CHAPTER 5: FIRST DAY OF SCHOOL
_________
MEICAH
Nabulabog ang nahihimbing kong kaluluwa dahil sa tunog ng alarm clock na 'to. Agad ko naman 'tong pinatay na nasa aking tabi lang naman, nakalagay at nakapatong sa side table. Nag-alarm clock pa ako, nauna din naman akong gumising bago 'to tumunog. Bakit nga ba ang aga kong gumising ngayon? It's just because. . . it's first day of school at college na ako. Excited na nga ako e. Hehe. Oo nga pala. Alam kong naitatanong niyo kung ano ba ang course na kinuha ko. Well, ang kinuha ko pong course ay BS Architecture. Alam niyo namang makatatay ako kaya ito ang kinuha ko. Hindi man ako ganun kagaling magdrawing gaya niya, ayos lang. Kakayanin ko dahil sa pangarap, walang mahirap. (^___^)
After kong maligo, nagsuot lang ako ng simpleng damit. Wala kasing official uniform ang Saint Thaddeus University e. Palibhasa school ng mayayaman kaya kahit anong gustuhin mong porma, ayos lang. Sa kusina, As usual nandoon na agad siya. E sino pa ba? E 'di yung halimaw kong kuya na nakaupo habang humihigop ng mainit na kape. Ang aga niya atang gumising ngayon ha. Habang nakatayo pa ako sa dulong step ng hagdang iyon, lumingon siya ng bahagya sa akin.
"Oh. Anong tinitingin tingin mo diyan?" nagmamasungit na tanong nito habang binababa yung tasa ng kape mula sa kissable at mapula pula niyang labi. Haaays... Umagang umaga heto na naman kami.
"Wala! Bakit?!" I said in sarscatic way. Hindi siya sumagot. Kaya naman dumiretso na ako sa aking upuan para kumain. Alam niyo kung sa'n ako umupo. Sa pinakadulo ng lamesa na malayo sa kanya pero nasa tapat niya. Nasa magkabilaang gilid kami. Gets niyo? Ayoko ngang tumabi sa kanya noh! Mahirap na baka lamunin pa niya ako bigla.
"Ang aga mo gumising ah. Excited lang?" nang-aasar na sinabi niya habang kumukuha ako ng pangatlong sandok ng kanin. Oo. Ganun ako kalakas lumamon. xD
"Ha? Oy hindi ah. Ikaw nga yun e." sagot ko naman habang kumukuha ng ulam kong tatlong bacon, dalawang hotdog at isang chicken wing. Hehe. Gutom na gutom na po kasi ako. Saka kailangan ng maraming energy ngayong first day of school di ba? Ayos 'to. Ang sarap naman ng almusal ko. Haha! Kainan na! Sakto namang pagkasubo ko ng kutsara, ay bigla na namang nang-asar 'tong napakabait kong kuya ever.
"Yung tipong ang gandang babae, kaso matakaw? Turn off! Eeeng!" Ano?!I coughed. Teka lang ha. Nabulunan ako sa sinabi niya.
"Hoy anung sabi mo?!" sigaw ko sa kanya. Pero hindi niya ako pinansin at sa halip ay humigop pa ulit ng kanyang kape. "Kainis 'to. Akala mo naman kung sinong perpekto. Ilabas ko baho mo e." bulong ko sabay subo ulit sa pagkain ko.Kainis. Umagang umaga nangbabad trip 'tong si kuya. Pero stay calm lang Meicah, stay calm. Unang araw ng pasukan ngayon kaya dapat chill lang. Bawal ma-stress, papangit ako! xD
"Oy kulot? Anung oras ang uwi mo mamaya?"
"Hmm... 5:30. Bakit?"
"Wala lang. Masama bang magtanong?"
"Hindi! Bakit? Masama din bang magtanong sa 'yo?"
"Oo. May bayad kase. Puro utang ka na nga sa akin e." (-____-) Haaays. Kailan ba kami mag-uusap nito ng matino? Wala na atang pag-asang maging maayos 'tong kuya ko.
BINABASA MO ANG
Back to You
RomanceHow long would it take for you to finally say, LOVE DESERVES A SECOND CHANCE? It all started when a 16-year old Ms. Have-It-All (except being rich) Meicah May Villanueva went in Manila to study and pursue her dream to be an Architect. She is very wi...