MAKE OVER

867 20 5
                                    

Chapter 22 LMBTO

"Dana!"

Alam kong si Kid yun kaya napatigil ako pero hindi pa ako nalingon sa kaniya.

Sobrang sakit. Bakit ganto? Dapat di ako nasasaktan nang ganto kasi wala naman akong karapatan.

Eh ano naman kung magkasama sila? Eh ano naman kung sila na ulit? Sobrang sakit makita silang ganon.

Mahal ko na ba talaga si Kid? Eto na ba yung love? Bakit ang sakit mag mahal? Akala ko ba masaya? Akala ko kapag nag mahal ka sasaya ka pero bakit kabaligtaran ang nangyayari? Nasasaktan ako ngayon.

"Dana! Can we talk?" He asked.

Pinunasan ko muna yung luha ko bago muling humarap sa kaniya.

"Sure." I smiled.

Ang hirap ngumiti lalo na kapag hindi ka naman talaga masaya. Ang hirap ngumiti at mag pretend na masaya ka talaga. Uso yan satin ano? Kahit nasasaktan na tayo mas pinipili nating ipakitang masaya tayo para hindi nila mahalata na naaapektuhan tayo.  

Lumapit siya sa akin. Bumibilis ang tibok nang puso ko. Hindi ako makahinga.

"Kung ano man yung iniisip mo, nagkakamali ka."

"Anong sinasabi mo dyan? Hahahaha." Tumawa ako, pekeng tawa.

Geez. Ang galing ko mag panggap!

Makakatawa kapa ba kung nasa gantong sitwasyon ka? Syempre oo, magaling ka mag pretend eh.

"Baka kasi iniisip mo kami ulit ni Paulene. Hindi pa kami ulit."

Hindi pa? Ibig sabihin magiging sila pa lang ulit?

"Ano kaba! Eh ano naman kung isipin kong kayo ulit? Wala namang kaso sakin yun hahaha."

Pero sa totoo lang NAPAKALAKING KASO sakin nun. Kasi mahal kita, masakit makita na magkasama kayo nang ex mo. Kasi alam ko siya pa rin yung mahal mo.

"Sige! Alis na ko."

Wala na kong dahilan pa para mag stay dito. Sasaktan ko lang yung sarili ko.

Ang gulo niya noh? Nung nakaraan nilalayuan niya ko tapos ngayon kinakausap niya ako about sa kanila ni Pau, bakit pa siya nag eexplain? Kahit naman mag explain siya masakit pa rin.

Tumalikod na ako at nag lakad papalayo sa kaniya.

Kakaiba tong nararamdaman ko. Parang binibiyak yung puso ko. Nanghihina ako.

Ang swerte ko naman talga noh, first love, first heartbreak.. Ang saya lang!

Naramdaman ko namang may pumatak na tubig sa mukha ko.

Ang galing din ang ulan noh? Nakisabay pa sa mga luha ko. Maganda yan, hindi nila makikita yung luha ko. Hindi nila makikita na nasasaktan ako.

Ang unfair ng mundo noh? Mahal mo pero hindi ka mahal, mahal ka pero hindi mo naman mahal.

Siguro kung fair lang ang mundo walang umiiyak ngayon, walang namomoblema ngayon, walang nalulungkot ngayon. Kasi kapag fair ang mundo masaya eh. Mahal ka nang mahal mo eh. Lahat nang gustuhin mo makukuha mo.

Lesson learned.

GUARD YOUR HEART.

Kasi kapag hindi ka nag ingat, masasaktan ka lang. Tulad ng sakin, minahal ko yung taong hindi pa tapos mag mahal kaya nasasaktan ako ngayon. Hindi ako nag ingat. Hindi ko inisip na itong tao pala na ito ay may mahal pang iba, hindi ko pinigilan yung sarili ko na wag ma-fall sa kaniya.

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon