DEAR EX #1

46 2 19
                                    

'Pag tumingin ka, babalik ka'

-----------

Halos kada minuto akong kung batukan netong si Linya, bestfriend ko since fetus dahil sa kakadrama ko sa kanya.

"Masisisi mo ba ako?" Suminghot-singhot muna ako sa harapan nya kakatapos ko lang kasing pahiran ang mga luha ko "Kakabreak lang namin eh, Mahal ko yung tao" Binatukan nanaman ako "Ano ba! Tang ina ka nakakailan ka na ah" masakit na nga puso ko dadagdagan mo pa ng ulo! Peste kang bestfriend ka.

"Para matauhan ka!" Inirapan ko lang sya, pano nga ba ako maiintindihan ng kaibigan kong to eh wala naman tong lovelife tssk at bukod dun numero unong anti- Louie to "Juskoo! Alalahanin mo Mayang Grade 8 palang tayo marami ka pang makikilala jang lalaki na deserving jan sa luha mo kilabutan ka nga ke-bata-bata mo pa may pamahal-mahal ka nang nalalaman" Oo nga't grade 8 lang kami pero di nya ba ako naiintindihan? Tssk! Wala sa edad ang pag-mamahal kusa yung nararamdaman! Kusa! Peste to.

"Parang si Louie na ang TOTGA ko eh huhuhu" Tinakpan ko nanamang muli ang mukha ko naiiyak nanaman kasi ako tuwing naaalala ko kung pano sya makipag-break sa akin kagabi! Sa simpleng text nya lang na 'Delete my number. AYOKO NA. We're Over'

"Totga-totga ka pang nalalaman, di bagay sayo maghulos dili ka nga" Tinitigan ko lang ang kaibigan ko habang nakanguso

"Syempre The one that got away hmpp!" Siraulo to di nya ba alam yun? Tsssss

"Bata ka pa Mayang! You'll see matatawa ka nalang sa kadramahan mo pagdating ng araw" Yeah I hope so, sa ngayon kasi nadudurog talaga ang puso ko tuwing naaalala ko yung sinabi nya na tapos na kami, ansakit pala pagnag-break kayo ng taong mahal mo huhu.

"Sana nga hayst" Bumuntong hininga ako, totoo naman kasing nasasaktan ako, kahit ba sabihing grade 8 lang ako ay wala na ba akong karapatang masaktan sa 3 months naming relasyon?

Wala naman sa edad ang pagmamahal eh, kung magtanong nga kayo sa mga nanay nyo kung pano naging sila ng tatay mo ang isasagot ng karamihan 'Highschool lovers' tss! Tapos yung mga kadalasang relasyon pa ngayon nagsisimula ng grade 7 palang sila, kaya masasabi kong totoo talaga tong nararamdaman kong pagmamahal kay Louie, walang halong joke yung nararamdaman kong sakit ngayon, yung pag-iyak ko totoo yun kasi feeling ko yung tyan kong binabahayan ng butterflies tuwing kasama at nakakausap ko sya ay binuhusan ng sangkatutak na alcohol at sobrang sakit nun, feeling ko ang sarap mamatay, ganun din naman e namamatay na yung puso ko wala na kasi yung buhay ko hayst :(

"Alam mo di naman yan mangyayari kung walang magandang patutunguhan" uhm oo think positive lang Marianne.

"O-oo nga love is sweeter the second time aroun-" bago ko pa mandin matapos ang sasabihin ko ay mabilis akong binatukan ni Linya "Aray ko naman! What was that for?"

"Imbis na magmove-on talagang inisip mo pang magkakabalikan kayo eh no?" Bakit masama bang maging positive?

"Why not?" Makapagsalita tong babaeng ito akala mo ang bilis ng process ng pag-momove-on, mas okay nang isipin kong magkakabalikan kami para di ako mastress.

"Imposible na masyado yan Mayang! Juskoo! Kala mo naman di mo alam na Pambansang Playboy ng SU yang lalaking jinowa mo" Here comes again ang pagiging antagonist nya sa love story naming dalawa ni Louie Hayst!

"Bat ba kasi di ka nalang magsupport sakin?" Bestfriend paman din kita.

"Wala kasing kasuporta-suporta Mayang! Duhh nung una palang binalaan na kita" Yeah I remembered nung unang lapit palang ni Louie sa canteen para magpakilala binalaan nya na agad ako "I told you not to entertain him pero anong ginawa mo? Nagsekreto pa kayo kala mo di ko malalaman tssk!"

DEAR EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon