"DEAR EX, Fuck you!"
Yan ang mga salitang gusto kong bitawan sa harapan mo mismo. Ang sakit, ang hapdi, at ang sikip sa dibdib maiwan sa ere. Yung taong akala ko forever ko na hindi pa pala. Yung taong akala ko panghabang buhay na panandalian lang pala. Yung taong akala ko seryoso na joke lang pala. Oh diba ang tanga?
Kelan ko ba matatanggap na wala na talaga? Siguro pag sinabi mo na sakin ang mga salitang 'Ayoko na, Pagod na ako, Sawa na ako sayo, Lumayas ka sa harapan ko' pero naman oh! Kelan mo sasabihin yan sa harapan ko? Oo hinihintay kitang lumapit sakin, naghihintay ako para tuluyan nang bumitaw sa mga pangakong pinanghahawakan ko. Hangga't hindi mo pa yan masabi sa harapan ko pwede bang panghawakan ko muna ang katagang 'Mahal kita' at babalik ka pa?
Sabi mo mamamatay ka pag nawala ako sayo. Tangina anong nangyari? Wala naman diba ito ka buhay na buhay at tuwang-tuwa sa pakikipaglandian sa kanila, sa mga babaeng lantaran na ang kakatihan sa katawan nila.
Ang sakit at ang hirap magpanggap sa harap mo na okay lang, kahit na ang totoo gustong-gusto na kitang yakapin at balikan. Mahal kita mahal mo ko pero bat tayo nauwi sa ganito? Ang tawanan at halakhakan nauwi sa hamunan at sigawan, Ang yakapan nauwi sa sapakan at sampalan, Ang salitang 'mahal kita' nauwi sa mga salitang 'tangina ka wala kang kwenta'. Ang matatamis mong halik naging mapapaklang irapan sa daanan.
-------------------
AN: Para sa mga taong bitter talaga to, sa mga Nagmahal, Nasaktan at Umasa gaya ko.. charottt alaws lovelife si author no thefeels ko lang talaga magdrama sa story kaya to nabuo kaso sad nabuo ko sya mag-isa! WALA SYANG AMA! Toinkks! May pa ama? PANO MO NASABI? Sisimulan ko to sa last week ng October plamiss lasang palaka.