DEAR EX #2

33 1 7
                                    

'Alam kong babalik ka, kaya't aantayin kita promise'

----------

"Alam mo bang para kang tanga?" Kanina pa kami palakad lakad ni Linya dito sa loob ng book store don't know why.

"Ano ba kasing hinahanap mo dito?" Kanina pa kasi pabalik-balik e mukhang wala naman syang mabili "Pinagtitripan mo lang ata ako e"

"No! May bibilhin talaga ako" And what the hell is that? Kanina pa tayo dito! "Here" sabay taas nung mga nagkakapalang sticky notes.

"Para san?"

"Para kanino kamo!" Nakataas kilay ko lang itong tiningnan.

"Wait babayaran ko lang" Pumunta na sya sa counter at nag-abot ng bayad "Oh" abot nya sa akin nung binili nyang sticky notes.

"Para san to?" Tiningnan ko lang ang inaabot nya.

"Kaninin mo para makamove-on ka, adobong papel Mayang" Inirapan ko sya kaya naman bumuntong hininga ito "Malamang susulatan mo! Duh kuhanin mo na kaya bago magbago ang isip ko at talagang ipakain ko sayo to" Kinuha ko nalang rin sa kanya ang binili nya, daming dada e.

"Hello Loreline" bati sa kanya ng isa sa mga schoolmates naming nakasalubong pagkalabas na pagkalabas sa bookstore, nginitian nya naman ito.

"Hello Marianne" Tinanguan ko lang din sila.

Loreline Garcia, that was her full name but I prefer calling her Linya and well me I am Marianne Jayzel Aquino at ang mas gusto nya namang tawag sakin ay Mayang. I know! Weird talaga ang tawagan namin, nickname nya kasi ay Line so pagtinagalog mo Linya kaya naisipan kong tawagin syang Linya, afterall ako lang naman tumatawag sa kanyang Linya at sya lang ang tumatawag saking Mayang.

"Kain muna tayo" pang-aaya nya sa akin bago ako hinila sa isang fast food chain

"Linya busog pa ako" awat ko sa kanya kasi naman kakatapos lang namin kumain kanina tapos kain nanaman, baka gusto netong bumondat aba ako ayaw ko! Babalikan pa ako ni Louie.

"Ayy edi Ice-Cream nalang" At ayun nga lumiko kami ng bahagya papunta doon sa parte ng Ice-cream house.

"Ayokong kumain" Inis akong nilingon ni Linya pagkarating namin sa Ice-Cream house.

"Tss! Pangtanggal ng stress ang ice-cream in case you don't know" Alam ko! Pero wala ako sa mood kumain ng malamig ngayon.

"But-"

"NO buts!" Pagpupumilit ni Linya, kaya wala narin akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya sa loob "What do you want?" Tanong nya sa akin ng di ako nililingon dahil busy syang mamili sa nga ice-cream na nakabalandra sa harapan nya.

"Rocky Road" naghanap ako ng mauupuan namin, at sakto namang may isang table ang bakante malapit sa pintuan ng ice-cream house.

"Here" abot sa akin ni Linya sa Ice-cream ko, Binuksan nya na ang container ng ice-cream nya at sinumulang kumain ako naman ay abala sa panonood sa bata sa labas nitong Ice-cream House.

May isang bata kasing may hawak ng teddy bear tumatawa pa ito habang hawak-hawak ang bear at pinaglalaruan kakakuha lang ata ng daddy nya dun sa toy catcher, nasa tapat kasi nitong Ice-cream house ang Tom's World. Masayang-masaya yung bata, walang problema.

"Ang sarap sigurong bumalik aa pagkabata" di ko namalayang sabi na ikinagulat ni Linya, sinundan nya ang tingin ko at nakita rin ang bata.

"Bakit? Dahil walang problema?" Tumango ako sa kanya "Galawin mo na yang Ice-cream sa harapan mo baka matunaw sayang ang 40 ko no!" Nakakahiya naman sa kasama ko kaya sinimulan ko naring kainin ang ice-cream, totoo talagang nakakawala ng stress ang ice-cream dahil dumadaloy talaga sa lalamunan mo yung pinaghalong tamis at lamig na dala nito na tumutulong para mapakalma ang nagwawala mong kalamnan.

DEAR EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon