Yasmine POV
Pagkagising ko ay naligo agad ako at nag-ayos tsaka ako humarap sa tokador ko at nakangiting sinuot ang bracelet na bigay niya
Pagkatapos nun ay Agad akong bumaba para mag-almusal nadatnan ko naman sina kuya at mama sa dining area na kumakain
"Oh ano hindi ka na ba nilalagnat?"-Tanong ni mama ng makaupo ako sa Tabi ni kuya
"Hindi na po ma."-Sagot ko
"Mmm at kahit na di ka na nilalagnat ako na ang maghahatid sayo ngayon at susunduin kita mamayang uwian niyo."-Seryosong sabi ni kuya
"Kuya naman kaya ko."-Nakangusong sabi ko
"Hindi! hahatid at susunduin kita sa ayaw at gusto mo."-Kuya
"Tch.. Ano pang magagawa ko?"-Bulong ko
"May sinasabi ka?"-Tanong ni kuya kaya nilingon ko siya at nginitian ng pilit
"Ahh wala kuya ang Sabi ko Ang gwapo mo hehehehe."-pilit ang ngiting sabi ko
"Tss..bilisan mo na diyan ng maihatid na kita."
"Opo hehehe."
-------------------------
Chrisshane POVNang makababa ako sa kotse ni Justine ay nakita ko rin bumaba si yasmine sa kotse ni kuya mark Kaya pinuntahan ko sila
Hahaha pinilit sigurong ihatid ni kuya mark to kasi ayaw ni yasmine na hinahatid at sundo siya ng kuya niya eh
"Uy Shane hintayin mo ko!"-Dinig kong sabi ni justine pero hindi ko siya pinansin
"Hi kuya mark, Hi Yas Good morning sainyo."-nakangiting bati ko sakanila
"Hello, Good morning rin sayo Shane."-Sabi Naman ni kuya mark
"Good morning Shane."-bati naman ni Yasmine
"Sabi ko hintayin mo ko eh."
Napatingin kaming tatlo kay justine nang biglang sumulpot siya sa likod ko
"Ayyy hehehe Hello po kuya mark."-Parang napapahiyang sabi pa ni justine
"Hi, Nga pala Aalis na ko ha? Baka malate pa ko."-Sabi ni kuya mark
"Geh kuya ingat."-Sabi naman ni Yasmine
"Shane, Justine una na ko."-Sabi pa samin ni kuya mark tinanguan naman namin siya ni justine kaya pumasok na siya sa kotse niya at tinanguan kami
Pinanood pa namin siyang makaalis bago kaming pumasok sa gate ng Dizon university
"Yas maaga pa naman diba?"-Tanong ko kay Yasmine
"Mm, may 1 hour pa tayo bago magstart ang klase."
"Okay, pwede ka bang makausap yung tayong dalawa lang?"-Tanong ko
"Geh."
"Ahh justine mag-uusap lang kami ni yasmine ha? Una ka na sa room."-Baling ko kay justine
"Ahhh sige bye."-Sabi niya at naunang maglakad samin
"Saan tayo mag-uusap?"-Tanong ni Yasmine
"Tara Sa garden tayo."-Sabi ko at hinila siya papunta sa garden tsaka kami naupo sa isa sa mga bench doon
Naupo kami dun at hindi muna nagsalita ang tahimik namin kaya napatingin ako sakanya
O___O????
Nakatingin siya sa kamay niya at nilalaro-laro ang Bracelet dun
Aba? Ngayon ko lang nakita iyang bracelet na yan ha? Ngayon ko lang nakitang sinuot ni Yasmine
"A-ahh Yas."
"Mmm?"-Tanong niya at tumingin sakin
"A-ano may tatanong ako."-Sabi ko
"Ano yun?"-Tanong niya
"Sigurado ka bang gusto ni Gab yung kausap niya sa phone? Kasi malay mo ano Mama niya yun or kapatid ganun?"-Sabi ko at bigla naman siyang sumeryoso
"Sa tingin ko Hindi niya naman mama yun at mas lalong hindi niya kapatid dahil only Child si Gab tsaka kahapon Bago ako Mahimatay narinig ko pa siyang kausap yun nung pumasok siya sa room at Rinig kong tinawag niyang Kat yun."-Seryosong sabi niya
"Ahhh ganun ba."-Sabi ko nalang
Hindi ko na Sinabi sakanya yung mga nalaman ko kahapon kay justine baka kasi mas lalo siyang masaktan ehBaka kapag sinabi ko, Ang sasabihin niya ay 'dapat pala talaga iwasan ko na yung nararamdaman ko kasi may hinihintay pala siya'
At Mas worst kung sasabihan niya pang tanga ang sarili niya
"Sana makita ko na ulit si RonRon."-Biglang sabi niya kaya naman gulat akong napatingin sakanya at ayun nanaman siya nakatingin siya sa Bracelet niya
"Huh? Sinong ronron?"-Takang tanong ko Tumingin naman siya sakin at ngumiti
"Si aaron, RonRon ang tawag ko sakanya at Min naman ang tawag niya sakin."-nakangiting Sabi niya at tumingin nanaman sa bracelet niya
Sinong aaron? Seryoso anong meron sa Bracelet niya?
"Won't You mind if i ask who is Aaron?"-Takang tanong ko pero nakatingin parin siya sa bracelet niya at maya-maya ay ngumiti siya ng hindi inaalis ang tingin sa Bracelet niya
"Aaron, Si Aaron Yung kababata ko na iniwan ko Dahil lumipat kami ng bahay. Madalas kasama ko Si Aaron noon Lagi niya kong linilibot Sa buong Subdivison namin at Kapag malungkot ako Siya yung Nagiging Clown ko para mapangiti ako."-Kwento niya at Biglang Tumingala Sa langit Di ako nagsalita At hinayaan ko lang siya
"Tuwing kasama ko siya Ang saya-saya ko palagi at feeling ko Kumpleto na ang araw ko, May kasama pa nga siyang dalawang lalaki eh kaso lang di ko sila kilala pero sa tingin ko kaibigan niya sila Ang natatandaan ko lang tinatawag ni Ronron na TINTIN yung isa sa kanila hahaha ang wierd ng nga pangalan nila pero Sa kabila ng pagiging masiyahin ko nun isang araw umuwi ako at nalaman ko nalang na lilipat na kami ng bahay, Sobrang lungkot ko nun kaya pinuntahan ko si Ronron At sinabi ko Sakanyang lilipat na kami at Siyempre naging malungkot rin siya."-Pagpapatuloy niya at nagulat naman ako ng tumingin siya sakin at Lumuluha na siya pero nginitian niya ko at tumingin ulit dun sa Bracelet niya
"At hetong bracelet na to?"-Sabi niya at pinunasan saglit ang luha niya at nagpatuloy
"A-alam mo bang siya ang nagbigay neto? bago kami tuluyang umalis ay binigay niya sakin to, natawa nga ako nun kasi malaki pa sakin etong bracelet Pero nung lumipat kami di ko alam kung saan ko siya nalagay kaya yun hinanap ko eto ng hinanap hanggang Sa hindi ko talaga makita at huminto sa paghahanap hanggang sa makalimutan ko na yung bracelet buti nalang naglinis ng bodega si mama kahapon at nahanap niya to sa mga bag na ginamit namin dati nung lumipat kami at nung tinanong niya kung sakin ba daw to at nung makita ko yun parang bumalik lahat nung bata pa ko at nalala ko si ronron And After 6 years na hinanap ko to sa wakas nakita ko na rin."-Sabi niya habang pinipigilan ang paghikbi"Yan lang ba yung binigay niya sayo bilang memory? Wala bang picture ganun?"-Yan nalang ang nasabi ko dahil di ko alam kung anong sasabihin
"Ang alam ko may picture kaming magkasama nung bata kami Tig-isa pa nga kami eh kaso lang di ko rin matandaan kong saan ko nilagay at buti pinaalala mo hehehe nakalimutan ko rin kasi di bale mamaya Hahanapin ko at tatanong kay mama."-Nakangiting sabi niya at pinunasan ang mga luha niya
"Yas okay ka na niyan?"-Tanong ko
"Oo okay na ko tara na baka malate pa tayo."-Sabi niya at tumayo
"Pasensya na ha? Wala kasi akong masabi nakakagulat yung kwento mo eh hehehe."-Sabi ko at tumayo narin
"Okay lang tara na."-Sabi niya at hinila na ako papunta Sa Quadrangle
BINABASA MO ANG
My Escort is a Campus Prince [Completed]
Fiksi RemajaMia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen when they meet again? My Escort is a Campus Prince. Date started: November 29, 2016 Date ended: Marc...