Chapter 2: The Campus Bad Boy

660 31 6
                                    

SCYDE

AN: ang pagbasa sa pangalan ni Scyde ay /sid/. Maarte lang sa spelling. XD Enjoy guys. :*

Sa kalagitnaan ng masarap na pagtulog ko dito sa aking kinauupuan ay nagising ako bigla nang marinig kong nagsalita sa aking kaliwang tainga ang stewardess ng eroplanong aking sinasakyan.

"Sir wake up. We're about to arrive." Bulong niya sa akin.

Agad ko namang minulat ang aking mga mata sabay lingon sa aking paligid. Ibinaba ko nang kaunti ang aking shades at nakita ko nga sa aking harapan ang magandang pinay na stewardess na iyon na nakatindig ng maayos at nakangiti sa akin.

"Are you ok sir?" She asked.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay ibinalik ko ulit sa pagkakasuot ng aking shades sa mga mata ko saka ko isinandal muli ang aking ulo at pumikit.

Bahala ka diyan.

By the way, I'm Scyde Rye Ravelo. I hate introducing myself, it's so gay. So if you want to know me more, you just need to read my f:)cking story.

* * *

Ilang saglit pa lamang ay lumapag na sa NAIA ang aking sinasakyang eroplano na nagmula pa sa New York kung saan ako nakatira ng ilang taon. Iniwan ko doon ang mga magulang ko na walang ibang ginawa kung hindi ang atupagin ang business nila. And now, I'm back here in the Philippines to study-not really but to escape from my very strict parents. I went here last March just to visit my girlfriend-oh sorry, ex-girlfriend rather. I don't have anymore relationship with that b:)tch so please stop asking why.

Abot tainga ang ngiti ko habang lumalabas ng eroplano. Naiisip ko kasi na malaya ko nang magagawa ulit ang lahat ng gusto kong gawin o maisip. Wala na ang mga magulang kong laging sagabal sa lahat ng gusto ko, pero ni minsan naman ay hindi ako magawang pansinin o kaya ay kamustahin man lang.

Nasa labas na ako ng eroplano. Tumayo ako saglit doon. Nakasisilaw ang sikat ng araw kahit bandang hapon na kaya isinuot ko ang aking shades, sabay ayos sa aking magarang damit at sa aking bitbit na gamit. Ipinagpatuloy ko sa paghakbang ang aking mga paa na nakasuot naman ng mamahaling sapatos na galing pang America. Maingay sa paligid kaya naman inilagay ko ang aking headphone sa aking mga tainga at nagsimulang magpatugtog sa aking i-phone ng mga kanta ng paborito kong banda. Agaw tingin sa akin ang lahat. Lahat ng makasalubong at madaanan ko, lalo na ang mga babae ay napapalingon at napapatitig sa akin.

Sa hindi kalayuan ay may natatanaw akong 4 na kalalakihan. Para bang hinihintay nila akong makalapit sa kanila. Sila siguro ang mga bodyguard na inatasan ng aking lola na sumundo sa akin. Hindi ako sigurado kaya tumigil ako sa aking paglalakad mga tatlong metro mula sa kanila. Siguro ay nakahalata ang isa na ayokong lumapit kaya siya nalang ang nagkusa. Nang makarating siya sa aking harapan ay agad itong bumati.

"Welcome back, Master Scyde." Bati ni Marlon na naroon pala pero hindi ko siya nakilala nung una. Siya ang aking Personal Assistant na halos maliit pa ako ay nagsisilbi na sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya, ngumiti at sinabing, "There's no one informed me that you're going to be here. Surprise ba ito para sa pagdating ko? Sorry but, I'm not surprise." Pagpapahiya ko sa kanya.

"Pasensiya na po Master. Napag-utusan lang po kami ni Madam." Ang tinutukoy niyang Madam ay ang lola ko sa father side na may mataas na posisyon sa gobyerno ng Maynila. Hindi ko lang alam kung ano iyon at wala akong balak alamin.

"You don't need to explain. Saka isa pa, wala akong pakialam." Pambabara ko sa kanya na para bang walang pakialam sa mararamdaman nito.

"Pakidala na lang ang mga gamit ko." Sambit ko habang inaabot ang mga gamit ko sa nakaabang niyang mga kamay.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon