang. Kinurot ko ang pisngi ko kung nananaginip lang ako. Tulala ako ng mga ilang segundo. Subalit mas lalong lumalim ang paniniwala ko na panaginip lang iyon ng tumawa siya. Si Gerald “Gee” Del Valle tumatawa sa harap ng ibang tao? Nabalik ako sa reyalidad nang kaladkarin niya ko habang hila hila niya sa kabilang banda ang maleta ko.

Nakarating kami ng bahay nila. Mali! Sa mansyon pala nila. Ano aasahan ko? Ako lang naman ang iskolar sa seksyon namin at mahirap lang. Mabuti na nga lang at nandyan si Bam na mauutangan kapag may biglaang babayaran sa iskul.

Papasok na sana siya no’n ng pigilan ko siya.

"Gerald nakakahiya. Thank you nalang."

"You can call me Gee." sabi niya akmang papasok na siya nang pigilan ko ulit siya.

"O-okay.. Gee.. Thank you so much but I don't want to get in."

"Then? You'll stay here?"

"Hindi naman sa ganun. Maghahanap nalang ako ng ibang tutuluyan."

"Then, what do you call to our house?"

"Matutuluyan din siya. Kaso..."

"..." siya

"Kaso nakakahiya sa mga magulang mo baka kung anong sabihin nila." halos pabulong kong sinabi.

Imbes na sagutin ako, ngumiti lang siya at nagpatuloy sa loob.

Habang pumapasok sa loob nagpupumilit ako na wag na at aalis na ako pero parang wala lang siyang naririnig. Binigay niya ung maleta at bag ko sa katulong nila. Sa huling pagkakataon nagpumilit akong aalis na at nagpasalamat sa kanya. Sa wakas nilingon niya din ako.

"To settle down this issue of ours. Just pay for your stay. Okay? Pero kahit sa susunod na buwan nalang yung bayad." he explained.

Nung una tatanggi pa sana ako kaso tinignan niya ko ng malamig ulit kaya tinanggap ko nalang.

Bago ako tumuloy sa kwarto na NERENTAHAN ko ay pinakain niya muna ako. Sobra-sobra na to. Bakit niya ba ako tinutulungan? Napahawak nalang ako sa braso ko nun dahil sa pagiging kakaiba niya.Kinikilabutan ako.

Kinabukasan, gumising akong may ngiti sa labi. Ang sarap ng tulog ko sa malambot at mabangong higaan. Ganito pala ang pakiramdam na mayaman ka. May malaki at magandang kwarto. Sa dati kong tinitirhan na apartment sapat lang na may matutulugan, kusina, banyo at sala ka.

Patayo na sana ako nun nang makaramdam ako ng sakit sa puson.

"Oh my gosh!" tarantang sabi ko.

Tinignan ko kung anong araw na, at araw na para sa pagtayo ng pulang bandila. Napagtanto ko na wala pala akong nabili na tampon. Namroblema ako kung saan ako kukuha sa sitwasyon na nasa ibang bahay ako at nakakahiyang lumabas, idagdag pang may tagos ako.

"Juice colored! Sabay sabay na kamalasan." natataranta kong sabi at ginulo yung buhok ko.

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Nung una nag-alinlangan pa ko na buksan pero sa huli binuksan ko ito dahil di ako titigilan ng kumakatok na tao dun. Bahagya kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang bagong ligo at naka-unipormeng si Gee.

"Hi! Good morning!" pilit ngiti kong sinabi.

"How was your sleep?"

"A-ayos lang he-hehe." mukha akong tanga.

Nagtaka siguro siya kung bakit di ako mapakali habang kinakausap niya ko.

"What's wrong?" cold niyang sabi.

"A-ahh.. Nothing."  Im such a good liar.

Tinitigan niya na naman ako ng malamig kaya nasabi ko rin ang problema ko sa huli. Walang sabi-sabi ay umalis siya sa harapan ko. Ano nga bang paki niya sa kalagayan ko, eh lalaki siya at di alam ang pakiramdam ng may dalaw. Saka masyado na siyang maraming natutulong sakin.

Di ko alam kung bakit ako natataranta kapag tumititig siya ng ganoon sa akin. Napapaamin niya ko ng wala sa oras. Pero, ayos lang sakin. Parang isang relief na rin na nasasabi ko sa kanya yung mga  problema ko.

"Ang weird ko." naiiling na sabi ko.

Sinara ko ang pinto at agad na naghanda para maligo dahil may pasok at ayokong mahuli sa klase. Papasok na sana ako sa banyo nun nang may kumatok ulit. Pinagbuksan ko naman agad iyon at laking gulat ko nang makita ko si Gee na may dalang supot at binigay ito sa akin.

"I don't know what to buy so I ask manang Fe about it." nahihiya niyang sabi. CUTE!

Nabigla ako sa inasal niya at nahiya rin.

"Ahh.. Ehh.. Salamat." sabi ko at isinara yung pinto.

Napahawak ako sa dibdib ko. Huminga ng malalim habang parang tangang naglalakad patungo sa banyo upang maligo.

"Ano ba 'tong nararamdaman ko? Tch~"

Agad akong bumaba pagkatapos ko mag-ayos upang pumasok sa eskwelahan pero nakita ko si Gee na nasa sala at nakaupo sa sofa. Hindi pa siya pumapasok? Tatanungin ko pa lang sana siya nang tumayo siya.

"Let's go"

"Bakit?" takang tanong ko.

"Sa C.U. Papasok."

"Ah, sige." Pagsang-ayon ko.

Sa isang buwan na nakalipas lagi kaming sabay pumasok. Lagi akong libre papunta nang eskwelahan, dahil na rin sa may kotse siya at sinasabay niya ako. Nagulat nga yung mga kaklase namin dahil dun. Tinanong nila kami kung anong meron sa’min. Ang sabi ko naman nangungupahan ako sa kanila at isang hamak na kaibigan ko lang siya. Noong una ayaw pa nila maniwala. Naging mainit na isyu kami non sa klase namin, pero di naglaon humupa rin at napagtanto nila na magkaibigan lang talaga kami ni Gee.

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon