Epilogo

331 6 0
                                    

Ang sayang pagmasdan na mula sa isa naging anim ang sandigan ko. Na kahit sa ganitong sitwasyon nagagawa pa naming mag-asaran. Namalayan ko na hindi pala ako nag-iisa at di kailangan mag-isa habang tinutupad ang pangarap. Mas masarap na may mga kasama kang umangat. May mga kasama kang tumatawa at umiiyak sa mga pagkakataon na tinutupad niyo ang pangarap ng isa’t isa. Sabi nga nila, nandyan lang ang tagumpay sa itaas at nag-aabang lang. Para maabot mo ito kailangan mo ng tulong. Tulong na galing sa matatalik mong kaibigan. Sa mga kaibigan mong nandyan kahit nasa ilalim at ibabaw ka ng iyong buhay. Na sa huli, mas nagtatagumpay ang may pagtutulungan kaysa sa nagsosolo. “The more, the merrier.”

-WAKAS-

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon