Ang mukha mo
Ay nakatahi na sa aking balat
Ako ay isang pangako
Na naghahanap ng bibig na mapupunan
Ikaw ba'y nasaan?Binibilang ko ang nga araw at gabi
Na napipilas sa aking kwento
Ikaw ay wala pa rin
Nauuhaw na ang aking mga mata
Ang mukha mo
Ang nais ko
Ang pintig ng aking lamanIkaw,ang mukha mo
Na parang isang multo
Na nagsusumiksik sa aking mundo
Alam kong di ka nababagay dito
At tuluyan kang maglalaho
Ngunit di ko mapigilan
Sa bawat kong paghinga
Ang aking hanap
Ikaw,at ang mukha mo

YOU ARE READING
Love/Heartache Poems
PoetryShort Poems about the feelings of being in love.. ^-^ the highs and lows of being in love