A/N: Enjoy po 😊😊
Ate Coleen and Chrisshane on the multimedia :)Chrisshane's POV
"HOY!! Chrisshane gumising ka na nga!!!"
"Ate naman eh." Ungot ko sabay takip ng unan sa mukha ko.
Tinangal niya naman yung unan ko at tumabi sakin pagkatapos ay bumulong. "Gising ka na baby girl first day mo sa Dizon University diba?"
Napamulat naman ako at napatayo ng wala sa oras, ang bipolar ni ate ah.
"Ay oo nga pala. May pasok na ngayon."
"Sige hintayin nalang kita sa baba. Sabay na tayo tutal malapit lang naman yung eskwelahan ko sa inyo." Tumayo na ito at naglakad palabas ng pinto.
That's Coleen Torres, my older sister.
"Sige ate." Pahabol kong sabi at pumasok na sa banyo para maligo.
After 1234589421 years natapos narin akong maligo hahaha charot..... Katapos kong maligo ay nag ayos na ko ng sarili ko at bumaba na.
"Good morning, Mom, Dad and Ate." Bati ko pagkarating ng kitchen.
"Wow energetic ang baby girl ko." Daddy commented.
Humalik naman ako kay Daddy at Mommy sa pisngi tsaka umupo na sa pwesto ko.
"Syempre po first day ng school." Nakangiti kong saad.
"Kwento ka samin pagkadating mo ng school ah?"
"Yes, Mommy."
"Wait lang baby bakit wala yung silver hair clip mo?" Tanong ni mommy kaya napatingin ako sakanya at kinapa ang buhok ko.
"Mom wala nga. Wait lang po hahanapin ko lang sa kwarto ko." Tumayo ako at dumaretso sa kwarto ko. Hinalungkat ko ang buong kwarto ko pero wala eh kaya bumaba ulit ako at umupo sa upuan ko.
"Mom wala po." I said, pouting.
"Hayaan mo na baka nandyan lang yun o kaya naman nahulog mo dun sa party."
"Oo nga, mom"
"Oh kain ka na Shane papasok pa tayo." Si ate.
Tumango naman ako. "Okay."
---
"Bye ate see yah later." Paalam ko kay ate nang makarating na kami sa Dizon University.
"Ingat Mia Chrisshane Torres.
Wag makikipag away ah?" May pagbabanta pa sa tonong aniya."Yes po, Ate Coleen Torres." I imitate her.
"Osige na pasok na." Pagtataboy niya at nagwave pagkatapos ay umalis na.
"HOY!!"
"AY Palaka!!" Gulat kong sambit.
"Ayy grabe mukha ba kong palaka Shane?"
"Ikaw lang pala Claire. Nakakagulat ka naman eh." I glared at her pagkatapos ay inayos ko ang strap ng bag ko.
"Hay nako tara na nga pasok na tayo." Sabay hila niya sakin papasok.
Nagtungo agad kami sa bulletin board pero nasa hallway palang kami ay ang dami na nga ng mga estudyante.
Nang makarating kami sa may bulletin board ay konti lang yung tao.
"Hay buti nalang di masyadong maraming estudyante dito." Wika ko saka na kami lumapit sa bulletin board at hinanap ang mga pangalan namin.
"Oi, Claire. Magkaklase tayo.
Calss 3-Forever." Nakangiting nilingon ko siya.
BINABASA MO ANG
My Escort is a Campus Prince [Completed]
Teen FictionMia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen when they meet again? My Escort is a Campus Prince. Date started: November 29, 2016 Date ended: Marc...