AN: There are sudden changes in this story so please, observe guys. Thank you and enjoy reading. :)
MEICAH
I found myself staring at the ceiling of my room. Halos ilang araw rin akong ganito—tahimik at nakatulala paminsan-minsan. Hindi naman ako ganito dati pero simula nung araw kung kailan ikinulong ako sa loob ng isang madilim na room ng tatlong makating yun, feeling ko parang nagbago na ang lahat sa paligid ko.
Takot na ulit akong lumabas, makipag-usap, maglakad ng mag-isa—parang lahat kinatatakutan ko na at ang gusto ko na lang gawin ay magkulong sa kwarto buong maghapon dahil ito lang ang lugar kung saan malakas ang loob kong mapag-isa.
Haaaay. Ewan ko ba. Siguro nga bumabalik na naman ang phobia ko noong bata pa ako. Oo, may monophobia ako kung saan takot akong mapag-isa o di kaya ay iwanan ng isang tao. Unti-unti ko nang na-overcome 'to noon pero dahil sa nangyaring insidente nung nakaraan, nahihirapan na naman ako.
Sobrang takot na takot ako ng gabing makulong ako sa loob ng madilim na news club room. Halos hindi na ako makahinga dahil na rin sa kaiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko nung mga oras na yun. Akala ko rin ay katapusan ko na pero buti na lang ay dumating siya, si Scyde, and he came to save me.
Aminado naman ako na nung una, may tampo ako sa kanya dahil sinabi niyang hindi niya ako iiwan. Pero anong ginawa niya? Umalis siya sa tabi ko at iniwan pa rin ako. Pasalamat ko na lang at naisipan pa niyang bumalik dahil kung hindi, baka kung ano nang nangyari sa akin doon.
Naaalala ko pa yung moment na sinabi niya, "Now you know. I won't leave you." habang nakatitig siya sa mga mata ko. Dahil sa ginawa niya ay gumaan ang pakiramdam ko. At sa mga yakap niya sa akin nung oras na yun, masasabi kong si Scyde lang talaga yung nakapagpapaalis ng takot ko.
Oo, siya lang talaga.
Scyde. Yung sikat na miyembro ng Cupid Heartthrobs na mukhang unggoy (Uy joke lang. Pogi kaya yun.) na lagi kong kaaway at kaasaran pero at the end of the day, siya parin ang nag-iisang tao na magtatanggol sa akin at hinding-hindi ako iiwan anuman ang mangyari. Siya din ang nag-iisang lalaki na nagparamdam sa akin ng ganitong feeling. Yun bang namumula ka at 'di mo maipaliwanag yung feelings mo kapag kausap siya, kapag nakikita siya at kapag kasama siya. Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin. Nababaliw na ata ako!
Basta sa ngayon ang alam ko lang, 50% na ang feelings ko sa kanya at masasabi kong iba na talaga 'to dahil konting-konti na lang at....
"OMG."
Napatakip ako ng unan sa mukha ko ng ma-realize kong kinikilig na naman ako. Uwaaaa! Ano ba 'tong iniisip ko? Baliw na nga ata ako! Ayoko na, ayoko na. (>/////
Napalingon ako sa alarm clock ko na nakapatong sa sidetable. 7:53 na ng umaga?! Di ko napansin na ang tagal ko pa lang nagmuni-muni dito.
Napaupo muna ako sa kama ko at nagdasal saglit. Nung mga nakaraang araw kasi puro problema na lang ang dinanas ko.
Haaaay. God, may maganda kayang mangyari sa araw na 'to? Sana naman po meron.
***
Lumabas ako ng kwarto mula sa second floor at dumiretso sa kusina para kumain. Sabado ngayon kaya as usual, wala naman sa bahay ang mabait kong kuya. E ano pa nga bang dahilan? Malamang inaasikaso niya pa rin ang kaso ni papa. Haaaay. Napakatagal na nun pero sana ma-solve na para matahimik na rin si kuya. Naaawa na rin ako sa kanya e. Maaga aalis ng bahay tapos late na umuuwi dahil may trabaho pa siya hanggang 11 ng gabi. Kawawa naman yung kuya ko.
Pero ang maganda kay kuya, hindi niya ako kinakalimutang ipagluto ng umagahan bago siya umalis. Kaya love ko yang kuya ko kahit na may pagkahalimaw siya paminsan-minsan.
BINABASA MO ANG
Back to You
RomantizmHow long would it take for you to finally say, LOVE DESERVES A SECOND CHANCE? It all started when a 16-year old Ms. Have-It-All (except being rich) Meicah May Villanueva went in Manila to study and pursue her dream to be an Architect. She is very wi...