Chapter 17: The First Date (Part 2)

267 14 2
                                    

MEICAH

Halos naikot na namin ni Scyde ang buong Manila. Napuntahan na rin namin yung mga sikat na lugar dito at masasabi kong ang ganda talaga dito. Kaso meron pa daw kaming pupuntahan na dalawang lugar. Kapag naman tinatanong ko siya kung saan, ayaw niya naman sabihin sa akin. Surprise daw. Baliw talaga yung si Scyde.

Natupad na yung isa sa mga hiling ko sa buhay ko—yung makapasyal sa buong Manila. Pero bakit ganun? Parang feeling ko hindi pa rin ako masaya? Haaay. Ang hirap naman ng ganitong pakiramdam.

Naupo ako sa isa sa mga upuan dito sa Luneta Park habang kinakain ang ice cream na binili namin kanina, at nakatingin sa mga taong nasa park din na naglilibot. Ang saya-saya nila tingnang lahat. Sana masaya din ako katulad nila.

Naramdaman kong umupo si Scyde sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. Gaya niya, sa mga ngiti niya ngayon ay masasabi mong masaya talaga siya.

"Bakit?" Tanong niya nang mapansin niyang nakatingin ako.

Muntik na akong mabulunan sa ice cream na kinakain ko. Paano ba naman kasi, ang dungis ng mukha ni Scyde. Para siyang bata kung kumain ng ice cream. Dahil dun, natawa ako bigla. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Kahit na malungkot ako, napapatawa niya pa rin ako.

"Oh? Anong nakakatawa diyan?" He asked curiously. Napatigil ako at napatingin uli sa kanya. Mukha nga siyang walang alam sa itsura niya.

"Kasi ang dungis mo!" Sabay tawa ko ulit. "Punasan mo nga yang bibig mo. Para kang clown."

Natawa na lang din siya sa sinabi ko. Kumuha siya ng tissue at ipinunas sa bibig niya.

"Wala na?" Tanong niya sa akin pertaining to his face. Umiling lang ako.

"E 'di yan, napangiti na din kita." Sabi niya ng may ngiti din sa mukha. "You seemed so lonely today which makes me bother. May problema ka ba?"

Napayuko na lang ako sa sinabi ni Scyde. Napansin niya din pala na tahimik at mukhang malungkot ako. Ewan ko ba pero, hindi ata maganda ang pakiramdam ko ngayon.

Lalo pa siyang lumapit sa akin. Halos magkatabing-magkatabi na kami.

"Tell me. What's the matter? Di mo ba nagustuhan 'tong ginawa ko sa'yo? Ayaw mo na ba akong kasama?" Nakasimangot na tanong niya sa akin. Nagdadrama na naman si timang.

"Grabe ka naman. Hindi sa ganun, Scyde." Reklamo ko sa kanya. "Naalala ko lang kasi yung nangyari nung nakaraan e. Yung nakulong ako sa loob ng madilim na room. Hindi pa kasi ako nakaka-recover sa nangyari. Kaya hanggang ngayon... natatakot pa rin ako." Paliwanag ko sa kanya.

Ang totoo niyan, ang sabi ng mga doktor sa gaya ko na may phobia, it takes time para makalimot sa mga pangyayaring nakapagpalala ng phobia namin. Yung iba months ang itinatagal, pero may mga case na weeks lang. At yung sa akin, hindi ko alam kung gaano tatagal. Pero sabi sa akin ng psychologist ko, agad akong makaka-recover kung may taong makakapagpasaya sa akin ng todo. Kaso parang ang hirap namang gawin yun. Siguro hintayin ko na lang na gumaling ako.

I heard him sigh. Haaay. Pati tuloy siya naaapektuhan sa akin.

"Meicah, I'm sorry." He apologized at hinawakan niya yung kamay ko na agad namang nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Alam ko kasalanan ko yung nangyari sa'yo nung araw na yun. Dapat hindi kita iniwan e. Pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong makabawi sa'yo. Bigyan mo ako ng pagkakataong pasayahin ka ngayon."

I looked straight on his eyes. Dun ko naramdaman na sincere talaga siya sa mga sinasabi niya. And that makes me confortable this time.

Ngumiti ako. "Talaga? Sige paano?" I challenged him.

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon