DEAR EX #5

7 0 0
                                    

'Kumusta ka? Sana ay maging masaya ka sa kung ano ang meron ka ngayon'

----------

"Mygosh! Mayang. Anong nangyari sayo?" Humihikbi pa ako ng lapitan ni Linya, siguro ay Lunch break na kaya siya nandito. "Kanina pa kita hinahanap. You ditched the first class I was so worried and why the hell were you in this state? Anong nangyari?" Klarong-klaro sa mga mata ni Linya ang pag-aalala sa akin.

Hanggang ngayon ay nakasalampak parin ako sa kung saan ako iniwan ni Louie. Pakiramdam ko matapos ng kompronta nya sa akin ay ayaw nang kumilos ng buo kong sistema, namanhid na ang lahat ng parte nito. Maging ang dila at boses ko ay umatras. May kung anong nakabara sa lalamunan ko na tingin ko'y kung subukang kunin ay ikakamatay ko.

Nasa ganoong sitwasyon lang ako, Tulala sa kawalan ng bigla ay naramdaman ko nalang na yakapin ako ni Linya "I won't ask but please help yourself" yun lang ang sinabi nya pero grabe ang epekto nito sa akin. Nagawa nitong ibalik ako sa wisyo.

"Shh. Tahan na please" Kumawala sya sa pagkakayapos sa akin at tiningnan ako ng may sinseridad sa mata "Gusto mong umalis muna tayo?" Nakangiti na ngayon si Linya pero ramdam at alam kong may galit at lungkot syang pinipigilang ipakita sa akin.

Tango lang ang naisagot ko. Inalalayan nya akong makatayo hanggang sa makarating kami sa gate para makalabas.

"K-kinausap ko si Louie" saad ko ng sa wakas ay nahagilap ko rin ang aking boses. Sumulyap ako sa kanya, hindi sya nakatingin sa akin, pero alam kong nakikinig sya.

Dinala ako ni Linya sa napakapayapang lugar. Masarap sa balat ang dampi ng hangin. Mga naghahabaang damo at ligaw na bulaklak lang ang makikita dito, nakapuwesto kami sa pinaka gitnang bahagi ng lugar kung saan nakatayo ang puno ng acacia. Malinis ang kinauupuan namin, purong bermuda. Tirik man ang araw di ko naman ramdam ang init nito sa balat dahil nasisilungan kami ng punong acacia.

Tumikhim lang sya ng maramdaman nyang nanahimik ako. Tipid akong ngumiti bago nagpatuloy sa sasabihin "T-tinapos nya nang talaga ang kung ano man ang meron sa amin" pumiyok nanaman ako kaya naramdaman ko na ang paggalaw ni Linya.

"Ano kaya yung pagkukulang ko no?" Sarcastic pa akong ngumiti sa kawalan habang tumutulo ang mga luha ko. Akala ko noon ay sa mga love novel ko lang mararamdaman ang mga ganito walangya pati pala sa reyalidad.

"Hindi mo deserve ang masaktan ng gayan dahil lang sa kanya Mayang" nag-init nanamang bigla ang gilid ng aking mga mata dahil sa sinabi ni Linya, dali-dali akong tumingala para maiwasan ang pagbagsak ng mga luha ko pero huli na. Nag-unahan na ang mga ito sa paglabas. "You deserve someone who knows your worth, yung kaya kang ipaglaban kahit buong mundo na ang kalaban"

Ngiti at tango nalang ang naging sagot ko. Saglit kong tinitigan si Linya,  Eto nanaman siya, yung side nyang napakalalim na kapag pinilit mong sisirin ay malulunod ka.

"Tigilan mo na ang pag-iyak pumapanget kang lalo" at eto nanaman nga ang kanyang pagkabipolar "Ayoko ng panget na kaibigan. Alam mo yan" nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang pagtakas ng ngiti sa mga labi nya. Umiling nalang ako habang pinagmamasdan syang magpagpag ng palda.

"Aalis na tayo?" Tanong ko matapos nyang magpagpag. Tumango lang sya at nauna nang nagmartsa sa akin papalayo. Damn this girl. Pagkatapos akong damayan ay iiwan naman.

"Saan na tayo?" Tanong ko nang makapasok na kami sa kotse ni Mayang. Hindi sya nagpamaneho ngayon kay Mang Ronald dahil lang sa akin.

"Sa Inyo, alas singko na kaya" Walang lingon-lingon imik nito, nakanguso ko nalang syang tiningnan at inabala ang sarili sa panonood ng mga pangyayari sa labas ng kotse hanggang sa makarating ng bahay.

DEAR EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon