CHAPTER 3: THE FIRST TIME WE MET
_________
~ AN: Hi guys. Marami na pong nagsabi sakin na mahaba tong chapter na to (di lang to, marami pa. XD), kaya po humihingi ako ng pasensya sa bagay na yun. Sana e, pagtiyagaan niyo na lang po. Hehe. Sure naman akong mag-eenjoy kayo sa chapter na to e. ^_^ Enjoy reading guys. XOXO. :* ~
SCYDE
Pinatay ko ang makina ng aking kotse nang matapos kong iparada ito sa parking lot ng lugar na iyon. Sa lugar na sinasabi ni Rhenz na tambayang night bar namin dati. Nang makapasok ako sa loob ay tumambad sa aking mga mata ang mga taong nasa night bar din ng gabing iyon. Masaya silang nag-iinuman at nagsasayawan sa gitna ng mga disco lights. Sa dami nila ay hirap akong hanapin ang mga barkada ko. Inikot ko ang aking mga mata sa paligid pero wala pa rin sila.
What the hell is this?! Pinagtitripan ata ako ng mga iyon ah. I tried to call Jeronne on his phone number ... but no one is answering, ring lang ng ring. Tae kayo, 'wag niyo kong ginag*gu ha. Bago ko pa matawagang muli ang number ni Jeronne ay nagulat na lamang ako bigla nang may mga humawak sa aking magkabilaang balikat.
"Welcome back bad boy Scyde! Hahahahaha!" sabay tawa ng mga siraulong iyon.
"What the—!" nasabi kong bigla nang magulat ako sa ginawa nila. Nilingon ko sa likod ang mga iyon. Tae! Si Rhenz at Jeronne lang pala.
"Kahit kailan mga siraulo talaga kayo!" sabay suntok ko sa mga braso ng mga 'to. Pero syempre, pabiro lang yun.
"Aba, pumapalag ka na ngayon ah. Nawala ka lang saglit naging magugulatin ka na. Hahaha!" pang-aasar ni Jeronne, isa rin sa mga barkada ko.
"Kaya nga e, bumibigay na ata si Scyde 'te. Hahaha!" dagdag pang pang-aasar ni Rhenz na umaktong parang bakla.
"G*go kayo ha. Isa pang pang-aasar, babanatan ko na kayong dalawa."at umakto ako na parang mananapak.
"Hahaha! Easy lang bro." sabay akbay ni Jeronne sa balikat ko.
"Oo nga bro. Hindi ka na nasanay samin."
"Tss. Manahimik kayo."
"Hahaha. Halika nga dito, palamigin natin ang ulo mo!" sabay hila ng mga kumag na 'to sa damit ko.
"Ho-Hoy teka, ano bang ginagawa niyo?" reklamo ko naman habang dinadala ako ng mga 'to sa isang table sa loob ng night bar na iyon. Halos makaladkad na ako dahil sa pagkakahila ng dalawang iyon sa damit ko na feeling ko mapupunit na rin. Nang makarating kami doon ay itinulak ako ni Rhenz na naging dahilan ng aking pagkakaupo sa mahabang sofa na iyon sa tapat ng isang table. Sabay bagsak ng isang baso ng beer sa harapan ko.
"Ano bang gusto niyong mga gunggong kayo ha?"
"Dahil kararating mo lang dito sa Pilipinas..." sagot ni Rhenz.
"At magkakasama na ulit tayo..." dagdag pa ni Jeronne.
"...magsasaya tayo ngayong gabi! Welcome back Scyde. Hahaha!" magkasabay na sinabi na may kasama pang paghalakhak ng dalawang kumag na 'to.
"Mga buang talaga kayo."
Oo nga pala, sila si Rhenz at Jeronne, my insane friends. Magkakasama na kami simula pa pagkabata. Parang mga kapatid ko na yang mga yan. Sana nga naging ganun na lang, baka sa ngayon, masaya pa ako. Si Jeronne, mahilig sa anime, si Rhenz naman ay sa music instruments. Music addict kasi yan. Nahiwalay lang ako sa kanila when we're about to enter high school. That time kasi ako nag-migrate sa America with my family. Katulad ko, chick boy din yang mga yan, mga gwapo at bad boys din, pero mas bad boy at gwapo parin ako. At kung pinapangarap ng iba na mapasama sa grupo naming sikat, well, start to think of it, again. Dahil kung hindi ka katulad namin, hanggang pangarap ka lang din.
BINABASA MO ANG
Back to You
RomanceHow long would it take for you to finally say, LOVE DESERVES A SECOND CHANCE? It all started when a 16-year old Ms. Have-It-All (except being rich) Meicah May Villanueva went in Manila to study and pursue her dream to be an Architect. She is very wi...