Yasmine POV
Pagkapasok ko sa Eskwela ay Dumaretcho agad ako sa Room
Pero Masakit yung ulo ko at Medyo nanghihina ako
Nang makapasok naman ako sa room ay nilapag ko na ang bag ko sa upuan ko at Napatingin sa buong classroom
Ako palang pala yung nandito haysss
Napatingin naman ako sa upuan ni Gab
"tssk! Sino ba kasi yung kausap mo sa phone eh Sana nagkakamali lang ako at tama si Shane kasi Hindi ko kaya eh."-sabi ko na parang kinakausap yung upuan ni Gab
Sweet at gentle naman sakin minsan si Gab nung mga nakaraang Buwan nga eh inaakbayan niya pa ko at Medyo ngumingiti siya sakin pero napansin ko simula nung November ay Bumalik siya sa pagiging Cold at hindi na siya umaakbay at ngumingiti sakin pero gentle man parin siya sakin
Ang kinaiinis ko ay Yung pagkagusto ko sakanya! Narealize ko lang na gusto ko na siya ay nung Naging cold ulit siya at nasasaktan ako sa naiisip ko na May iba siya gusto dahil nga dun sa kausap niya sa phone
"Hahaha ikaw talaga, Tssk! Alam mo bang ikaw lang nakakapagtawa sakin ng ganito ha!?"
Napatingin ako sa may pinto nang may marinig akong boses at hindi nga ako nagkakamali siya yun
Tinignan ko lang siya hanggang sa magtama ang paningin namin
'tssk! Kabwisit narinig ko pa yan!"
Naiinis na ko pero pinipigilan ko lang ang sarili ko
"Sige na Kat mamaya nalang ulit nandito na ko sa room eh."-Biglang seryosong sabi niya
Yan pa ang isang kinaiinisan ko! Cold siya samin pero sa kausap niya eh Tsssk! Ang saya-saya niya
"Good morning Yas."-Bati niya sakin pero tinanguan ko lang siya
Oo na, NagGo-good morning siya
Sakin Madalas yan at madalas ko rin siya binabati pabalik ngayon lang ang hindiHindi rin ako tumingin Sakanya pero ramdam kong umupo na siya sa upuan niya
"May problema ba Yas?"-Walang ganang tanong niya kaya naman napatingin ako sakanya pero iniwas ko rin ang tingin ko ng magtama ang paningin namin
"W-wala l-lalabas lang pala ako."-Sagot ko at Tumayo pero nagulat ako ng hawakan niya ko sa Kamay kaya gulat akong napatingin sakanya
"Saan ka pupunta?"-Malumay na tanong niya
"D-diyan lang kaya p--lease bitawan mo na ko."-Sagot ko at pilit na inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero Hinigpitan niya pa ang pagkakahawak kaya di ko naalis at napangiwi ako sa sakit
"A-aray! G-gab masakit."-Sabi ko at napapikit pa
"S-sorry Yasmine nagulat lang ako."-Sabi niya sabay bitaw sa kamay ko at dahil nga hinihila ko ang kamay ko ay napaupo ako sa sahig at tumama ang ulo ko sa upuan na nasa Harap ko
"Yasmine! Sorry! Sorry!"-Dinig kong sabi ni Gab
"h-hindi o-okay lang."-Sagot ko at tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng pagkahilo dahilan para Mapahiga ulit ako sa sahig at naging itim na ang paligid ko
BINABASA MO ANG
My Escort is a Campus Prince [Completed]
Novela JuvenilMia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen when they meet again? My Escort is a Campus Prince. Date started: November 29, 2016 Date ended: Marc...