The Audition pt. 2

743 34 3
                                    

Chapter 17 (The Audition pt. 2)

Sa sobrang daming nag-aaudition ay inabot na nang gabi. Hanggang ngayon may nakanta pa rin, akala mo naman maganda ang boses. Ay charot.

Hindi ko alam ang isasagot ko kanina sa tanong ni Kid. Kung bakit daw ba ako umiyak habang nakanta ako kanina, bakit nga ba? Nadala lang siguro nang matinding emosyon. Nakakahiya nga yung pag-iyak na ginawa ko. Hahahah Parang tuleg lang. Buti na lang talaga ay dumating na si Perri galing sa comfort room at ayon hindi ko na nasagot ang tanong ni Kid. Saved!

"Bes uwi na kaya tayo." Sabi ni Perri.

"Bakit?! Malay mo makasali tayo sa Top 5." I said. Aba! Ayoko ngang umuwi, hindi pa naman sure na hindi ako mananalo eh. Naasa pa rin naman ako kahit papaano.

"Oo nga naman Perri, nasuko kana ba? Tiwala lang, makaasali si Dana sa Top 5." Ayan gusto ko sayo Kid eh!

"Ano ba kayo! Gusto nang umuwi dahil sure na sure na ako na mananalo si Dana!" Ay taray! Iba talaga fighting spirit ni bessy! Hahahaha.

Nagtawanan lang kami habang inaantay matapos yung audition. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano. Feeling ko nga kakabagin na ko sa sobrang kakatawa. Joker rin pala tong si Kid, akala ko mahinhin eh loko loko rin pala. Natututwa naman ako dahil mas lalo ko siyang nakikilala pa.

"Bes may paparating." Tiningnan ko naman kung saang direksyon nakatingin si Perri.

Nasa limang tao yung mga paparating, hindi ko maaninag yung mukha nila dahil tanging christmas light lang ang ilaw dito sa labas ng gymnasium. Lahat ng ilaw napunta sa loob ng gym. Kaloka!

"Bes ayan yung babae kanina diba." bulong ni Perri.

I nodded.

"Hi Dana! " Bati ni Yumi.

Bakit siya andito? Tsaka sino yung mga kasama niya?

"Hello Yumi! May kailangan kaba?" I asked.

"Wala naman. I just want you to meet your future band." She chuckled. Lakas!

"Siya si Lian Sy, lead guitarist ng banda." She pointed the pogi one. Pogi talaga? Hahaha Yes, pogi siya. Pero mas pogi si Kid ko, wala nang tatalo dun. Pogi si Lian kaso mukhang masungit. Katakot! Ang itim ng aura niya. Siguro dapat ng kabahan si Macmac dito sa tao na to? (Sa mga nanonood ng Ang Probinsyano, magegets niyo to. Hahahah)

"Siya naman si Becca Gee, pianist ng banda." She also pointed the maganda one. Grabe ang ganda niya! She looks like an angel. Tas nakakadagdag pa ng ganda points yung pagiging pianist niya. Cool!

"Siya naman si Ice Carter , he was also a guitarist." Parang hindi bagay sa kaniya yung pangalan niyang Ice kasi ang hot niya tingnan be!

Nakakaloka naman tong grupo na ito, masyadong gifted! Bukod sa pinagpala na nga sila sa mukha, mga talented pa! Sila na talaga! Parang ayoko na tuloy sumali sa kanila dahil panira lang mukha ko sa banda nila. Hahaha Nakakawala ng self esteem.

"Hello sa inyo! Ako si Dana, Dana Cruz." I greeted them.

But, si Yumi at Ice lang ang ngumiti. Sila Becca at Lian nakasimangot lang. Uy! May naamoy ako! Nangangamoy LQ? Baka mag-jowa sila? Anyway, di ko na problema yun. Hahahaha.

"Pasensiya kana sa dalawa ah, ganyan lang talaga yang mga yan. Pero mababait naman sila." Ahh. Mabait na sila sa lagay na yan?

"Ah it's okay. By the way, Perri and Kid. My friends." I introduced.

Nagbatian naman silang apat. Oo, SILANG APAT LANG. Hindi talaga namansin yung dalawa. Pero nangangamoy new friends ah! Masaya to!

"Sige alis na kami ha. Goodluck Dana, sana makapasok ka sa Top 5." Yumi said.

"Thank you! See you around." Then nag-wave na ko, umalis na rin sila.

"Bes fc ha!" Perri said.

"Fc, ano yun? Fried chicken?" I asked. Ano na naman bang new word iyon?

"Gaga! Feeling close. Feeling close si Yumi noh, kanina lang kayo nag-kakilala diba." She said.

Ang sama talaga netong babaeng ito. Pag-pasensiyahn niyo na siya medyo maldita. Hahaha

"Pero pogi si Ice ah!" Humaharot na naman si inday. -_____-

"Type mo naman agad?" pang aasar ko sa kaniya..

"Duh! Hindi noh." Defensive much?

"Oh edi hindi! Iiyak kana dyan eh."

"Pero pogi rin yung Lian ha." Sabi ko.

Bigla namang umentra si Kid.. "Sus! Mas pogi ako dun noh!" Oo na! Wala namang naangal eh. Alam na nang lahat yun.

"Tampo ka naman agad?" Pang aasar ni Perri kay Kid.

"Why did you say so?" Nagkibit balikat naman si Kid. Hahahaha.

Nagtawanan lang kami ni Perri ulit. Mamaya uutot na ko dito sa kakatwa. Wala nang katapusang tawanan.

"Bakit ka pala nilapitan nun? Di ko alam na may close ka pala sa sikat na banda na yun." Kid asked.

"Ah. Ano, inalok niya kasi ako na sumali daw sa grupo nila." I answered him.

"Sasali ka?" He asked again.

"Still thinking." sagot ko.

"Bakit nag-iisip kapa bes? Wala ka naman nun."

At dahil sa sinabi niyang yun, binigyan ko siya ng marahas na tingin. Kaloka! May isip naman ako ah. KAHIT PAPAANO.

"FYI! Meron ako nun noh! Hindi lang halata.." I rolled my eyes.

"Ay meron ba? Sorry di ako na-inform." Grabe! Ang hard niya sakin! T____T

"Sakit niyo sa tenga." Ay sorry andyan ka pala Kid. Hahaha Tumahimik naman agad kami ni Perri, nakakahiya naman sa pogi niyang mukha.

"Bes! Nagtext si Ann (classmate namin) Hindi na daw nila maaannounced yung Top 5 tonight kasi masyado na daw late, ipopost na lang daw sa bulletin board bukas."

Ano ba yan! Sayang effort. Nag-hintay pa naman ako ng bongga.

"Kaloka naman bes! Umuwi na nga tayo. Kaurat sila." Taeng tae na rin to si Perri umuwi eh.

"Hatid ko na kayo." Offer ni Kid. "No, si Bes na lang ihatid mo. Poorita kasi yan eh. Tsaka nag-aantay na yung driver ko sa parking lot." Inirapan ko lang si Perri. Loka talag yun! Pero totoo naman, hampas lupa naman talaga ako. Hahahah

"Hindi na Kid, I could go home." I said.

"Bakit may sinabi ba akong hindi mo kaya? Ihahatid na kita. Gabi na eh." okay, edi siya na panalo.

Hay na ko. Kinikilig na naman ang lola niyo. What's new? Naiisip ko nga minsan gusto ata akong patayin ni Kid? Patayin sa sobrang kilig. Alam mo yung kahit onting bagay lang ng gawin niya kinikilig na gad ako. Ilababo na talaga ang lola niyo. So ano? Bye na muna. Iheheted ne eke ng prince charming ko. Sana makita ko ang pangalan ko sa List bukas ng Top 5. Papakamatay na talaga ako pag hindi pa ako nakapasok dun.

(Sorry kung maikli. Hihihi VOTE COMMENT. Bortday na bukas ni Otor! Wag niyo po kakalimutan ang gift ko. Hahahaha Labyu guys.!)

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon