'Don't ever use your time arguing with an idiot. You are no match for natural stupidity'----------
"Happy Birthday Mayang" nakangiting pagbati sa akin ni Loreline na inirapan ko lang. Today is my 18th birthday at sa kasamaang palad hindi ko yun maalala. Jusko naman ni katiting sa sarili ko di ko alam. Akalain nyo yun birthday ko pala. stupid.
"Pssh!" Nakangusong lumapit sa akin si Loreline, at hinawakan ang mga kamay ko. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya, ang totoo kasi ay naiilang ako at di ko alam kung paano ang tamang pagtugon sa kanya. "I-i am disappointed to myself Loreline" Umiling sya kasabay ng pagngiti sa akin
"Don't be please" hinarap nyang pilit ang mukha ko sa kanya at ngumiti "It's better of this way" kunot-noo ko syang sinulyapan. Kaylan pa naging mabuti ang walang maalala sa sarili? Jusko nakakaaning ang katotohanang natulog lang naman ako ng halos limang taon at gumising ng mangmang. "Mas gugustuhin ko nang makita kang pinipilit makaalala kaysa pinipilit makalimot sa mga alaala." di nakatakas sa pandinig ko ang pait sa boses nya. Kung kaya't kunot noo ko syang binalingan ng tingin. Tatanungin ko pa sana sya pero tumayo na ito at lumayo sa akin. Lagi nalang pag magtatanong na ako ay halatang iniiwas nya ako sa nakaraan ko. Bosset tamang clue clue lang. Lagi akong binibitin.
What the hell happened years ago? Bakit ayaw nyang ipaalala sa akin? Bakit? Am I an ex-convict? A killer or what?
"Wag mong pilitin ang sarili mo" pinasadahan nya ng tingin ang buo kong kwarto tapos ay umiiling na tumingin sa akin "Ang dami nang nagbago Mayang! Mag-ayos ka na pala para makaalis na tayo" matapos sabihin ang mga iyon ay tuloy-tuloy na itong lumabas sa kwarto ko. Baliw! Malamang marami talagang magbabago limang taon ba naman akong puro lang panaginip at hilik pssh! Ano pa nga bang aasahan ko? Nawala man siguro ang mga ala-ala ko pero hindi ang commonsense ko.
Ang Weirdo! Bakit pa nga ba ako magtataka sa mga sinasabi at inaasal ni Loreline? Simula ng magising ako sa pagkakacomma raw ay ganyan na sya. Mas malala pa nga dahil sa kung anu-anong mga pinagsasabi. Nakakabugnot lang ang katotohanan na yung mga gusto kong malaman ay ayaw ipaalam ng matalik kong kaibigan. Hindi ko alam kung pinoprotektahan nya lang ba ako o inaasar lang.
Nagbuga na lang ako ng isang malalim na hininga bago nagsimulang ayusin ang sarili. Wala na akong magagawa kundi ang tanggapin ang katotohanan. Bahala na si Batman. Saglit lang akong naligo at naglagay ng kaunting pulbo at kulay sa labi. Nang matapos at makuntento ay nagspray ng pabango sa magkabilaang braso.
Saglit ko pang sinuri ang sarili sa harap ng salamin, nang bigla ay maagaw ng isang teddy bear ang atensyon ko. Hindi ko alam kung ano itong bigla kong naramdaman, pero bigla-bigla ay napahawak nalang ako sa dibdib ko ng makita ito. Agad-agad ko itong nilingon sa kinalalagyan nito di kalayuan sa kama ko, katamtaman lang ang laki nito at kulay asul.
"What's with you? Bakit ka nakatago jan?" Tinutukoy ko ang kinalalagyan nitong sliding glass. What's so important with you at nag-iisa ka lang jan. At eto nanaman ako kinakausap ang mga gamit na napapansin sa kwarto ko, hindi na ito bago pero may kung anong kakaiba sa isang to. Pakiramdam ko ay sasagot to.
Di pa sana ako matatapos sa pakikipagdayalogo sa laruan dahil hindi pa naman ito sumasagot kaso ay may kumatok na sa kwarto ko. Istorbo naman"Hurry Up Marianne" boses iyon ni Mommy, kaya't dali-dali ko nang tinalikuran ang teddy bear at Isinulbit ang isang shoulder bag sa balikat. Pesteng teddy bear yun muntik ko nang makalimutang may lakad pala ako.
Bago pa ako tuluyang makalabas ay nilingon kong muli ang bear at pinandilatan "Magtutuos tayo mamaya humanda ka" ginawa ko pa ang Im-watching-you act.
"Marianne ano na!" Sigaw ni mommy.
"Eto na po"
Sabay na kaming bumaba ni mommy si Loreline naman at Daddy ay naghihintay na sa amin sa baba.