Chrisshane's POV
*Kring!* *Kring!*Napamulat ako sa tunog ng alarm clock ko. Gumamit nalang ako ng alarm clock para di na ko gisingin ni ate.
Tiningnan ko naman yung oras sa alarm clock ko. It's 5:40 in the morning.
Makaligo na nga.
Pagkatapos ko namang makaligo ay nagbihis na ko at nag ayos. Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na parang mag almusal.
"Good morning po sainyo, mom and dad saka ate." I greeted them and sat on my chair.
"Good morning din anak." Sabay na sabi ni mommy and daddy.
"Good morning din li'l sis." Sabi ni ate at pinag salin ako ng juice sa baso.
"Thanks, ate."
"Musta first day?" Argghhh.... Naalala ko nanaman yung kahapon.
Alam niyo bang buong lunch time kinukulit ako ni Justine. Ughh....naiinis ako sa sobrang kakulitan niya tapos ang FC niya pa.
"Ayos naman." Sagot ko at nagsmile pero sa totoo lang nakakainis.
"Mabuti naman." Sabi ni mommy at ininom yung coffe niya.
Ininom ko nalang yung hot choco ko at kinain yung pancakes ko.
"Mom, dad i have to go na po." Humalik nako sa pisngi ni mommy and daddy.
"Sige, ingat ka anak ha."
"Opo." Pumunta na sa garage at sumakay sa kotse ko. Nauna kasing umalis si ate eh.
~•~•~•~•~
Nang makarating ako sa school ay agad akong nagpark at bumaba na. Napaaga ata ako ng konti kasi wala pang masyadong estudyante.
Nang makarating akong room ay i-ilan lang ang nandito mga lima lang siguro. Kaya nilapag ko na lang ang bag ko at umupo na sa upuan ko. Buti nalang wala pa yung asungot kong katabi pero nandito narin si Yasmine yung isang pang tranferee.
Si Claire naman wala pa din.
Arghh...i'm bored.Kinuha ko nalang ang phone ko at nagbasa ng wattpad.
Habang nagbabasa ako napapangiti ako kasi may part na nakakatawa at nakakakilig yung story na binabasa ko eh.
"Para kang tanga diyan na ngumingiti mag-isa, ano ba yan ha?"
"Ay, asong gala!" Eto naman kasing si Claire, eh bigla bigla na lang eeksena.
"I'm not asong gala duh. Sa ganda kong toh." Sabi ni Claire sabay irap pa. Hahaha sumumpong po yung pagkahangin ng bestfriend ko.
"Ang hangin mo talaga hahaha, kasi naman nakakagulat ka eh." Napatingin naman siya sakin tapos sa phone ko kaya napakunot yung noo ko. "bakit?"
"Ano yan ha? Bakit ka ngumingiti mag isa diyan?"
"Nagbabasa kasi ako ng story sa wattpad eh. Nainip ako. Nakakatawa kaya yung binabasa ko may part din na nakakakilig." Sagot ko at pinakita sa kanya yung phone ko.
"Ahhh yan lang pala. Nagbabasa rin ako niyan minsan, pag bored ako."
"Claire anong time na?" Tanong ko. Napatingin naman si Claire sa wrist watch niya.
"6:29 why?"
"Tara labas muna tayo 7:30 pa naman mag sisimula yung klase eh."
"Game!" Sabay na kaming tumayo ni Claire at lumabas ng classroom. Hindi na namin dadalhin mga bags namin kasi maglilibot lang kami sa school. Saka wala namang magnanakaw ng mga gamit dito noh.
BINABASA MO ANG
My Escort is a Campus Prince [Completed]
Teen FictionMia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen when they meet again? My Escort is a Campus Prince. Date started: November 29, 2016 Date ended: Marc...