Kinabukasan maaga akong nagising dahil siguro agad akong dinalaw ng antok kagabi ng dahil na rin sa pagod kakaiyak at kakaisip kay Alex. Bumangon na ako para mag asikaso upang pumasok sa trabaho.
Alas syiete y medya ng matapos ako. Kinuha ko ang bag ko at cellphone sa ibabaw ng study table at nagsimulang lumabas ng kwarto. Matapos ko ilock ang pintuan ng apartment na inuupahan ko nakatawag ng aking pansin ang mga ginang na nagkukwentuhan habang naglalakad ako hindi maiwasan na marinig ang kanilang napagkukwentuhan.
"Buti na lang at pinalad sya na mabigyan ng magandang trabaho bilang tagapamahala ng hacienda. sabi ng isang ginang"
"Tama ka dyan ! Salamat at makakaahon na din kami sa kahirapan. sagot ng kausap ng ginang"
"Paano naman ang kasintahan ng anak mong si Alex? sunod na tanong ng ginang na nagbigay kaba sa aking puso"
"Buti nga at nalayo na ang anak ko dun sa babaeng yun, walang asenso pag ayun ang nakatuluyan nya ang alam ko'y hanggang ngyon nagbabayad pa din yun ng utang ng ama nyang sugarol. sagot ng ginang na labis kong ikinagulat na nanay pala ni Alex ang nagsasalita"
Lingid sa kaalaman ng dalawang ginang na narinig ko ang usapan nilang dalawa.Nag patay malisya na lang akong dumaan sa kanilang harapan na bumati at ngumiti ng pilit kahit ang totoo ay nasaktan ako sa mga narinig mula sa nanay ni Alex
"Magandang Umaga po Tita Sandra at Aling Sita. bati ko sa dalawang ginang"
"Magandang Umaga din iha. Papasok ka na ba? Mag ingat ka palagi ha at ibinilin ka sakin ni Alex.Kung may oras kay dumalaw ka sa bahay at ipagluluto kita. sagot ni Tita Sandra"
"Asahan nyo po Tita Sandra kapag may libre po kong oras dadaan po ko sa bahay nyo. Kailangan ko na pong umalis baka po matraffic ako sa daan. sagot ko kay Tita Sandra sabay ngiti ng pilit"
"Sige iha mag iingat ka ! sagot ni Tita Sandra"
Naglakad na ako palabas ng gate at sumakay ng tricycle papuntang sakayan ng dyip. 3Ominutes lang ang byahe ko kapag walang traffic ngunit hindi ako pinalad at naabutan ako ng rush hour. Habang nasa dyip parang sirang plaka sa utak ko ang mga narinig ko na salita galing sa nanay ni Alex lingid sa kaalaman ni Alex na hindi boto sa akin ang kanyang ina.Dahil kapag kaharap si Alex o ibang tao'y giliw na giliw sakin si Tita Sandra ngunit pag mag-isa na lang ako ay sinasabihan nya akong hiwalayan at layuan na si Alex.
Natapos ang aking gunita ng mapansing malapit na ko sa pinagtatrabahuhan kong restaurant. Pumara ako sa tabi at bumaba sakto lang sa oras ng makapasok ako sa restaurant.Magiliw akong binati ng aking mga katrabaho at ganun din ang aking pag tugon.Dumiretso ako sa locker tinignan ko saglit ang cellphone ko nang malaman kong walang text mula kay Alex ay ibinalik ko na ulit ito sa bag at nagpalit na ng uniporme at nagsimula ng magtrabaho.
Lumipas ang oras at natapos na ang shift ko. Nag ayos na ako para umuwi nang biglang tumunog ang cellphone ko.
(Whoops kiri whoops kiri whoops every time i see you) call ringtone ko.cute diba
Kinuha ko ito sa loob ng bag at nasabik ako ng makita sa phone screen kung sino tumatawag.
Calling......
Love_AlexDali-dali ko itong sinagot kahit na isang araw palang ang nakakalipas miss na miss ko na sya.
"Hello love ! bungad ko"
"Hi love kamusta ka na? Pauwi ka na ba mag ingat ka sa pag uwi mo huh. Miss na kita agad love gusto na kitang makita, mayakap at mahagkan.sabi ni Alex sa kabilang linya"
Sasagot pa lang sana ako ng bigla akong may narinig na boses ng babae na tumatawag kay Alex sa kabilang linya.
(Hey! Alex ano pang ginagawa mo dyan tara sabay na tayong kumain ng dinner.)
Nakaramdam ako bigla ng selos dun sa babaeng kasama nya ngyon.
"Hello love andyan ka pa ba tatawag na lang ako ulit pag hindi masyadong busy sa trabaho huh.sabi ni Alex"
"Sige love. ma---. toot toot toot hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng ibinaba na pala nya ang tawag.
Labis akong nagdamdam kay Alex dahil binaba nya agad ng hindi pa ko tapos magsalita.Nagpasya akong umuwi na at matulog na lang agad pagdating ng apartment baka sakali bukas paggising ko malimutan ko na ang lahat ng nangyari sa akin sa buong maghapon.
BINABASA MO ANG
Relationship Betrayal
Fiksi UmumNaranasan mo na bang pumasok sa isang relasyon kung saan ikaw ang talo? Ikaw ang palaging umuunawa? At sa paningin ng iba ikaw ang masama, ikaw ang mali at ikaw ang pang gulo. Hanggang kailan mo kayang lumaban at ipaglaban ang para sa'yo?