Chapter 18: sing together

7.9K 217 1
                                    

Yasmine's POV

Nagising ako dahil sa alarm ng alarm clock ko

Pinatay ko naman yun at tumayo tsaka dumaretcho Sa banyo para maligo

Nang matapos akong maligo ay nagbihis ako at nag-ayos

Nang matapos na ko sa lahat ng routines ko ay bumaba na ko para mag-almusal

Binati ko si mama at kuya tsaka naupo at nagsimula ng kumain

*********

Nang maihatad ako ni kuya sa School agad na kong pumasok sa may gate at dun sinalubong ako ng mga Estudyanteng Nagkalat sa hallway

Pumasok na ko sa room kasi Malalate na ko, Di ako maagang nagising eh

nang makarating na ko sa room Sakto namang nagbell kaya naupo na ko sa tabi ni Gab

"Buti umabot ka sa Bell."-Gabriel

"Oo nga eh, di kasi ako maagang nagising eh napuyat ako kagabi kakareview."-Sambit ko

"Ang sipag mo talaga."-Gabriel

"Hindi naman talagang nagsisikap lang akong makatapos ng Pag-aaral na valedictoryan."-Sagot ko

"Yun na rin yun eh."-gabriel

"Ayyytt, yun na rin ba yun hahaha."-Sabi ko at tumawa pero napatigil ako ng mapansin kong nakatitig lang sakin si Gabriel

"B-bakit?"

"Wala."-Sabi niya at biglang umiwas ng tingin

"Teka nga lang bakit ang tagal ng Teacher natin?"-Pag-iiba ko ng topic

"Oo nga noh kanina pa nagbell pero wala parin siya."-sabi niya

Maya-maya nagbukas ang pinto at pumasok ang isang babae

"Pinapatawag po ni mrs.Manalo sa Office si Ms.Yasmine Gopez."-Sabi nung girl kaya napatayo ako

"Bakit daw?"-Tanong ko dun sa Girl nang Makalapit ako sakanya

"Ewan po nautusan lang."-Girl

"Ahh okay."-Sabi ko at Sumabay na sa girl palabas ng room at pumunta sa office

Nang makarating ako sa office ay kumatok ako sa Pinto at binuksan iyon

"Oh ikaw na pala yan Ms.Yasmine."-Mrs.manalo

"Pinapatawg niyo po daw ako?"-ako

"Ahh oo may gusto lang sana ako sabihin."-Mrs.manalo

"Ano po yun ma'am?"-Tanong ko

"Busy ako ngayon kaya di ako Makakaattend ng Class kaya May Free time kayo hanggang Lunch Pero may gagawin kayo, magpapatner ako by two boy and girl Magpaparactice kayo ng isang kanta yung magkakasundo kayo tapos Kapag nakapasok na ko ng afternoon class magpeperform na kayo."-Paliwanag ni ma'am

"Ma'am sino po yung mga magkakapatner?"-Tanong ko

"Heto."-Sabay abot ni ma'am sakin ng isang paper " Diyan nakasulat ang mga magkakapatner paliwanag mo na lang sakanila kung paano ang gagawin ha pagpasensiyahan mo na iha Marami kasi akong hinagawa eh."-Mrs.manalo

"okay lang po yun ma'am, pwede na po ba akong umalis?"-Ako

"O,sige makakaalis ka na."-Nakangiting sabi ni ma'am

Lumabas na ko ng office at dumaretcho sa room

Nang makapasok ako sa room ay pumunta ako sa harapan para magexplain sakanila at ngayon sinasabi ko na ang mga magkakapatners

My Escort is a Campus Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon