Chapter 38: Memories

5.4K 172 2
                                    

Gabriel POV

"Oh Gab, Nasaan na yung papakilala mo Samin?"-Bungad ni Justine Sakin ng makapasok ako sa Room

Nagulat pa ko ng makitang siya palang ang nasa room at ang aga niya

"Ahh, Mamaya nalang Yayain ko kayong mag dinner. Ang aga mo Yata? Tsaka di mo kasama si Shane?"-Sabi ko at naupo sa upuan ko at napatingin sa upuan ni Yasmine Dahil wala pa yung bag niya

"Kasama ko Siya, Pagkababa palang nga niya ng kotse ay biglang tumakbo papalapit kina Yasmine at kuya mark."-justine

"Oh, Eh bakit ikaw lang mag-isa dito nasaan na sila?"-Takang tanong ko

"Ayun na nga eh, pinauna na nila ako dahil mag-uusap muna daw sila. Ang weird na ng dalawang yun tapos nung minsan ang daming tinanong ni Shane Tungkol Sa.... "-di niya Tinuloy yung sasabihin niya at parang napaisip pa

"Tungkol sa?"-Tanong ko

"Tungkol sa..... Iba't-ibang bagay hehehehe."-Parang naiilang na sagot niya

"Ahhh....."-Nasagot ko nalang

"Gab."-Biglang tawag ni justine sakin kaya napalingon ako sakanya

"Oh?"

"Naalala mo ba nung bata pa tayo? Ronron ang tawag namin sayo nun at Tintin naman ang tawag niyo sakin."-Biglang sabi niya at inalala ko naman nung mga bata kami

"Oo nga noh hahaha tapos...."-Di ko na natuloy ang sasabihin ko ng maalala ko siya

"Naalala mo ba siya?"-Tanong ni Justine

"Hahaha Oo eh, Kamusta na kaya siya?"-Sabi ko

"Mmm, natatandaan mo pa ba kung anong pangalan niya?"-justine

"Oo, Min Ang tawag ko Sakanya."-Sagot ko

"Eh yung pangalan niya talaga?"-Tanong ulit ni justine

"Ang alam ko Yasmine."-Sagot ko

"Yasmine?"

"Mmm."

"Hahaha kapangalan pa talaga siya ni Yasmine eh noh?"-Sabi niya at napatingin ulit ako Sakanya

"Oo nga noh."-Sabi ko

"Hindi kaya Iisa lang sila?"-Biglang tanong niya kaya napa-isip ako

'pwede nga kayang iisa sila? Hindi rin eh, hindi porque magkapangalan sila ay Iisa lang sila Tsaka kung Siya talaga yun bakit Wala yung bracelet na bigay ko?'

"Hindi rin eh kasi kung si Yasmine yun bakit wala siyang suot na bracelet na bigay ko noon?"-Sabi ko

"May binigay ka naman bang Bagay na makakapag-paalala na siya yun?"-justine

"Yun nga yung bracelet at alam ko may picture kaming dalawa at tig-isa kami nun."-Sagot ko

"Dre maraming bracelet sa mundo at maraming magkakapareho, Malay mo kapag may nakita kang babaeng ganun yung bracelet eh Kapareho lang?"-Justine

"Hindi rin. may palatandaan yun kasi may maliit na puso yun sa gitna at nakasulat yung pangalan ko at pangalan niya dun tsaka may konti pang nakasulat."-Sagot ko

"Ahhh Okay, Sabi mo eh."-Sagot niya

Tinuloy lang namin ang pagkwekwentuhan hanggang sa dumating na lahat ng mga kaklase namin pero wala pa sila Yasmine at Shane

"Nasaan na yung dalawang yun? Ang tagal naman nila MagTitime na eh."-Dinig kong sabi ni Clare

"Siguro madami lang silang pinag-usapan."-Sabi naman ni kyle at Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok sina Shane at Yasmine

O___O??? Bakit namumula yung mata tsaka ilong ni Yasmine? Para tuloy siyang umiyak pero nung pumasok sila nagtatawanan naman sila

"Yas hanapin mo yung picture ha? Ng makita ko ang itchura mo noong bata ka pati narin yung Sinasabi mong kababata mo."-Sabi ni Shane kay Yasmine ng makaupo sila

"Oo naman Baka bukas ay maipakita ko na sayo at gusto ko naring ulit makita yung mukha nung Cute na cute na kababata ko noong bata pa kami pero ano na kayang itchura niya ngayon noh? Cute parin ba kaya siya O gwapo na? Hahahaha."-Sagot ni Yasmine Kay Shane

'kababata?'

"Uy ano yan ha? May hindi ba kayo sinasabi? Ang daya niyo!"-Sabat ni Clare

"Hahaha mamaya Clare ikukwento ko sayo."-Sagot ni Yasmine

"Oh sige, sabi mo yan ha?"-Clare

"Oo naman hahaha, Oh ano na Shane Cute parin ba kaya siya o gwapo na? Hahaha."-Yasmine

"Hahaha malamang gwapo na yun, Wag kang mag-alala Yas makikita mo rin ulit siya."-Sagot ni Shane

"Sana nga."-Biglang malungkot na Sabi ni Yasmine kaya napatingin ako Sakanya

Magsasalita na sana ako ng biglang dumating yung teacher namin kaya natahimik na lang ako kahit na madaming tanong sa isip ko

==========
A/N: Napapadalas UD ko noh? Hehehe siyempre nasa mood ako eh

Sana magpatuloy pa yan hahahaha

My Escort is a Campus Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon