Hindi nagtagal naging komportable kami sa isa’t isa. Sa isang buwan na magkasama kami marami akong nalaman sa kanya at marami rin siyang nalaman sa’kin. Tulad nang takot siya sa ipis. Hindi ko mapigilang tumawa nang sinabi niya sa akin yun.
"Gee, huwag kang gagalaw." takot na sabi ko.
"Why?" tanong niya ng di maipinta yung mukha.
"May... May... Ano..." ako
"What's it Dee?" siya
"May ano..." turo ko sa balikat niya.
"JUST.SPILL.IT.OUT" pagdidiin niya.
"MAYIPISSABALIKATMOKAYAHUWAGKANGGAGALAW!" dere-deretso kong sabi.
Siya naman ay kaagad na tumayo at pinagpag yung balikat niya at tumalon-talon na parang babae. GOSH! NAKAKATAWA SIYA! I SWEAR!
"DEE, NANDYAN PA BA? NASAN NA SIYA?" sabi niya habang natatarantang nagpapagpag pa rin.
Di ako sumagot. Pinipigilan ko tumawa. God knows, Im about to explode into laughter.
"DEE.. BAKIT DI KA SUMASAGOT? ANO? YOU'LL JUST STARE AT ME LIKE AN IDIOT THERE?" siya
Hahahahaha~ di ko na kaya. Nakakatawa talaga yung itsura niya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA~" there I go sabay turo sa kanya.
"Dee, this is not funny. May ipis sa balikat ko." siya pa rin.
"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA~" ako pa rin.
"Okay. You got me there." sabi niya.
Lumapit siya sakin with an evil smirk at inumpisahan niyang kilitiin ako.
"Oh...wait..wait! Huwag Gee. Di na ko tatawa. Hahahha~ I promise! Ahh.. Gee.. Stop it! Hahaha.." ako
"Ahh.. Di ka na tatawa. Oh eto pa. Sa kili kili para di ka na matawa." sabi niya ng naka ngiti at patuloy akong kiniliti.
"Ano ba.. Titigil na nga ako. Hahaha.. Sige bitawan mo na ko. Huhuhu. Hahaha. Tama na!" pagpupumiglas ko sa hawak at pagkiliti niya sakin.
"Just say you love Barney first and I'll let you go" sabi niya.
"Ayoko. Kadiri. Ano ako bakla?" pagtanggi ko.
"Okay. I'll continue tickling you." sabay taas sa kamay ko at kiniliti yung kili kili ko.
"Wahhhh~ hahaha.. Okay, okay. I give up!" ako
"Just say it first."
"Hahaha.a. Wait, okay. I LOVE BARNEY! There it is! So stop tickling me!" ako hingal na sabi ko.
"Okay." sabi niya sabay upo ng maayos.
"Niloloko lang kita papatayin mo naman ako sa kiliti. Wala naman si Antonio sa balikat mo. Assuming ka lang. Hahaha~" tawa ko.
"Antonio?" taka niya.
"Yung ipis, si Antonio yun. Feeling butterfly no?"
"HAHAHAHAHAHA~" tawa niya habang nakahawak sa tiyan.
"Err~ takot ka kaya dun."
He ruffled my hair then pinch my nose.
"Mas takot ako sa monster na rabbit." amuse na sabi niya.
"Hmp! Im not a rabbit!" I put my arms over my chest.
"Yes you are. You're a monster rabbit that will eat everything. Hahaha~ " panunukso niya sakin.
Naging literal na magkaibigan kami. Naging kaibigan ko rin sila Timothy, Sol, Dave at Riri. Sa sobrang close namin sa isa’t isa halos araw-araw din kaming binubuyo ng apat isama mo pa si Bam na matalik kong kaibigan. Oo, tama kayo nang nababasa. Naka-uwi na sila Bam. Makatapos ng dalawang linggo mahigit nilang pagbabakasyon sa Amerika. Nalaman niya din na napaalis na ko sa dati kong apartment, yung pagpunta ko sa bahay nila at kung paano ako napunta kila Gee. Kinikilig siya nung nasabi ko sa kanya yun.
"KYAAAHHHHHHHHHHH! Really? Congrats bespren!" sabay yakap sakin ng mahigpit at inalog alog ako.
"Heto na yung pagsibol ni Daria Fae Santiago. Maghanda kayo mga nilalang sa mundo. Daria spring is about to come." she said dramatically with actions.
"Yah!" hampas ko sa kanya.
Feeling ko namumula na akong parang kamatis sa sinabi niya
Humingi siya ng pasensya kung di niya ako nasabihan na aalis sila ng biglaan pero di ko siya masisisi dahil wala rin naman akong cellphone para matext niya ko. Mahirap nga lang ako di ba? At mas inuuna ko ang panggastos sa pang araw-araw kaysa sa pagbili ng cellphone.
"Oh I forgot. Wait.." siya
May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin. CELLPHONE??
"Here. Take it as my gift. A souvenier from America." she said cheekily.
"Err~ Bammie its okay. I'll buy my own. No need to worry about me." pagtanggi ko.
Tinulak ko yung kamay niya pabalik sa kanya.
"No Dee, you can take it." pagpupumilit niya sa akin.
"But.. I can't. Thank you nalang." ako
"No but's Dee. Just accept it. Or else magtatampo ako sayo." sabi niya sabay lagay ng phone sa palad ko.
"Err~ Tha-thank you." nahihiya kong sabi.
"Err too~ Ano ka ba! Bespren kita no. Cheer up! Marami ka pang ikwe-kwento sakin." pang-aasar niya sakin then ngumiti siya na siya ng nakakaloko.
Sa isang buwan na rin na yun nakilala ko ang magulang at ate Dianne ni Gee. Mabait naman sila at sinabing kahit kailan ko daw gusto tumira sa kanila ayos lang. Parang pamilya na ang turing ko sa kanila. Naalala ko rin kasi sila mama. Tinuring nila akong isa sa kanila, hanggang ung punto na ayaw na nila ako pagbayarin sa upa ko sa kwarto sa bahay nila. Pero sinabi kong magbabayad pa rin ako at wala naman silang nagawa doon.
"Dee, kailan ba yung exact na graduation niyo ni Gee?" ate Dianne
"Exactly 1month from now." sabi ko habang nag aayos ng pinagkainan namin.
"Oh I see. Malapit na pala." malumanay niyang sabi.
"Oo, malapit na. Parang kailan nga lang first year college pa lang ako eh. At parang kailan lang kakaluwas ko lang sa probinsiya para mag-aral dito sa Maynila." nakangiti kong sagot.
"Ate Dianne thank you sa pagpapatuloy niyo sakin dito sa bahay niyo ah. At thank you for treating me like one of your family. Thank you sa inyo nila tita at tito." pagpapatuloy ko.
"Ano ka ba naman. Okay lang yun. Dapat nga di ka na nagbabayad ng upa dito. Kase nga you're one of us. Di ka na iba samin."
"Di pwede. Kailangan yun. Nakakahiya naman sa inyo."
"Haynaku.. Stubborn Dee as always. Lika nga dito. Kukurutin lang kita saglit sa pisngi." siya
"Ate naman." retaliate ko.
Agad siyang lumapit sakin at niyakap ako.
Ganun pa rin ang ruta ng buhay ko kahit na nasa ibang bahay na ako at medyo nakaluwag-luwag ako dahil sa tulong ng mga kaibigan ko at ng pamilya ni Gee. Pupunta ako ng school kapag umaga at pagkatapos naman ay papasok sa bar na pinagtratrabahuhan ko. Saludo nga sila sa’kin dahil nagawa kong pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap-buhay.
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos di ko nagsasawa na magpasalamat sa kanya sa lahat ng biyayang natatanggap ko. Napaka swerte ko at may mga taong handang tumulong sa akin. Na may mga taong nagpapagaan ng sitwasyon kapag mabigat ito para sa akin. Masaya ako at nakatagpo ako ng mga taong akala ko ay mga mahirap pakisamahan nung una pero may mga toyo pala. Mga taong sa kabila ng agwat ng pamumuhay namin ay nagawang maging malapit sa isa’t isa.