Pt. 6 - Wakas

280 3 0
                                    

Nagpatuloy ang mga buhay namin. Naging masaya ang bawat araw na magkakasama kaming pito. Minsan di kumpleto, pero madalas buo. Dumating ang punto na di nagkakaintindihan ang bawat isa pero sa huli nagkakapatawaran. Maraming nangyari na di ko inaasahan. Tulad nang pagkakagustuhan sa isa’t isa. Si Bam naging nobya ni Timothy. At syempre di maiiwasan na mahulog ako kay Gee. Ikaw ba naman buyuin araw-araw ng mga loko mong kaibigan di ka mahuhulog? Pero hanggang paghanga lang ang nangyari sa kin at hindi ang inaasahan niyo na mangyari. Ayoko masira ang pagkakaibigan namin nang dahil lang sa pag-ibig.

"Gee, oh red buns." abot ko sa kanya ng tinapay.

"Thanks." nakangiti niyang sabi.

"Ayieeeeeeee~" yung limang ugok yan.

"Heh! Manahimik kayo diyan!" sabi ko.

"It's obvious bespren." sabi sakin ni Bam na nakaupo sa tabi ni Timothy niya.

"Bespren, you're such a crazy woman." nakangisi kong sabi sa kanya.

"Then you're such a denial woman." she talkback.

"Boom!" Riri with matching actions.

Inambahan ko siya.

"Stop teasing Dee guys." Gee

"Why? Its pretty obvious." Riri

"You too. You're too obvious bro." nakangiting sabi ni Sol.

"Yeah. Just admit it." Timothy with matching battling of eyes.

"Eewwww~" Bam said in disgust.

Tinignan siya ni Timothy at nginitian lang siya ni Bam. Yung signature cheekily smile niya.

"Yah! Stop it! Kami na naman nakita niyo!" inis na sabi ko.

"Yung dibdib mo Dee. Maliit na nga lang wawalain mo pa." Bam said.

"BAMMIE!!" sigaw ko sa kanya.

"Hahahaha~ peace!" sabay peace sign niya.

"So what's the real score?" singit ni Dave.

"NOTHING/NOTHING!" sabay naming sigaw ni Gee.

Masisiraan ako ng bait sa mga to eh. Pasalamat sila mga kaibigan ko sila.

Dumating ang araw na pinakahihintay namin, ang aming pagtatapos sa kolehiyo. Sobrang saya namin lalo na ako. Sa apat na taon na paghihirap ko na halos sumuko na ako ay napagtagumpayan ko yon. Masarap pala talaga sa pakiramdam na nakamit mo ang pangarap mo. Na sa wakas may bago nang yugto ang buhay ko. Naluluha ako nang tanggapin ko ang medalya at diploma ko bilang cum laude. Sa kabila ng patitiis na di ko makita ang pamilya ko sa wakas nasuklian ito ng maganda. Di ko inaasahang sa mga panahon na nagdaan naging sapat ang binaon kong tapang at tibay ng loob, samahan pa ng mga kaibigan ko na laging nakaalalay sa akin.

Siguro nga at tinupad ng Panginoon ang dalangin ko noong wala akong mapuntahan at biglang sumulpot sa eksena ko si Gee. Siguro si Gee ang himalang natanggap ko. Simula nang dumating siya naging maayos ang buhay ko. Di maiiwasang magkaproblema pero agad namang nasosolusyunan. Malaki ang utang na loob ko kay Gee kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanya sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

Matagal ko nang napapansin na may gusto siya sa akin. Simula nung kaladkarin niya ako papunta sa bahay nila para doon tumuloy. Ngunit inisip kong baka naawa lang siya sa akin kaya binalewala ko iyon. At takot ako sa kanya noon pero ngayon hindi na.

Nagkaroon kami ng kanya- kanyang buhay makalipas ang isang taon. Umalis ako kila Gee nang maka-ipon ako at nagdesisyon na umuwi ng probinsya para makita ko sila mama. Nagka-iyakan pa muna kami ng pamilya ni Gee bago ako umalis.

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon