Chapter 3

31 0 0
                                        

Alex's POV

"Sige love. ma---.naputol na wika ni Sofie ng hindi ko sinasadyang mapindot ang end call button dahil sa gulat ng biglang hipan ang batok ko ng anak ng amo ko.

"Ma'am Andrea, bakit mo po ginawa yun? Sa gulat ko po naibaba ko ng hindi sadya ang tawag ko sa girlfriend ko. reklamo ko sa amo kong dalaga"

"Hahaha ! Ikaw kasi hindi mo ko pinapansin eh kaya un ang ginawa ko. sagot ni ma'am Andrea"

Nabigla ako ng magkalapit na pala ang aming mga mukha.Sa taranta ko na baka may makakita sa amin ng amo ko nawalan ako ng balanse sa pagkakaupo at nahulog ako sa sahig na ikinadamay naman ni Ma'am Andrea, bumagsak sya sa ibabaw ko. Ilang minuto kaming nagkatitigan at hindi ko naiwasang mapalunok ng maradaman ko ang kanyang pagkababaeng nakapatong sa ibabaw ng aking pagkalalaki kahit may suot na damit ramdam ko na may unti-unting nagkakabuhay sa posisyon bigla akong natauhan at inalalayan syang tumayo ng sa ganoon makaalis sya sa ibabaw ko.Nang nakatayo na kami parehas ay nagpaalam na ako na babalik sa barracks upang makapagpahinga at para tawagin ulit si Sofie para makapagpaliwanag sa biglaan kong pagputol ng tawag sa kanya.

(The number you dialled is either unattended or out of coverage area.Please try your call later)

Yun ang tanging sumasagot sakin ng paulit.ulit kong tinatawagan ang number ni Sofie.

Sofie's POV

Nagdadaan ang araw. Isang buwan mula nun hindi pa ulit tumatawag sakin si Alex. Siguro'y busy sa trabaho nya. At ako eto nagpapakabusy na din para walang panahon para magmukmok ako at isipin sya.

Kasalukuyan akong nasa trabaho ng makaramdam ng pagkahilo sandali akong umupo ngunit tuluyan na akong nawalan ng malay.

Nagising ako sa isang kwarto na puti ang kulay wala akong ideya ano ang mga nangyari ng mawalan ako ng malay.

"Juicolored, buti naman at nagkamalay ka na natakot kami ng makita ka namin sa kusina na walang malay. bungad ni Lita kasamahan at matalik kong kaibigan sa trabaho ng makitang nakamulat na ako"

"Gaano na ba ako katagal dito? tanong ko"

"Mga tatlong oras na.Saglit lang at tatawag ako ng nurse o doktor para malaman nilang gising ka na. sagot naman agad ni Lita"

Bigla akong nakaramdam ng kaba na baka may sakit na ako kaya ako nahilo at nahimatay. Paano na ko sino mag aalaga sakin? Mag isa lang ako sa buhay at malayo ang tinuturing kong kasama sa buhay. Naputol ang mga tanong sa isip ko ng bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Lita kasama ang doctor.

"Mabuti naman at nagising ka na Ms.Buenaventura. May nararamdaman ka ba sa mga oras na ito. tanong ng doktor"

Tanging iling lang ang naging sagot ko.

"Ano ho ba dok ang nangyari sa kaibigan ko? May sakit ba sya? Malala na ho ba? pag usisa ni Lita."

"Wala naman. Normal lang ang nangyari sakanya ayon sa resulta ng mga test na ginawa namin sa kanya ay nalaman namin na 2months pregnant na ang kaibigan mo. sagot ng doktor sa mga tanong ni Lita"

Nanatili akong tahimik at nag iisip paano akong nabuntis gayong isang beses lang namin ginawa ni Alex un at hindi na nasundan.

"Ganon ho ba dok. Maraming salamat po meron ho ba syang dapat inumin na vitamins para sa baby nya. tanong ni Lita naunawan nya siguro na wala akong balak mag usisa"

"Bibigyan ko sya ng reseta ng mga vitamins para maging healthy ang pagbubuntis nya at kailangan uminom na sya ng gatas at kumaim ng mga masusustansyang pagkain. bilin ng doktor"

"Sige ho maraming salamat sisiguraduhin ko pong gagawin nya ung mga bilin nyo. sagot ni Lita sa doktor"

"Eto ang reseta ng vitamins nya.Kung kaya nya na lumakad at hindi na nahihilo pwde na syang makauwi. dagdag pa ng doktor"

"Oh sya alam ko naman na wala ka pang balak na magkwento sa mga nangyayari sayo ngyon. Teka bibilhin ko muna to sa botika at babayaran ko na din ung bills nang makauwi na tayo. sabi ni Lita"

Tama naman sya wala naman talaga akong balak magkwento kahit kanino sa ngayon gusto ko munang makauwi nang magkapagpahinga at mapag isa.

Nang makabalik si Lita ay nakaupo na ako sa gilid ng kama at nagyaya na akong umuwi inalalayan nya ako palabas ng ospital.

Makalipas ang isang oras nakarating na kami sa tapat ng gate ng apartment. Sinabihan ko si Lita na hwag na bumaba at kaya ko na ang sarili ko hindi na sya tumutol kaya bumaba na ako sa taxi. Deretso kong tinungo ang kwarto ko humiga sa kama gusto ko nang matulog ayoko muna mag isip ipagpapabukas ko na lang yun.

Relationship BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon