~♥~Chrisshane's~♥~
"Pssst."
Kalabit.
"Pssst."
What the?!! Kanina pa ko kinukulit ng katabi ko.
Alam niyong bang linipat kami ng lugar. By two lang ha, boy and girl.
At kung minamalas ka nga naman katabi ko 'tong Justine na'to. Tapos si Claire katabi yung Kyle na pangalan.
And si Yasmine, katabi yung Gabriel.Ganito yung pwesto namin.
Classmate, classmate.
Ako, Justine.
Claire, Kyle.
Yasmine, Gabriel.
Gets niyo? Kung hindi, bahala kayo sa buhay niyo. Basta intindihin niyo, hahaha char lang.
"Oy, Shane." Tawag ng katabi ko.
Dahil sa inis ko hinarap ko na siya. "Bakit ba?"
"Alam mo bang ang panget mo?" Nakakaloko niyang sagot.
Pigilan niyo ko mapapatay ko 'tong asungot na 'to.
"Kung panget ako, eh ikaw? Mas panget ka pa nga sa alien." Sabay irap ko. Sasagot pa sana siya kaso lang naunahan siya ni ma'am.
"Mr. Dizon and Ms. Torres are you two fighting?"
"Ahh hindi po ma'am. Nagkukulitan nga po kami, oh." Sabi ko sabay pisil sa pisngi ni Justine. Dun ko binawi ang inis ko sakanya dahil pinanggigilan ko talaga siya.
"Okay." Sabi na lang ni ma'am at umupo na saka pinagpatuloy yung ginagawa niya sa desk niya.
"Aray!" Reklamo ng katabi ko kaya binitawan ko na ang pisngi niya. Kawawa naman sobrang pula na ng pisngi niya.
"Hehehe, sarap kagatin ng pisngi mo parang mansanas." Asar ko sakanya saka umiwas ng tingin.
Baka makagat ko pa yung pisngi niya eh. Hehehehe, ang puti niya kasi kaya pulang pula yung pisngi niya.
Hindi ako naiinggit kasi maputi din ako noh.
"Pinisil mo kasi yung pisngi ko kaya mukha akong mansanas. Dapat ikaw din para fair." Bigla niya akong iniharap sakanya at pinisil din ang pisngi ko.
"Aray, ouch!"
"Hahaha, yan fair na tayo. Mukha ka naring mansanas." He chuckled.
"Arggghhh, nakakainis ka."
Sakto namang nagring ang bell kaya automatic na napatayo ang mga kaklase ko at nagunahan lumabas. Grabe hindi man lang hinintay yung sasabihin ni ma'am.
"Ma'am pagpasensiyahan niyo na po sila." Sabi ko.
"Okay lang hija. Sanay naman ako sakanila." Nakangiting sagot ni ma'am.
"Sige po ma'am. See you tomorrow." Nakangiti ding sambit ko at inayos na ang mga gamit ko.
Lumapit naman sakin si Claire pagkatapos kong mag ayos ng mga gamit.
"Let's go na." Yaya niya.
"Sige." Kinuha ko na ang bag ko tsaka na kami lumabas ng room at nagtungo sa cafeteria.
Nang makarating kami ay agad na kaming nagpila at nagorder ng foods.
Nagorder lang ako ng chicken sandwich and cokefloat at isang sunday ice cream. Break time lang naman kasi eh.
Si Claire naman ay isang Tropicana juice and isang chicken sandwich din.
Nang matapos kaming mag order ay umupo na kami sa bakanteng upuan at kumain.
BINABASA MO ANG
My Escort is a Campus Prince [Completed]
Teen FictionMia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen when they meet again? My Escort is a Campus Prince. Date started: November 29, 2016 Date ended: Marc...