Chapter 15

859 41 3
                                    

Chapter 15

"Ay jusko! Sino yun?! Anong nangyari?" narinig ko yung sigaw ni Tita Winnie, andito pa rin ako sa loob ng cr. Nakakaloka naman, napalakas ata ang sigaw ko. Gusto ko lang naman mailabas ang saloobin ko. Kinikilig talaga kasi ako ng bongga.

Huminga ako ng malalim at lumabas na sa banyo. Pagkalabas ko ng banyo ay tumambad sa akin ang mga bisita ni Tita na naghihintay sa paglabas ko. Mukhang pati sila ay kinabahan sa pagsigaw ko. Hihihi

"Hija! ok ka lang ba? Anong nangyari sayo sa loob?" Tita Winnie asked. Halatang worried siya.

Binulungan ko si Tita at umalis na ko. Nakita ko naman si Tita na tumawa.

Masisisi niyo ba ko kung sinabi ko sa kaniya na ang tigas ng pupu ko at ayaw lumabas kaya napasigaw ako. Hahahahahaha! Mas patay ako kapag sinabi ko na kinikilig ako nang dahil sa anak niya, nakakahiya naman kay Tita. Though nakakahiya din naman yung sinabi kong yun pero ayon lang talaga ang pumasok sa isip ko. Pasensiya. Pasintabi din sa mga nakain. Nabaliw lang talaga si author.

Napailing na lang ako sa sinabi ko at tumungo na sa Garden.

Nakita ko naman si Kid na nakain pa rin. Napaka-hinhin na tao neto, daig pa ko eh. Kung siya kain yung akin lamon eh.

"Sorry natagalan ng onti." I said.

"Ok lang." He smiled. Anak naman ng tokwang ngiti yan oh! Nakakamatay eh! Oxygen please!

Sa kalagitnaan ng kainan session namin ay bigla siyang nag-tanong..

"Sasali kaba sa The Voice? Malapit na foundation Day natin ah." He asked.

Oo nga pala. Next next week na ang foundation day namin. Kailangan ko pa bang sumali? Mukhang waging wagi na naman ako eh. Di pa ba ko wagi sa moment na to? May papunas-punas pa siya sa gilid ng labi ko? Waging wagi na ko bes! Kontento na ko dito! Pero kung gusto niyang sumali ako sa The Voice, pwede nemen eh. Pere se kenye sesele eke. EHE! (HAROT)

"Ah-eh nahihiya kasi ako eh. Tsaka di ako magaling kumanta" Syempre dapat pa-humble muna tayo! Kailangan sa buhay yun. Hahaha

"Sus! Magaling ka kaya! Nanood nga ako ng Pageant nung nakaraan eh. Ang galing mo kaya nung talent portion na. Nakakarelax pakinggan yung boses mo." Ay! So ibig sabihin hindi lang pala si Paulene ang pinanood niya ako rin pala. ENEBEYEN! Kinikilig na naman ako mga bakla!

"Ah g-ganun ba. S-salamat." I looked down. Naramdaman kong namumula ako kaya naman yumuko ako, delicates baka isipin niya kinikilig ako kahit ayun naman yung totoo. Hihihi

"Pero sasali ka nga?" He asked again.

"T-tapos na kasi yung audition eh. h-hindi na ko nakaabot eh." I said.

"Bakit naman?"

"K-kasi ayun yung time na n-nagalit k-ka s-sakin." Napayuko na nman ako.

"Ay ganun ba." Bigla namang nagbago ang tono ng boses niya, parang may halong guilt? Ewan.

"Pero ano kaba! Hindi pa naman final yun eh! Uulitin daw nila yung audition." Sabi niya. Kitang kita ko sa mata niya na parang chinicheer up niya ko.

"Sali kana!" He said.

Sasali ba ko? Baka naman mag-expect to si Kid na ako ang manalo, ma-disappoint ko lang siya. Sure na nman ako na si paulene na namn ang mananalo.

"Ako bahala sayo! Manalo matalo, I will support you." And he winked at me. At di lang yun may matching pag-hawak pa ng kamay. SHETNESS overload. Mamamatay na ko dito sa kilig!!!!!!!!!! Ano ba Kid! Lagi kana lang ganyan!

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon