CHAPTER 21

601 29 2
                                    

Chapter 21

Madaming araw ang nag daan, madaming nangyari pagkatapos nang Foundation day, madami ring nag-bago. Lalo na kay Kid. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko maipaliwanag. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung may nagawa ba akong mali sa kaniya para layuan niya ko. Oo, nilalayuan niya ko at masakit para sa akin iyon. Masakit layuan nang taong gusto mong laging nasa tabi mo. Gusto kong malaman ang dahilan niyakung bakit siya ganon sakin? Biglaan kasi eh. Nung araw nang huli kaming mag-usap nung Foundation Day pa yun, simula nun kapag lalapit na ako sa kaniya agad naman siyang lalayo sakin. Ang sakit diba? Minsan naisip ko nga kung nalaman niya na na gusto ko siya, baka sakaling ayon ang dahilan nag pag layo niya. Madaming tanong sa isip ko. Sobra.

"Lutang ka na naman."

"Wag ka nga ano dyan bes, nag eemote ako dito eh."

"Hoy Dana! Mag move on kana dun! Wala na kayong pag-asa, siya na nga mismo nalayo sayo eh."

"Kilala ko si Kid bes, baka may malalim na dahilan siya kaya siya nalayo. Masyado kang judgemental bes!"

"Yan hirap sayo bes eh! Puro ka asa! wala ka namang aasahan."

Hindi ko na sinagot si Perri. Totoo naman kasi eh. Umaasa talaga ako kay Kid. Umaasa ako na magiging kami. Kaya eto ako ngayon nilayuan niya lang para nang bumagsak ang langit at lupa sa akin. Kaya kayo dyan! Wag kayong umasa ng basta basta kasi masasaktan lang kayo. Pero bakit ba tayo umaasa? Kasi may nakikita tayong isang dahilan para umasa diba?

"Ano bes? Ilang araw na ang nag-daan ah? Wala pa rin akong nalalasan sa pagkapanalo mo sa The Voice."

Oo nga pala, panalo pala ako. Masaya ako para sa sarili ko! Kaso nakakalungkot rin kasi hindi siya nanood nung nag perform ako. Ayon na nga ang masakit eh, yung hindi na ngasiya nanood hindi pa siya namamansin ngayon. Kaloka diba!

"Walang nalasahan? Eh halos mabutas na nga bulsa ko sayo nung nakaraan!"

Paano ba naman, inaraw araw ako sa mall, nagpalibre ang bruha! Siya na nga tong mayaman siya pa tong nagpapalibre. NASAAN ANG HUSTISIYA?

"Anong klaseng tyan at dila ang meron ka? Sobra to! Ako naman ang ilibre mo! Ang yaman yaman mo eh. Kuripot!"

Inirapan niya lang ako.

"Nako! Tusukin ko mata mo dyan eh."

"Teka bes, si Paulene at Kid yun diba?" Tinuro niya yung direksyon nung dalawa.

Oo nga noh, bakit sila magkasama? Ano yon? Sila na ulit? Ano to?!

Dana! Wag kang iiyak sa nakita mo. Magkasama lang sila, hindi kapa sure kung sila na ulit talaga!

Breathe in, breathe out. Hold your tears!

"Bes, tara na. Libre kita."

--

Hindi ako makapag concentrate sa lesson namin kanina. Aminado ako, masyado akong naapektuhan sa nakita ko kanina. Bakit ba ako naapektuhan nang ganto? Love na ba talaga to? Ang alam ko crush ko lang siya eh pero bakit ganto ang tama sakin nang nakita ko sila?

Alam ko na! Para mawala tong sama nang loob ko, ikakain ko na lang to.

Sakto may bagong store dun sa kabilang subd. Ang alam ko ice cream ang tinda nila dun? Gusto ko ma-try.

Di na ko nag-palit nang pang alis na damit, sa kabilang subd. lang naman eh.

Kinuha ko na ang wallet ko at bumaba na.

"Ma! Alis lang ako saglit ha!"

"Hoy san ka pupunta?" Tanong ni Kuya Densel.

"Sa paraiso."

"Hoy! Umuwi ka nang maaga, kokotongan kita kapag ginabi ka."

"OA mo! 2pm pa lang! Saglit lang naman ako dun."

Umalis na ko.

@Ice Cream Shop

Pagkakita ko sa mga ice cream parang nagkinangan ang mga mata ko. Yiiiii! Mukhang masarap sila!

Agad naman akong umorder.

"Miss isa nga neto pati na rin tong strawberry tas yung black forest tapos isang water."

Ganto ako kapag stress, ikinakain ko na lang.

Nagbayad na ko at nag hanap ng mauupuan.

Kaso WALANG MAUUPUAN.

Ang daming tao -_- Saan ako neto?

But someone caught my attention, lalaking pamilyar. Pogi siya, pero masungit sa totoong buhay.

Si Lian!

Agad ko naman siyang nilapitan. Dito na alng ako makikiupo. Kakapalan ko na mukha ko.

"Hey. Pwede ba akong maki upo? Saglit lang to. Ilang subuan lang to, bibilisan ko na lang ang pagkain ko para sayo. Paupuin mo lang ako." I smile widely.

Please.. Sana pumayag ka!

"Ang dami mong sinabi." He said.

"So ano? Pwede na ko makiupo?"

"K fine. Just shut your mouth don't talk to me."

"Oh sure, madali nama-"

"Sabi ko wag mo kong kakausapin diba?"

"Oo nga, sabi ko nga. Eto na nga eh tatahimik na ko, di na kita-"

"Eh ano yang ginagawa mo?"

Ang sungit naman neto! So no choice ang ate niyo kundi ang tumahimik. Hirap nang mapalayas, wala kong mauupuan dito.

Sinubo ko na lahat nang isusubo ko, napaka bigat nang pakiramdam dito sa upuan na to. Para bang mamamatay ako anytime? Ang sama ng mukha niya, halatang ayaw niya talaga akong kasama.

"HAHAHAHHA youre so sweet babe."

Napatingin naman ako sa likuran ko, nakita ko yung babaeng maingay. Babaeng pinaka maharot sa buongmundo! Pero kasama niya yung lalaking gusto ko.

Humarap na alng ako kay Lian.

Heto na anamn ako, naluluha na naman ako. Takte naman Dana! Pigilan mo yung luha mo.

Lumingon ako for the last time at ngayon nakatingin na sakin si Kid. Agad din akong humarap kay Lian.

"Lian, alis na ko. Salamat sa upuan."

Hindi ko na kaya ang sitwasyon dito ngayon. Ang hirap mag pigil nang emosyon.

Lumabas na ko agad. Hindi ko na napigilan yung luha ko na tumulo. Bahala nang mag mukhang tanga dito, nasasaktan ako eh.

"Dana!"

--

AS I PROMISED NAG UPDATE NA PO AKO NGAYONG WEEK. SORRY ULIT SA MGA NAG ANTAY. SANA NAGUSTUHAN NIYO, PASENSIYA NA KUNG MAIKSI GAGWIN KO PA PO KASI YUNG PORT FOLIO KO EH HIHIHI BAWI AKO NEXT UPDATE. PLEASE VOTE AND COMMENT! THANKYOU PO TALAGA SA PAG BABASA!!!! LOVE YOU! GOD BLESS!!!!

LET ME BE THE ONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon