'Miss na kita, balik ka na'
----------
"Woi! Linya naman eh teka lang eto na gagawin ko na" tawag ko sa nagtatampong kaibigan ko at sinulatan ang sticky note na bigay nya.
"Hi ^^ Hoping you to come back"
"Ano nang gagawin ko dito?" tanong ko kay Linya pero nginuso nya lang ang locker ng mga boys.
"Dikit mo jan" Tinuro ko naman ang locker ni Louie na kinabugnot lang ni Linya.
"Sa locker ni Louie?"
"Hindi! Sa noo mo.dikit mo.para mabasa nya" maswerte na ako sa kaibigan sa lagay na to promise! "Malamang! para kanino ba yang message ha?" wala na akong iba pang nagawa kundi ang sundin ang utos ni Linya.
Aktong babasahin nya pa sana ang nakasulat sa idinikit kong sticky note pero hinarangan ko agad sya.
"Oh?" tinaasan ko muna sya ng kilay bago nginitian ng nakakalolo "para kanino ba ang note?" mark the sarcasm on my voice.
"Fine! Let's go!" nakacrossed arms pang nagwalk-out ang bestfriend ko kaya tumawa-tawa nalang ako habang sinusundan sya "Ano ba Mayang! hurry up pag ikaw nahuli jan ng ex mo bahala ka di kita tutulungan at tsaka nagugutom na ako" halata ko sa sigaw nyang napipikon na sya kaya naman binilisan ko na nga ang paglalakad.
"Yes ma'am" lakad-takbo ang ginawa ko para lang mahabol sya at nagtagumpay naman ako "San tayo kakain?"
"Doon sa barbequehan" sagot nya sa akin ng matapat kami sa gate.
"Linya naman eh" huminto naman ito at inis akong binalingan ng tingin.
"Ano nanamang dinadrama drama mo jan?" kunot noo at nakabusangot na mukha ang iniharap ko sa kanya.
"Nananadya ka eh!" nakanguso kong sabi sa kanya kasi naman doon kami madalas magmeryenda ni Louie eh, at alam yun ni Linya "Maaalala ko lang sya dun eh"
"Oh eh ano naman?"
"Akala ko ba tutulungan mo akong makalimot? pssh ba yan limot ba yun? Alala yun eh"
"Ano ba! Feel the pain until it hurts no more nga diba?" at wala na nga akong nagawa pa kundi ang sumunod at ang namnamin ang mga nakaraan dahil nagmartsa na papalayo ang magaling kong kaibigan.
Nang makarating kami sa barbequehan ay nginitian ako ni Aling Aysa, sya ang tindera ng mga malinamnam na barbeque, di naman gaanong kalayuan sa school namin ito kaya naman mabenta.
"Marianne ikaw ba yan?" nakangiti lang akong tumango sa kanya "kamusta ka?"
"Okay lang naman po"
"Bakit hindi mo yata kasama yung nobyo mo?" Ayan na nga bang sinasabi ko eh.
"Ehem Aling Aysa tatlong dugo po sa akin, dalawang ulo, tatlong bituka ng manok, tatlong isaw din tsaka dalawang paa" Makahulugan pa akong sinulyapan ni Linya kaya sinabi ko narin ang bibilhin ko.
"Ganun din po sa akin" Yun nalang ang nasabi ko.
"Di naman kayo mga gutom ano?" tumatawa-tawang kumento pa ni Aling Aysa sa amin pero di ko na sya nagawa pang sakyan sa biro nya, Takteng yan nalulutang nanaman ang isip ko dahil sa hotdog.
"Hotdog" Isang araw matapos ang pagsagot ko sa kanya ay nagtatalo na agad kami sa kung ano ang kakainin ko dito sa barbequehan ni Aling Aysa.
"Gusto ko nga kasi ng ulo" gusto nya kasing hotdog ang kainin ko samantalang ulo naman ang gusto ko.
"Di ka naman kasi mabubusog sa ulong yan eh kaya hotdig nalang babe" napabuntong hininga nalang ako bago tumango sa kanya.