(fast forward)
2months laterSofie's POV
Limang buwan na ang tiyan ko. Kakagaling ko lang ng ospital para magpacheck up nang tumawag sa akin si Alex. Nag usap kami at sinabi ko na din ang tungkol sa anak naming pinagbubuntis ko at ipinaliwanag ko na nag antay lang ako ng tyempo para sabihin sa kanya pag tinawagan nya na ako, natuwa sya pero bakas sa boses nya na merong gumugulo sa isip nya pero alam ko sigurado ako na iba un at hindi iyon tungkol sa pagbubuntis ko at sa magiging anak namin dahil alam nya sa puso't isip nya na sya ang ama ng dinadala ko.
"Love kailangan ko na ibaba ito tatawagan kita ulit mamaya pagkatapos ng trabaho ko. Alagaan mo mabuti ang sarili mo at ang baby natin huh mahal na mahal ko kayo yan ang lagi mo tatandaan.Balitaan mo ako kapag nagpaultrsound ka na. Bilin sa akin ni Alex bago nya ibaba ang tawag.
Alam na din ng nanay ni Alex na ipinagbubuntis ko ang anak namin ni Alex bago ko pa sabihin kay Alex. Nung una nadismaya ito dahil akala nya siguro ay makikihati ako sa padala na pera ng anak nya pero sinabihan ko ito na may naipon ako na pera para sa pagbubuntis ko at hindi ko kailangang makihati dahil kahit papaano'y kaya ko pa makapagtrabaho para sa pang gastos ko. Hindi sya nagduda sa akin dahil alam nya daw na kay Alex itong ipinagbubuntis ko kase kahit hindi nya daw ako gusto ay alam nya na hindi ako magloloko dahil kilala nya ang ugali ko simula pa ng pagkabata ko at tanggap na tanggap nya daw ang magiging apo nya ngunit hindi daw nangangahulugan pati ako'y tanggap nya na din.Minsan pa nga'y dinadalhan ako ng lutong ulam na may sabaw mainam daw yun upang magkagatas daw ako at hindi na daw ako gumastos pa para sa gatas. Ramdam ko ang pag aalaga nya sa akin at sa anak ko kahit hindi nya ako tanggap para kay Alex nagpapasalamat na din ako dahil hindi nya ako pinapabayaan.
Alex's POV
Tinawagan ko si Sofie dahil miss na miss ko na sya laking tuwa ng ibalita nya sa akin na limang buwan na nyang pinagbubuntis ang anak namin walang agam agam na akin un dahil alam kong ako lang ang tanging lalaki sa buhay nya. Nagiguilty nga ako dahil wala ako dun para alagaan sya pero sabi nya sa akin ay naiintindihan nya ako gusto ko na syang makasama sila ng magiging anak namin. Kailangana ko nang tapusin ang ugnayan namin ni Andrea nang makabalik na ako sa piling ng babaeng pinakamamahal ko at sa magiging anak namin.
Nautusan ako na manguna sa pag rerenovate ng hacienda del Lucita at si Andrea naman ang namamahala dun kami namamalagi at sa dalawang buwan ay palaging may nangyayari sa aming dalawa minsa'y palagi syang pumupunta sa kwarto ko o minsan habang nasa kusina ako'y bigla bigla nya akong hahalikan at sa pagses*x kami nahahantong palibhasa'y kami lang ang nakakapasok sa mansyon kaya't malaya kaming gumalaw kahit saan kami abutin.
Hindi ko maitatanggi na maligaya ako sa ginagawa namin ngunit yun lang yun dahil wala akong nararamdaman para sa kanya alam ko'y nahuhulog na ang loob sakin ni Andrea pero hindi ko talaga kaya syang mahalin dahil si Sofie lang ang tinitibok ng puso ko sya lang at wala ng iba pa."Ma'am Andrea. tawag ko sa kanya ng makita ko syang nakatayo at nagmamasid masid sa mga trabahador. Lumingon ito sa akin at sumagot na bakit at sabi ko lang ay nasa telepono ang kanyang daddy upang pumasok ito sa loob ng mansyon at makausap ko sya ng personal ng kami lang dalawa.
" Alex akala ko ba'y nasa telepono si daddy at gusto ako makausap hmmm gusto mo ba ulit akong masolo ikaw huh diba nakailan tayo bago bumangon kanina bitin ka pa ba? mapang akit nyang sabi sa akin
"Nagkakamali ka gusto lang kita makausap dahil gusto ko ng tapusin kung ano mang meron sa atin, tatapusin ko lang ang trabaho ko dito sa hacienda del Lucita at uuwi na ako sa Manila dahil gusto ko na makasama si Sofie at ang magiging anak namin. pagpapaliwanag ko sa kanya
" Hindi ako papayag Alex akin ka akin ka lang. Anong sabi mo magiging anak sigurado ka bang sayo un bakit ngayon nya lang sinabi sayo hindi ka man lang nagtaka !! pasigaw na tugon ni Andrea sa akin
"Alam kong sa akin un dahil bago ako pumunta dito'y naangkin ko na sya at kilala ko sya alam kong ako lang ang tanging lalaki sa buhay nya at hindi sya ganung babae. pakikipagtalo ko kay Andrea
" Anong ibig mong sabihin na hindi sya ganung babae at ako anong klaseng babae huh Alex. How dare you pagkatapos mong magpakasarap sa akin ganyan mo na ako tignan na parang ang baba baba kong babae. mangiyak ngiyak na sabi ni Andrea sa akin
"Baka nakalimutan mo ikaw ang nagbigay ng motibo lalaki lang ako Andrea kaya hindi mo ako masisisi. Hindi na mababago ang desisyon ko pag natapos na ang trabaho dito sa del Lucita ay aalis na ako uuwi na ako ng Maynila kay Sofie sa babaeng mahal ko at magiging ina ng anak ko. paninindigan ko kay Andrea sabay talikod sa kanya ayoko sya makitang umiiyak kahit paano'y may pinagsamahan din kami kahit pa sabihin tawag lang ng laman iyon.
" Buntis din ako Alex. umiiyak na sabi ni Andrea
Lumingon ako sa kanya na may galit sa mata kung kanina'y awa ang nararamdaman ko ngayon nag aalab ako sa galit sa mga salitang binitiwan nya.
"Desperada ka na ba Andrea para sabihin na buntis ka nakakatawa ka. galit kong tugon sa kanya
" Dalawang buwan na akong hindi dinadatnan Alex wala tayong proteksyon sa tuwing gagawin natin yun malamang may mabubuo tayo. Sino ngayon sa atin ang nakakatawa Alex. sarkastikong sagot ni Andrea sa akin
Nagulat kaming dalawa ng may biglang bumukas pabalibag sa pintuan ng mansyon at kinabigla namin ng iluwa ng pintuan ang daddy ni Andrea na nagpupuyos sa galit. Lumapit ito sa akin at sinuntok ako sa mukha sa sobrang lakas nito ay napadugo ang labi ko. Dali.dalian naman akong lalapitan ni Andrea pero pinigilan sya ng mommy nya. Nilapitan ako ng mga tauhan ng daddy nya binitbit ako sa magkabilang braso at inilapit sa daddy ni Andrea.
" Hindi ko alam na kakagatin pala ako ng sarili kong alaga pinakain kita sa palad ko pero kinagat mo pa din ako. Sa ayaw at sa gusto mo papanagutan mo si Andrea wala akong pakialam kung mahal nyo o hindi ang isa't isa pakasalan mo ang anak ko sa lalong madaling panahon yan ang utos ko sayo. galit na galit na sabi ng daddy ni Andrea at binigyan pa ako ng isang suntok sa sikmura Iniwan nila ako dun na nakahiga sa sahig habang si Andrea ay umiiyak habang hila hila ng mommy nya palabas ng mansyon ng mga Reyes.
Ilang araw ang nakalipas ay sapilitan kong pinakasalan si Andrea sa west walang handaang naganap dahil ayaw ng mga magulang ni Andrea na pag usapan dahil nabuntis sya ng isang trabahador nila. Dahil dito laking magsisisi ko sa mga nagawa ko kay Sofie at sa magiging anak namin. Paano na ang gagawin ko ?

BINABASA MO ANG
Relationship Betrayal
General FictionNaranasan mo na bang pumasok sa isang relasyon kung saan ikaw ang talo? Ikaw ang palaging umuunawa? At sa paningin ng iba ikaw ang masama, ikaw ang mali at ikaw ang pang gulo. Hanggang kailan mo kayang lumaban at ipaglaban ang para sa'yo?