Bumaba siya sa van at inayos ang dala niyang bag. Marahan niyang sinara ang pinto at tinignan ako. Nagtataka siguro siya kung bakit di pa ko umaalis. Nagulat ako nang magsalita siya.
"Tara na." sabi niya at ngumiti.
Ako naman ay naiwang tulala at napa-nod nalang sa inasal niya. Agad naman akong sumunod nun sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ngumiti siya sa akin.
Nang matapos kami sa pinagawa sa’min ay gabi na. Mabuti na lang at nagpaalam ako sa boss ko na hindi ako makakapasok sa trabaho. Nakatanggap muna ako ng sermon bago ako pinayagan. Sumakay kami ng van na masaya. May kanya-kanyang baong ngiti at kwento tungkol sa mga nangyari.
Habang nasa biyahe, di ko mapigilan na mapatingin sa salamin kung saan nakikita ko ang repleksyon ni Gerald na nakatingin sa labas. Napaka misteryoso niya talaga. Ano kaya ang nasa isip niya? Ang hirap niya basahin kumpara sa iba.
Nanatili akong nakatitig sa kanya nun hanggang sa nagtama ang mata namin. Agad naman akong umiwas at tinuon ang pansin sa naghihilik kong katabi na si Bam. Napapangiti na lang ako kapag naalala ko kung paano siya ngumiti sa’kin kanina.
Lumipas ang isang linggo na balik sa normal na ruta ang buhay ko. Ngunit isang gabi pagka-uwi ko sa tinutuluyan kong apartment nagulat ako na nasa labas na ang mga gamit ko at may sulat na mukhang sa landlady namin galing. Naalala ko di pa pala ako nakakabayad sa dalawang buwang upa ko. Wala akong nagawa dahil nakakandado na ang pinto ng apartment. At sobrang kapal na ng mukha ko kung hihingi pa ko ng palugit sa landlady namin. Hindi naman ako makakabale sa trabaho dahil anong araw palang. Napa-upo nalang ako sa tapat ng pintuan ng tinutuluyan ko at umisip ng paraan kung saan ako pupunta o tutuloy.
Napagdesisyunan kong puntahan si Bam kahit nahihiya ako sa pamilya niya. Mabait naman ang pamilya ni Bam kaso nakakahiya pa rin. Bago ako umalis tinignan ko ung pitaka ko. Nakita kong sapat ang nilalaman nito para pamasahe papunta kila Bam. Iyon na lang ang natitirang pera ko sa araw na yun pero isinakripisyo ko upang may matuluyan. Kinuha ko ang maleta ko at isinukbit ang bag ko sa likod. Umalis ako sa tapat ng apartment na kanina lang umaga ay akin pa.
Nakarating ako sa tapat ng bahay nila Bam at pinindot ang doorbell. Nakailang doorbell ako pero walang nagbubukas. Susubukan ko sana ulit mag doorbell kaso may biglang dumating na bata at sinabing umalis daw ang mga Perez papuntang Amerika dahil nanganak ang ate ni Bam. Di niya alam kung kalian ito babalik.
Parang nabagsakan ng langit at lupa yung pagkatao ko noon. Ang tanging pag-asa ko ay nawala nalang bigla nag ganun ganun lang. Bakit ba kasi nanganak ng wala sa hulog ang ate ni Bam? Sumabay pa sa kamalasan ko. Ito ba ang tinatawag na kalbaryo? Kung ito yon, napakaraming salamat dahil nawawalan na’ko ng pag-asa.
Di na bago sa akin yung mga ganung sitwasyon pero siyempre nauubos din ang baon kong tapang at tibay ng loob.
Napaupo ako sa may upuan sa istasyon ng bus habang naghihintay ng himala. Nakakita ako ng “Telephone Booth” at agad na nagtungo roon. Kinuha ko ang natitirang barya sa bulsa ko. Tumawag ako kila mama. Makalipas ng ilang ring ng telepono ay sinagot ito ni mama. Narinig ko ang tinig ni mama at ng dalawa kong kapatid na tuwang-tuwa at tumawag ako makalipas ng ilang buwan. Naluha ako nang di ko namamalayan, tinakpan ko ang bigbig ng telepono upang di nila marinig ang paghikbi ko. Tinanong ako ni mama kung bakit ako napatawag. Mga ilang segundo bago ako sumagot. Pinunasan ko muna ang luha na dumaloy sa pisngi ko at huminga ng malalim. Sa huli sinabi kong nangangamusta lang ako at ayos lang ako. Marami pang sinabi at binilin si mama bago ako nagpaalam sa kanila.
Pagkabalik ko ng telepono sa lalagyan nito, agad kong hinila ang maleta ko at naglakad nang di alam kung saan pupunta. Lutang ako ng mga oras na yun, nang biglang kumulo ang tiyan ko. Naalala ko hindi pa pala ako naghahapunan. Sinubukan kong balewalain ang gutom na nararamdaman ko pati na ang pagod galing sa trabaho at eskwela. Ang tanging nasabi at nagawa ko na lamang ay ang tumingin sa langit, pinagdikit ang palad ko at sinabing,
“Diyos ko tulungan mo kong malagpsan ang problemang ito. Kailangan ko po ng himala niyo.”
Wala akong pakialam kung pagtinginan ako ng mga tao. Masyado na’kong maraming iniisip na problema at ayoko na problemahin pa ang ibang tao.
Matapos kong humingi ng himala sa nakatataas, nagpatuloy ako sa paglalakad ng nakayuko. Nang dahil sa kadramahan ko sa buhay may nakabanggaan akong lalaking naka sombrero at naka-jacket. Napa-upo ako sa sobrang panghihina. Lumapit sa’kin ang lalaking nabangga ko at humingi ng paumanhin at tinulungan akong tumayo. Pinagpagan ko ang pantalon ko’t nagpasalamat sa kanya. Humingi rin ako ng paumanhin. Di ko siya tinignan ng sinabi ko ang mga yon at nagpatuloy lang sa paglalakad. Napatigil ako nang tawagin niya ako.
“Dee!” siya
Lumingon ako sa kanya at tinanggal niya ang kaniyang suot na sombrero.
“Gee?” ako
Lumapit siya sakin ng marahan.
"Ayos ka lang ba? Gabi na anong ginagawa mo rito?" nag-aaala niyang tanong habang hawak niya ako sa pulso ko.
Nabigla ako sa inasal niya. Nag-aalala ba siya sa akin o naawa lang.
Noong una nag-alinlangan pa ako sumagot at kausapin siya dahil na rin sa takot ko sa kanya. Ewan ko kung bakit ako natatakot sa kanya. Wala naman siyang ginagawa na dapat ikatakot pwera na lang sa pagiging misteryoso niya. Di ko alam kung bakit ako natatakot kay Gerald Del Valle. Oo, siya si Gee. Tawag sa kanya yun ng mga kaibigan niya.
Sa huli sinabi ko sakanya kung bakit ako narito at bakit mag-isa lang ako. Sa takot ko sa kanya kaya ko nasagot ko ang mga tanong niya. Siguro alam ko na kung bakit takot ako sa kanya. Dahil siguro sa awra niya na isang lider. Kapag kasama niya ung mga kaibigan niya angat siya, na siya ang lider ng grupo nila sa kabila ng pagiging malamya niya tignan. Minsan nga naisip kong bakla to eh. Gayunpaman, masyado akong nagtataka sa pagkatao niya. Paano niya napapanatiling ganyan siya ka-astig kahit na walang ginagawa at naka-upo lang. Parang walang problema sa mundo ‘tong lalaking to.
"Lord, minsan nga bigay mo naman sa kanya ung problema ko." sabi ko sa isip ko.
Natapos akong magkwento sa kanya habang siya ay tahimik lang na nakinig. Noong sinabi kong tapos na, tumingin siya sakin ng malamig. Ayan na naman siya. Natatakot ako sa ganung titig niya eh. Kinilabutan ako nang magsalita siya.
"There's still one room in our house. You can occupy it." nonchalant niyang sinabi.
"Ah.. N-no thanks! Okay lang ako." nauutal kong sabi with hand gestures.
"Accept it Dee.. As my friend." he said and ruffled his hair.