He text me

0 0 0
                                    

Jarryl's POV

Nandito ako ngayon sa school. Nakatambay kami ng mga kaibigan ko dito sa isang bench, mamaya pa kasi 9am ang pasok namin, so chill chill muna kami dito.

"Pare tingnan mo oh! Owww chix!" sabi ni Kiel

"Saan pare?!" sabay sabay naman na sabi nila Jes, Sev at Darth. Sabay lingon sa tinuturo ni Kiel

Haaaay naku! Mga di na nagsawa sa babae. Tigil muna ako sa ganyan, nakakastress na masyado eh tsk. Lagi nalang ako hinahabol ng mga nagiging babae ko.
Tsaka nakakahiya na kay mom, lagi nalang ako pinagsasabihan about sa pagiging womanizer ko. Gusto ko naman magpa good shot sa kanila hehe.
Hay! Makaalis na nga dito tutal naman busy sila sa pagtingin dun sa babae, umalis nalang ako. Bahala sila dyan! Makapasok nalang sa room ko at matutulog nalang ako.

Third Person's POV

Habang natutulog si Jarryl sa kanyang upuan malapit sa bintana kung saan katapat nito ang isa pang classroom. May nakatingin sa kanya ng palihim mula sa kabilang kwarto.

Habang nakaupo si Glyssa at nagmumunimuni ay bigla syang napatingin sa kanyang kaliwa at nakita nya si Jarryl na natutulog na nakaharap sa kanyang gawi.

Ang gwapo naman nya, kaso may saltik ang mokong! Tapos muka pang rapist . Isip isip ni Glyssa

Talaga namang napakagwapo ni Jarryl, iyon nga lang hindi alam ni Glyssa na isa itong babaero at may balak ang binata na paibigin sya nito at saktan.

Nagsisimula nang magustuhan ni Glyssa si Jarryl ngunit di nya pinapansin ang kanyang nararamdaman dahil ayaw na nya ng anumang commitments.
Siguro nga ay sobra syang nasaktan sa kanyang ex boyfriend at hindi pa sya handang umibig muli.

Sa kabilang banda, nagising na si Jarryl nang dumating na ang kanilang prof.

Glyssa's POV

Haaay nakakalungkot naman 😞 wala akong makausap dito sa classroom. Umalis kasi kanina si Erilyn, ewan ko kung saan pumunta un! Basta basta nalang umalis at hindi ako sinama. Nakakainis pa kasi walang dumadating na prof, siguro tinatamad nang umattend ng klase samin. Ganun kasi kadalas ang mga prof namin dito sa school.

"Girl!"

"Oh? San ka galing? Umupo ka nga dito at may itatanong ako" sagot ko kay Erilyn pagtawag nya sakin.

"Dyan lang sa tabi tabi hihi. Ahm ano ba itatanong mo?" Sagot nya

"Anong nangyari kagabi sa bar? Paano ako nakauwi? Paano nakapunta si Jarryl sa bahay ko at paano sya nakapa---"

"Girl hinay hinay! Ganito kasi yan. Nalasing ka ng sobra kagabi, so di ka na makatayo at nahulog ka pa sa upuan kaya naisip ni Joe na iuwi ka na, eh nung ihahatid kana ni Joe nagprisinta si papa Jarryl sya nalang daw maghahatid kasi nga maiiwan ako kapag si Joe ang naghatid sayo. So ayun kaya nakarating si Jarryl sainyo" kwento ni Erilyn
Ahhh kaya naman pala, ayun naman pala ang nangyari. Salamat naman at walang ibang nangyari, dahil nakakasigurado ako na wala. Kasi yung damit ko paggising yun parin yung damit ko nung nasa bar ako.
Dahil kung may nangyaring kalaswaan kagabi, naku! Di ko papalampasin yun at talagang susupalpalin ko yung mokong na yun! Ayyy 😒

"Girl! Anong nangyari sayo at natahimik ka? Is there something wrong? O baka naman may nangyari kagabi? Ayiiieee! Ikaw Glyssa ha!" tukso ni Erilyn sakin

"Hoy babae! Wala ha! Naku, wag mo na nga ko pansinin at manahimik ka nalang" bulyaw ko, ang kulit kulit eh!

So after namin magkwentuhan lumabas nalang kami ng school tutal wala namang klase at wala ng magkaklase dahil walang dumadating na prof. Nagpunta nalang kami ni Erilyn sa mall at nagshopping nalang kami.

After namin mamili ng bags, shoes and dress tumambay muna kami sa starbucks. Aba! Nakakapagod kaya maglakad lakad at mamili no haha.

I took a sip on my coffee jelly at kinuha ang phone ko sa bag. I check my facebook account then may nag pop up na message. I check the message kung sino then I open it.

I need to talk to you Gly. Please I need to tell you something. Reply me as you received this. Take care always
-Jay

Hah! Kapal ng mukha nyang imessage pa ako. So what does he need? Matagal ng tapos yung samin at wala nang dapat na pagusapan pa.
I switch off my phone dahil nairita ako sa nabasa ko.

"Hey Glyssa, easy! Bakit parang gigil na gigil ka dyan? Baka mayupi yang phone mo girl sa sobrang higpit ng hawak mo haha" sabi ni Erilyn

"Ah wala! Dont mind me" pagsisinungaling ko.

Haaaay nakakastress! Di ko nalang inisip yung message ni Jay sakin at niyaya ko nalang si Erilyn na umuwi dahil napapagod na ako.
Nang makarating ako sa bahay agad na pumasok ako sa kwarto at humiga.
Tumitig lang ako sa kisame hanggang sa kusa nalang nagtuluan ang luha ko.
Sunod sunod na lumandas ang luha ko hanggang sa napahagulgol nalang ako.

Nakakainis! Nakakainis! Ano bang kailangan nya sakin? Tapos na kami simula nung nagloko sya! Ano pang kailangan nya? Ayos na ako eh kaunti nalang wala na sya sa isip ko at sa buhay ko pero ano? Nagparamdam pa sya! Huhuhuhuhuhu😭
Habang umiiyak ako may narinig ako na katok sa pinto.

"Sino yan? Pasok" sabi ko habang pinapahid ang mga luha ko.

"Princess? Si kuya Ethan to, anong nangyari bakit ka umiiyak?"

Ah si kuya lang pala. Minsan lang kasi sya umuwi dahil lagi syang kasama nila mom and dad sa ibang bansa para tumulong sa ibang business namin abroad. 24 years old lang si kuya at ako naman 20 years old so di gaanong nagkakalayo ang edad namin kaya close na close kami. Tsaka kami lang kasi palagi ang magkasama sa bahay minsan lang umuwi ang parents namin tho minsan sinasama nila si kuya Ethan.

"Wala to kuya, kakagising ko lang kaya medyo naluha ako hehe. Ahm kararating mo lang? Kasama mo sila mom and dad?" Tanong ko

"Ah oo kararating ko lang sila mom and dad baka bukas pa daw. Ah princess, kung may problema ka nandito lang si kuya ha? You can tell me everything. I love you" wika ni kuya at hinalikan ako sa noo

Tumango naman ako sakanya and I mouthed the words I love you too at niyakap sya. I dont wanna say anything dahil nalulungkot ako ng sobra at mukang naiintindihan naman ni kuya dahil niyakap lang din nya ako at inihiga sa kama, kinumutan at hinalikan ang noo ko. Then naglakad na sya papunta sa pintuan, bago sya tuluyang lumabas ay ngumiti muna sya sakin at tuluyan ng lumabas.

Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon