Tuwing gabi naman ay pumapasok ako sa bar na pinagtratrabahuan ko bilang isang waitress sa mga VIP na bisita. Sa YG FAMILY BAR.
"Dee!" sigaw ni manager John Mae, cute lang ng pangalan niya. Pang unisex. Harhar~
"Po?"
"Room 7 needs some drinks. Ikaw muna ang mag asikaso. Wala si Don, kaya ikaw muna."
"Yes sir."
Agad akong tumungo sa room 7 at nagulat sa mga nakita ko. Yung mga kaklase kong lalaki. Yung Bigbang. Sila Timothy, Sol, Dave, Riri at..
"Oh, Gerald bakit ngayon ka lang?" - Sol
Tumingin naman ako sa tao sa may pintuan. Si Gerald nga.
"V.I.P?" di bale mayayaman naman kase yung mga kaklase ko. They can afford everything. Mayayaman din yung mga scholar sa university namin. Ako lang yata ang naligaw na mahirap dun.
Di niya sinagot si Sol at naglakad. Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa maka-upo siya sa bakanteng upuan sa tabi ni Timothy.
"Isang beer lang." sabi niya ng may blangkong ekspresyon.
Agad kong sinulat yun sa pad na hawak ko.
"O-okay.. A-ano pa po sir?" Shet! Bakit ako nauutal.
"Wala na." sabi niya.
"Sir? Ang pormal naman masyado nun Dee." natatawang sabi ni Riri.
"Sir, wala na po ba?" pag uulit ko nang hindi tumitingin sa kanila.
Lolokohin lang ako niyang Riri na yan eh. Isa siya sa mga bully school. Pero in a way na good.
"Joke lang masyado kang seryoso. 5bucket lang samin okay na." sabi niya ng nakangiti.
Inulit ko yung mga inorder nila sa kanila baka kase may nakalimutan akong isulat. Hanggang sa lalabas na sana ako nun nang biglang tawagin ako ni Riri. Tumingin naman ako sa kanya. Nag peace sign lang naman. Pati na rin si Sol kumaway. Si Timothy tinaasan lang ako ng kilay at si Dave na palaging nakangiti. Ngumiti ako sa inasal nila. Di mo rin masisisi kung bakit habulin ng mga babae tong mga to eh.. Napatingin ako kay Gerald. Nakatitig siya sakin ng blangko. Okay... Ang creepy niya.
Agad akong lumabas nun para matakasan yung nakakalagot hangin sa loob. Napahawak ako sa dibdib ko at napabuntong hininga. Ang lamig ng tingin niya.
Lumipas ang araw, buwan at taon na ayan ang naging ruta ng normal kong buhay. Sa umaga papasok sa C.U at sa gabi naman sa bar na pinagtratrabahuhan ko. Tumatawag ako paminsan-minsan kila mama para kamustahin siya pati na rin ang dalawa kong kapatid na sila Charles at Dami. Aaminin ko na mahirap talaga na makipagsapalaran, pero noong una lang yun dahil kinalaunan ay nasanay rin ako. Para saan pa ang binaon kong tapang at tibay ng loob kung hindi ko gagamitin yon. Pero ilang beses nang sumasagi sa isipan ko na dapat hindi ganito ang sitwasyon ko. Na hindi dapat ako ang nagsasakripisyo para umunlad ang pamilya ko. Kundi ang haligi ng tahanan. Hindi dapat ako ang nagpapatibay ng tahanan kundi ang nagsisilbing pundasyon nito, ang tatay.
Labing-anim na taong gulang ako noon nang iwan kami ni papa. Nalaman ni mama na may iba nang pamilya si papa sa Maynila at lubos na nasaktan si mama dahil doon. Nakita ko kung paano gumuho ang mundo ni mama. Awang-awa ako noon kay mama at sa dalawa kong kapatid. Nilakasan ko ang loob ko para may dumamay sa kanila at di nagpadala sa emosyon na nararamdaman ng bawat isa. Umiyak ako ng isang beses pero di na naulit yon. Sinabi ko sa sarili ko na magiging matatag ako para sa pamilya ko. Nagalit ako kay papa, pero di naglaon ay natanggap namin at napatawad si papa sa nagawa niya. Anong magagawa ng galit? Hindi naman na babalik si papa sa amin kahit anong gawin namin. Kaya mas mabuti na huwag manatili sa sitwasyon na iyon at ipagpatuloy ang buhay. Kaya ito ako ngayon, nagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral upang matulungan ko na sila mama.
Kasalukuyang nasa ika-apat na taon na ko sa kolehiyo at isang iskolar. Ang kinuha kong kurso ay “Theater Arts”, hindi dahil sa mahilig akong umarte, kumanta at sumayaw kundi dahil sa kaibigan kong si Bam na nagsuhistyon nun sa akin. Di kasi ako makapagdesisyon kung ano ang kukunin kong kurso, pero kinalaunan nakuha kong magustuhan ang kurso na kinuha ko. Masaya at hindi nakakabagot ang “Theater Arts” na course.
Dumating ang araw na pinatungo kami ng propesor namin sa isang shooting ng pelikula na may kinalaman sa isang proyekto namin at isa sa mga kailangan upang makapagtapos kami.
Pababa ako non sa van na sinakyan namin at hawak ang bag ko na akala mo’y magka camping nang mabitawan ko ito dahil sa sobrang bigat. Idagdag mo pa ang mga kaklase kong nag-uunahan na makarating sa paroroonan namin. Si Bam naman, ayun nauna na. Iniwan ako dito, hinayaan ko lang siya. Una sa lahat siya ang pinakamasaya at galak na galak sa proyekto na’to. Sa biyahe pa lang magugulat ka sakanya dahil bigla bigla siyang titili at ngingiti na kala mo walang bukas. ”Baliw na babae” sa isip isip ko.
Dinampot ko naman agad ang bag ko at nang isasara ko na yung pinto ng van, nagulat ako nang may biglang humawak ng kamay ko. Tinignan ko kung sino, si Gerald Del Valle lang pala. Isa sa mga pinakatahimik sa amin. Sa labing-limang lalaki samin, isa siya sa mga matatalino pero napaka misteryoso. Di mo malalaman kung ano ang nasa isip niya. Tumatawa siya, ngumingiti at kung ano pa ang ginagawa at kinikilos ng normal na tao. SUBALIT! Kapag kaharap niya lang ang apat niyang kaibigan na sila Timothy, Sol, Dave at Riri. Sikat na grupo sa seksyon namin a.k.a BIGBANG. Hindi lang sa aminsila sikat kundi sa buong unibersidad isama mo na sa iba pang mga unibersidad. Mga magagaling kasi sila para sa kurso namin. Lagi silang pinagkakaguluhan na pawang mga artista. Pero di naman sila snob. Yun nga lang pili lang yung pinapansin nila. Kaya nga nagulat ako nung kausapin nila ako nun sa Bar na pinagtratrabahuhan ko eh. Siguradong maraming maiinggit na babae sakin kung nagkataon na nalaman nila yun. Eh kung si Bam nga halos sabunutan ako eh nung ikwento ko sa kanya yun. Simula nun medyo dumistansiya ako sa kanila. Heaven knows, baka malaman ng mga die hard fan girls diyan yun baka mamatay pa ako ng wala sa oras.
Di ko naman sa iniiwasan sila. Dumidistsnsiya lang ako. Im just a commoner here, nothing more and nothing less. Kung iwasan man ang usapan kay Gerald Del Valle ako naiwas. Nakakailang siyang kausapin, nakakatakot. Simula nung sa bar, medyo naging concious na ko sa mata niya. Napakalamig niya tumingin. Kinakausap ko siya kung kinakailangan tulad sa mga projects. At sa totoo niyan di ko pa nga siya nakakausap ng mahaba yung sagot niya. Oo, sabihin niyo nang napaka imposible pero yung imposible na iyon nangyari sakin. Pinanganak ata siyang 1 to 3 words lang ang kaya niyang isagot. Okay lang naman di naman kami close at saka di ko naman ugali maging piling kaibigan sa iba. Noong nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo ng naging kaklase ko sila, dahil na rin sa nababawasan ang mga estudyante kada taon.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya, may kung anong kuryente kasi na dumaloy. Tinignan niya ko ng blangkong ekspresyon. Pinagpawisan ako ng malapot dahil dun. Di ko alam kung bakit, siguro sa takot?