Chrisshane POV
Naimulat ko ang mga mata ko at napatingin sa paligid
Napatayo ako at Namangha sa nakita ko
"Ang ganda! Parang paraiso."-Namamanghang sabi ko
May dumaan na Paru-paro at dahil sa ganda nun ay Sinundan ko
Tumuwid kami ng tulay at may nalampasan kaming waterfalls
Di ko maiwasang mamangha sa mga nakikita ko
Tumigil yung Paru-paro kaya napatigil ako
Sa di kalayuan may nakita akong nakatalikod na babae kaya nilapitan ko
"Ahhh hello po."-Sabi ko ng makalapit ako, humarap naman sakin yung babae
"Lola!?"-Gulat na tanong ko, Oo tama ang nabasa niyo lola ko ang nakita ko at pumanaw na siya
"Ako nga apo."-nakangiting sabi ni lola
"Ibigsabihin po....."-Sabi ko at napatingin sa suot ko tsaka ngayon ko lang narealize na nakawhite dress ako
Tapos tumingin ulit ako kay lola na nakangiti"Patay na ko!?"-Gulat na tanong ko
"Nasaiyo ang desisyon na yan apo, kung gusto mo nang sumama sakin hawakan mo lang ang kamay ko at kung ayaw mo naman Sabihin mo lang."-Sabi ni lola at inilahad niya sakin ang kamay niya
Gusto ko na bang sumama kay lola o Gusto ko pang bumalik kina mommy?
Hayyy, Aabot ko na sana kay lola ang kamay ko ng marinig ko ang mga boses nila
******************
Justine POV1 Month Later........
Hayyy Halos 1 month narin ang nakalipas pero hindi parin nagigising si Shane Malapit na ang valentines day eh
Lagi ako nandito nagbabantay rin kay Shane nandito rin ang parents at ate niya
Ngayong araw Completo kami dito sa Hospital dahil birthday pala ni Shane ngayon
February 6 na ngayon eh
"Kantahan nanatin si Shane dali."-Sabi ng mommy niya habang sinisindi ang kandila dun sa Cake na hawak niya
"Happy birthday to you! Happy birtday to you! Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you!"-Kanta namin sakanya
"Oh Shane si mommy na ang magwiwish para sayo ha?"-sabi tita
"Anak Sana magising ka na, Miss na miss ka na namin, Yung kakulitan mo, yung mga magagandang ngiti mo Gusto nanamin ulit makita. Anak gumising ka na oh para may kasama na si mommy sa pagbabake. Sabi mo daw matutulog ka lang saglit pero bakit hindi ka pa nagigising?
Anak MagSwiwiming pa tayo sa Palawan diba? Kaya gumising ka na miss ka na ni mommy eh."-Sabi ni tita at Tuluyan na siyang umiyakSi tito na ang naghipan nung kandila dahil Naging emotional na si tita
"Mommy naman eh wag na kayong umiyak."
Napatingin kami sa nagsalita
Si Shane gising na siya!
"Shane!"-Sigaw ni tita at dali-daling niyakap si Shane
"Mommy."-Sabi ni Shane
Nagkatinginan nalang kaming anim at napangiti
Buti gising na siya
"Alam niyo mommy kung di ko lang narinig yung boses niyo baka sumama na ko kay lola ngayon."-Sabi ni Shane
"Si lola mo? Buti nalang di ka sumama anak! Kung sumama ka di kakayanin ni mommy."-Naluluhang sabi ni tita
BINABASA MO ANG
My Escort is a Campus Prince [Completed]
Teen FictionMia Chrisshane Torres met Justine Dizon on a birthday party before the school year starts. Their first meeting didn't go well. So what will happen when they meet again? My Escort is a Campus Prince. Date started: November 29, 2016 Date ended: Marc...