Alex's POVNagising ako ng maramdaman ang lamig nakatulog pala kami ni Sofie ng nakahubad. Kinumutan ko sya at muling niyakap. Ang sarap matulog kapag ang katabi mo ay ang taong mahal na mahal mo.
Nagising ako sa mahinang tapik sa pingi ko. Pagmulat ko nakangiting mga labi ni Sofie ang bumungad sa akin.
"Love sobra ka bang napagod naka isa lang naman tayo eh heheh hirap mo kase gisingin eh ! nakangiting sabi ni Sofie habang hahawak ang pisngi ko na nakaupo sa tabi ko.
" Nagpahinga lang ako para pag gising second round na. pang aasar ko sa kanya
" Nakakainis ka tumayo ka na nga dyan kakain na tayo gutom na kami n baby eh 7p.m na kaya. pagmamaktol nya habang palabas ng kwarto
Ang ganda nya pag nagmamaktol ang saya ko kase kasama ko na sya sila ng magiging anak ko.
Nang matapos kami maghapunan ay ako na ang nagpresintang maghugas pinaupo ko na lang sya sa sofa para manood ng tv. Nang matapos ako ay pinuntahan ko na sya sa sala at umupo sa tabi nya at sumandal sa balikat nya namiss ko talaga sya ng sobra kapag nasa tabi ko sya ang aliwalas ng pakiramdam pero pag si Andrea nag iinit lang ako. Tskk dapat ko muna sya kalimutan ang importante si Sofie hanggang kaya ko ay itatago ko yun kay Sofie gusto ko makasama si Sofie at bumuo ng pamilya kasama sya. Sya lang at wala ng iba pa. Naputol ang agam agam ko ng bigla syang humikab. Kaya inaya ko na sya sa kwarto para matulog. Hindi rin naman sya tumanggi pa. Natulog kami na magkayakap na siniguradong hindi maiipit ang aming baby boy.
*==*
Dumaan ang mga araw. Masaya ang pagsasama namin ni Sofie nung nakaraan ay tawag ng tawag si Andrea kaya inOff ko na lang ang cellphone ko para hindi na mangulit. Minsan dumadalaw si Nanay dito sa apartment ni Sofie. Kahapon naman ay bumili kami ng mga kulang na gamit para kay baby. Inayos na naman iyon sa isang bag para kapag manganganak na sya ay madali namin itong mabibitbit. Kagabi naman ay napag usapan namin kung ano ang ipapangalan namin kay baby. Alexis Benedict Buenaventura Cepeda. Yung Alexis halata naman galing sa name ko at ang Benedict naman ay galing sa name ng tatay nya syempre buenaventura ang middle name at ang Last name naman syempre ako ang tatay kaya Cepeda pwede naman yun kahit hindi kami kasal basta ako ang pipirma sa birth certificate ng baby.
Nagdaan ang mga araw. Nagising ako sa sigaw ni Sofie na kasalukuyang nasa loob ng banyo.
"Aleeeeexxx manganganak na ko gumising ka naaaaaa ! sigaw na Sofie kaya dali dali akong tumayo at pinuntahan sya kinuha ko ang mga nakahandang gamit Dahan dahan ko syang inalalayan palabas ng bahay pasakay sa taxi. Ilang oras lang ay narating namin ang ospital.
Pagdating namin ay agad naman syang inasikaso upang ipasok sa O.R. habang ako naman ay kinakausap sa Information para sa detalye ng aking mag ina.Tinawagan ko si Nanay na agad naman na pumunta. Habang nag aantay ay nagdadasal lang si Nanay at ako naman ay pabalik balik ng lakad dahil sa sobrang nerbyos ko. Matapos ang isa't kalahating oras lumabas sa O.R ang Ob-Gyne ni Sofie.
" Sino po ang kamag-anak ni Ms. Buenaventura? tanong ng doktor
"Ako po ang asawa kamusta po ang mag-ina ko ano po ang lagay nila?" pag usisa ko sa doktor
"Maayos naman sila naipanganak nya ng maayos ang baby boy nyo. Nasa nursery room na ang baby nyo at ang asawa nyo naman ay ililipat na sa recovery room. Pumunta na lang muna kayo sa Information para sa pagpirma ng birth certificate ng bata." sagot ng doktor bago umalis
Para akong nabunutan ng tinik ng malamang ayos na ang mag ina ko. Lumapit ako sa Information upang asikasuhin ang birth certificate ng anak namin matapos un ay pumunta na kami sa kwarto kung saan dinala si Sofie. Dahil siguro sa pagod nya ay mahimbing syang nakatulog. Biglang naagaw ang atensyon ng mata ko nang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang isang nurse na may bitbit na isang munting anghel.
Nilapitan ni Nanay ang nurse at kinuha ang kanyang apo. Tuwang tuwa si Nanay habang karga karga si Alexis.
Napansin ko ang pagmulat ng mga mata ni Sofie.
"Yan na ba ang baby natin Love, ang gwapo nya kamukha mo sya. sabi ni Sofie habang inaalalayan syang maupo sa kama nya
" Tama ka dyan Sofie sang-ayon ako sayo kamukha nga ni Alex tong anak nyo gantong ganto sya nung pinanganak ko sya" pag sang ayon ni Nanay kay Sofie
Makalipas ang dalawang araw dahil mabilis nakarecover si Sofie kaya pinayagan na silang lumabas ng ospital.
Nakarating kami ng apartment ng maayos at mabilis dahil na rin walang traffic. Una akong bumaba upang maalalayan ang aking mag ina ngunit para akong naging isang estatwa ng makita ko si Andrea na nasa harapan ko at nakatitig sa aking mag ina lalo na sa aking anak na karga karga ni Sofie.
Dumating na ang araw na kinakatakutan ko ang araw na malaman ni Sofie na kasal na ako sa babaeng nabuntis ko. Ang malaman nya na nagtaksil ako sakanya at nahulog sa tukso.

BINABASA MO ANG
Relationship Betrayal
Ficción GeneralNaranasan mo na bang pumasok sa isang relasyon kung saan ikaw ang talo? Ikaw ang palaging umuunawa? At sa paningin ng iba ikaw ang masama, ikaw ang mali at ikaw ang pang gulo. Hanggang kailan mo kayang lumaban at ipaglaban ang para sa'yo?