Ako si Daria Fae Santiago mas kilalang “Dee” dahil na rin sa unang letra ng pangalan ko. Isang tipikal na babaeng makikita mo sa tabi-tabi, ibig sabihin ko isang babaeng normal at di kapansin-pansin MINSAN pero kadalasang napapansin dahil na rin sa mukha ko. Oo, mukha kong maganda. Hep! Sinabi ko bang maganda? Pasensya na mali ang nasabi ko. Hindi pala ako maganda dahil dyosa ako. Oo, tama! Dyosa ako. Isang dyosa na walang pera, tirahan at kamag-anak na mapuntahan. Ang tanging dala ko lamang ay ang bagahe ko, limang-libong piso, sarili ko, tapang at tibay ng loob na kinuha ko pa sa baul ng lola ko.
Kakaluwas ko lang ng Maynila galing sa probinsya namin. Nagbabakasakali tulad ng mga kakilala niyo at kakilala ko na nakipagsapalaran dito sa Maynila. Pero di tulad ng istorya nila ang istorya ko. Malaki ang pinagka-iba ng akin sa kanila.
Lumuwas ako ng Maynila upang mag-aral sa kolehiyo. Masyadong mataas ang pangarap ko para sa pamilya ko, kaya napagdesisyunan kong pumunta dito. Iniwan ko ang pamilya ko sa probinsya, nakakalungkot man isipin pero nagawa ko. Nakadudurog ng puso na umiiyak sila mama habang namamaalam ako. Noong una, ayaw nila na mag-aral ako dito at doon nalang sa amin mag-aral, subalit sinabi kong mas may oportunidad sa Maynila at mas mabuti nang may alam ako sa siyudad at hindi lang sa kung saan ako lumaki. Sinabi ko rin na kakayanin ko at magagawa kong makapagtapos ng pag-aaral. May kaibigan din naman ako dito na maasahan. Matapos ng mahabang debate kay mama ay napapayag ko siya.
Hindi kami mahirap, hindi rin kami mayaman kumbaga may kaya. Sabi ni mama padadalhan niya daw ako ng pera buwan-buwan para di ako mahirapan at para may panggastos araw-araw ngunit dahil ayoko makadagdag alalahanin kila mama, sinabi kong magtratrabaho nalang ako habang nag-aaral. At dahil matigas ang ulo ni mama, manang-mana sa akin, kahit maliit lang daw ay tanggapin ko na. Wala akong nagawa kundi ang um-oo.
Tatlong taon ang nakalipas at nakayanan ko naman iraos ang pang araw-araw na gawain. Tuwing umaga papasok sa unibersidad na pinag-aaralan ko at nang matalik kong kaibigan na si Barbara Marie Perez o mas kilalang “Bam”. Nakilala ko siya noong nasa unang taon sa kolehiyo palang ako, at isa siya sa mga kilalang estudyante sa unibersidad namin. Naalala ko yung una naming pagkikita nung unang pasukan.
-flashback-
Parang mali yung napasok kong mundo. Yung mga babae halos makita yung kaluluwa sa iksi ng mga palda at sa naka unbotton na 1 butones ng blouse nila. Sabi nga nila, "For more chances of winning". Winning na makuha ang atensyon ng mga lalaki. Yung mga lalaki naman tuwang tuwa sa magagandang tanawin na nakikita nila. Tss~ Pakialam ko ba? Ako heto, naka jeans at tees lang. Wala pa naman akong uniform dahil first day palang at wala pa kong pambayad ng uniform. May 1 month namang palugit para sa mga hindi pa nakakapagpagawa ng uniform.
Habang naglilibot ako ng tingin nakakita ako ng bench at agad akong umupo doon. Pinagmasdan ko lang lahat ng taong naglalakad sa mundong hindi ako pamilyar at nababagay. Kinuha ko yung litrato nila mama, at tinignan yun.
"Kaya mo yan Dee. Ikaw pa? Para to sa pangarap mo di ba? Di ka sumusuko sa lahat ng bagay." sabi ko sa sarili ko at agad na tinago yung litrato sa wallet ko.
Pinagpatuloy ko lang yung paglilibot ng tingin hanggang sa may babaeng napakaganda na pawang papalapit sakin. Lumingon ako sa tabi at likod ko kung may lalapitan siyang iba. Malay mo naman assuming lang ako, pero wala namang ibang tao at ako lang ang nandito sa pwesto na to. Tumingin ako sa kanya ulit at, at... Nginitian niya ko. KYAAAAHHHHHHH!! ANG CUTE NG PISNGI NIYA!
"Hello! Are you alone? Can you be my buddy in a while. Ayaw kase nila akong samahan eh." sabay turo niya sa mga babaeng naka upo sa isang bench sa di kalayuan. And obviously, naghihintay ng mga lalaking dadaan.
"O-okay.." pilit na ngiti kong sabi.
Nagulat ako nang bigla niya kong yakapin at..
"KYAAAAHHHHHHHH!~ Really? Ang bait mo naman. Sorry, nagsinungaling ako sayo kanina. Hindi sa ayaw ako samahan nung mga babae na yun. Ako ang ayaw kasama sila. Halos lahat kasi dito.. Ahhmm.. How will I say? Ahhmm.. Mga famewhore at mga tupperware."
"Tupperware?" takang tanong ko.
Umupo muna siya sa tabi ko bago nagpatuloy.
"Tupperware, plastic. Iisa lang yun. Mas makapal nga lang." nonchalant niyang sabi.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Hahaha~ pero pinigilan ko kasi baka sabihin feeling close ako sa kanya. Oh wait! Baka nga siya eh.
"Hahahahaha~nakakatawa no? Wag ka nang mahiya sakin. Tayo lang naman dalawa nandito. Kapag mag-isa ka huwag, kase baka pagkamalan kang baliw."
"Hahahaha~" tawa ko. 2 points siya dun ah
"See? Ang sarap sa pakiramdam no? Kesa pigilan mo yan. Mamaya niyan mautot ka pa diyan. Kasalanan ko pang mamatay yung mga tao sa paligid naten. Hahaha~ Joke! Nga pala, Im Barbara Marie Perez, tawagin mo nalang akong Bam. Im a singer/model here at Chungsa University. That's why Im pretty familiar here. High school palang ako dito nako nag-aaral. Yung mga babae na yon? They're just taking me for granted. Mabait sila sakin kase, sabihin nalang natin na sikat ako sa C.U."
"Ahh.." wala akong ibang masabi.
Hinayaan ko lang siya. Ang awkward.
"Bago ka lang ba dito? Hindi ka kase familiar. Ano nga pala yung name mo?"
"Im Daria Fae Santiago, Dee nalang para di hassle. Oo, bago lang ako dito. Galing akong Benguet. Luckily, nakapasa ako sa scholarship dito sa C.U. Kaya nag move ako dito all by myself. Its been 2 weeks na rin since nang lumuwas ako."
"Scholar ka?" takang tanong niya.
"Bakit anong problema?"
"Wala naman. Kaso, bihira lang ang may nakakapasa sa scholarship ng C.U. Eh kung yung entrance exam nga lang mahirap na eh. Even though may pambayad ka, entrance exam is an important matter here at C.U. Kaya isa sa mga kilalang unibersidad to. Nga pala congrats." ngiting sinabi niya sakin.
"Thank you. Bakit mo nga pala ako nilapitan? Ang dami naman diyang iba na pwede. At hindi ako na ordinary lang."
"That's it! That's why I look forward to you. You remind me something na nawala sa akin. I miss being an ordinary. Nakakainggit kaya yung mga katulad niyo. May peaceful life at makakakita ka ng mga taong totoo sayo at hindi puro tupperware." sabi niya sabay pout.
Yan na naman yung tupperware na yan. Ayos din 'tong si Bam eh. Yung mga wordings niya ang cute katulad niya. Hahaha~
"Ang drama ko nu? Nga pala anong course mo?"
"Wala pa kong napipiling course. Nahihirapan nga ako eh."
"Oh I see. Alam ko na! Why you not try my course?" excited na sabi niya.
"Ano ba course mo?"
"Later ko na lang sasabihin. So, are we now friends Dee?" nakangiti niyang tanong.
"Err~ di ko alam. Ikaw bahala."
"So its a yes? KYAHHHHHH! I HAVE MY TRUE FRIEND ALREADY!" sigaw niya habang yakap yakap ako ng mahigpit at niyugyog pa kanan at pa kaliwa.
"I wonder why is it ang gaan ng loob ko sa kanya. Di ko alam kung bakit naging kaibigan ko siya nang ganun kadali. Bam is a cute retard and a machine gun thatcan retaliate but because of her nonsense topics and silly jokes she can turn you into a laughing maniac. Despite of her personality here at C.U. She's still a humble person base on my observation kahit na saglit palang kaming nag-uusap. I'll sure that I will love this girl." sa isip isip ko.
-end of flashback-