Chapter 6: The Cupid Heartthrobs

526 24 2
                                    

CHAPTER 6: CUPID HEARTTHROBS

 ________

MEICAH

One week. One week nang nakakalipas simula nung pumasok ako sa University na 'to. One week na rin kaming magkaibigan ni Jhayden. One week na rin akong puyat gabi-gabi. At one week na rin akong dumadaan sa daang 'to. One week na lahat.

"Aaaaaahhhhh!" nabaling ang atensiyon ko sa narinig kong yun. Hay naku. Heto na naman ang mga higad girls (term ko sa mga makakating babae na hilig kumapit sa mga pogi) na may panibagong macheteng nilalandi. Napatigil ako. Sino kaya yung pinagkakaguluhan nila dun?

Hindi ko masyadong makita kung sino yung pinagkakaguluhan nila, ang dami kasing nakaharang e. Habang papalapit ako nang papalapit ay saka ko lang nakita ng maayos kung sino iyon. Nakawhite na bullcap, matangkad, maputi, at may hikaw sa kaliwang tainga. Okay, confirmed... si Jeronne nga iyon. As usual, ano pa bang aasahan ko.

At one week na rin ang lumipas nang hiramin ng lalaking yun ang ballpen ko na hanggang ngayon ay hindi pa niya ibinabalik. Haaay. Bigay kasi ni Papa ang ballpen na yun kaya ganun nalang yun kaimportante sakin. Isang beses, sinubukan ko siyang lapitan para kausapin tungkol sa ballpen ko. Kaso hindi pa ako nakakalapit sa kanya, napaatras na lang ako. Bago ka pa kasi makalapit kay Jeronne e kailangan mo munang malagpasan yung mga higad girls na nakadikit sa kanya. At kung makatingin sila ng masama sakin e akala mo aagawin ko si Jeronne sa kanila. Buhusan ko sila ng suka e, makita nila.

Si Jeronne, siya yung type ng guy na tahimik. Malimit lang siyang magsalita at makipag-usap sa klase. Napapatili niya ang mga girls kapag siya na ang naglalaro ng basketball sa court. Pero sa kabila ng pagiging cool niya, wala siyang kaibigan sa room. Umuuwi siya ng mag-isa pagkatapos ng klase. Hindi ko alam ang dahilan pero kahit sikat siya sa girls dito ay kinaiinisan naman siya ng mga boys sa buong Campus. Bakit naman kaya? Gusto kong malaman ang dahilan. Minsan nga naisip ko na maging kaibigan siya. Pero pano ko magagawa iyon kung hindi ko manlang siya magawang lapitan? Haaay... sabi nga nila, mahirap magkaroon ng kaibigang sikat, mapapaaway ka lang.

Iba talaga kapag popular ka sa Campus. Lahat sinusundan ka, aalamin nila, susuriin nila. Tulad ng kuya Dhies ko na darating pa lang sinasalubong na, inaabangan sa labas ng classroom tuwing uwian, nauubusan ng laway kahe-hello kapag binabati, kahit sa'n pumunta bigla na lang may magpapapicture... ang hirap ng ganung buhay diba? Daig pa nila ang mga artista.

"Uy guys, si Campus Sweetheart oh!"

"Hi Meicah!" in chorus na bati ng group of students na yun na parang sa ibang department o course pumapasok.

"He-hello." ngumiti ako at saka ko pasimpleng ibinaling sa ibang direksiyon ang aking tingin. Sad to say this guys pero... haaaay... isa ako sa mga sikat na yun.

Well, naiinis ako kapag tinatawag nila akong, "Campus Sweetheart". Ano bang meron sa title na yun at ibinibigay nila sakin? Magiging immortal ba ako dun? Mananalo ba ako sa lotto dun? Yayaman ba ako dun? Hindi naman diba? Pahamak nga sa buhay ang tawag na yun e, dahil dun magkakasakit ako sa bato. Pano ba naman kasi, kahit pag-ihi ko lang ay hindi ko pa magawa dahil nakaabang silang lahat. Hay buhay.

"Hoy!"

"Aykalabaw!" at sino na naman bang asungot ang bigla-bigla na lang... "Jayjay naman e, ang hilig mong manggulat!"

Back to YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon